3rd Person's POV
"Sinara-sara mo 'tong pinto, 'di mo naman pala alam kung pa'no 'to buksan mula sa loob?." Reklamo ni Auxine. May passcode pad at fingerprint scanner sa tabi ng access door ng walk-in armory ni Master Choi mula sa loob at laser scanner naman ang nasa labas.
Marahil ay naisip niyang mas padaliin na lang ang pagpasok sa mga makikialam at pahirapan sa paglabas. Dahil sa lahat ng security lock, passcode at fingerprint ang hindi ganoon kadaling malusutan.
"Sige. Kung iniwan ko 'yan nang nakabukas, makikita ka ni Master Choi."
"Sino ba 'yon at para kayong mga kiti-kiting 'di mapakali 'pag nalalapit siya sa'kin?." Naiirita na siya sa kakaiwas sa kaniya nila Vonne mula kay Master Choi. Ni wala nga siyang kilalang Choi ang apelyido maliban sa lola niya.
"Si Tito Danilo, ang papa mo."
"What?.." Reaksyon niya. ".. Bakit Choi ang gamit niyang pangalan?." Nagtatakang tanong nito. Sa simula pa lang ay alam na ng dalaga ang tungkol dito, maliban nga lang sa posisyon ng ama niya at nilalaman ng JAA.
"Ano ba ang middle name ng lola mo sa father's side?. Choi 'di ba?."
Nakakunot-noo pa ring tumatango-tango ang dalaga.
"Yung Amsterdam?.." tanong pa nito. ".. Ba't ganon tawag ni Rex kay papa?."
"Master Nam.." naiiritang sagot ng binata. Nilingon niya ito. ".. Siguro naman alam mo na kung ba't Nam?."
"Amsterdam, master Nam." Sabi ng dalaga sa sarili habang nagiisip.
Ye Jin Choi-Nam ang maiden name ng lola ni Auxine sa father's side kaya't maaaring doon galing ang 'Choi' na itinatawag sa kaniya ng mga tao dito. At maaari ring 'Amsterdam' ang tawag sa kanya ni Rex dahil sa malapit ang tunog at spelling nito sa 'Master Nam'.
"Tatlong tao lang na may access sa armory na 'to ang nakakaalam na nandito tayo; ako, si Rex at si maestro.." Pag-iiba ng binata sa usapan. Kumuha siya ng isang fiberglass dagger at nilaro ang talim nito sa kanang hintuturo niya. ".. So maghihintay tayo dito hanggang sa makabalik si Rex at pagbuksan niya tayo dito."
Umirap ang dalaga tsaka sapilitang kinuha ang phone ni Vonne sa bulsa nito. "Ba't si Rex lang?. Si Maestro?." Binuksan niya ang phone ni Vonne at inabot ito pabalik para i-unlock.
Inabot ni Vonne pabalik kay Auxine ang phone. "Wala akong number ni Maestro eh." Wika nito na parang 'di manlang nag-aalalang nakakulong sila ngayon sa isang maliit na silid na puno ng mga nakamamatay na bagay.
"Hoy Rex, nasaan ka ba?!." Biglang sigaw ni Auxine.
[Bakit?..] Nagtatakang wika nito. [.. Hala oo nga..] Pasigaw na sabi nito kasunod ng tunog ng mga nagbanggan na babasaging bagay.
"Asan ka ba?. Palabasin mo na kami dito!." Nagpalakad-lakad ang dalaga sa magkabilang dulo ng silid habang kausap si Rex dala ng pagmamadali nitong makalabas.
Malapit nang maghating gabi at narito pa rin siya, ni hindi niya sigurado kung alam na ba ng mama niya na wala siya sa bahay o ano dahil pati cellphone niya ay naiwan niya doon nang bigla na lang siyang kunin nila Romel kanina.
[Nasa café ako dito sa tapat ng building, teka lang..]
"Ano?. Mas naalala mo pa talagang kumain?."
[..Teka lang kasi, nakuha ko na yung order ko. Mamaya na kayo.]
"Hoy, Re------ Hello?." Tinignan niya ang screen at ibinaba na nga talaga ni Rex ang tawag. Napaangil na lamang ito at inis na inis na inabot ang phone may Vonne.

BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...