21

7 1 0
                                    

3rd Person's POV

Gaya ng mga lalake sa labas kanina ay ganon din ang suot ng mga nandito, ngunit ang iba sa kanila ay dalawa o tatlo ang puting linya ng tela sa kani-kanilang mga kurbata. Ang iba ay puti lang ang linya, ang iba ay pula.

Ang ilan sa kanila ay nagsitayuan nang mapansin nila ang pagdating ni Vonne at nagbigay ng pagbati. Ang ilan pa sa kanila'y tinawag siyang 'Senior' at 'R7'. Ang ilan sa mga babae doon ay mga nagmamaganda sa pagngiti at halatang kinikilig.

Napansin ni Auxine ang isang lalake sa 'di kalayuan na may tatlong puting linya sa kurbata, ni hindi ito tumayo o bumati at mukhang naiirita pa sa presensya ni Vonne. Nilingon niya si Vonne na isinantabi lang ang lalakeng 'yon at tinanguan ang mga bumati sa kaniya kasabay ng pagpapatuloy sa paglakad.

"J6." // "Senior." sabay sabay na bati nila matapos na muling tumunog ng elevator na katabi ng nilabasan nilang elevator.

Natigilan silang dalawa at nilingon ito. Si Rex. Nginitian nito ang mga bumati sa kaniya pagkalabas nito sa elevator. Agad siyang lumakad patungo sa dalawa at pinasalubungan ng isang pagngisi si Auxine.

"Aish.." naiiritang usal ni Vonne na nauna nang maglakad bago pa man makalapit si Rex.

Natawa na lang tuloy si Auxine at hinantay si Rex na makalapit upang magkasabay sila sa paglakad. Binaling niya ang tingin kay Rex para kausapin sana ito ngunit may biglang sumabay na lalake sa kanilang dalawa.

Lumapit ito lalo kay Rex. "Senior, sino siya?.. bagong kuha niyo?."

Pabirong binatukan ni Rex ang lalake "Ano sa tingin mong dahilan namin para magdala ng taga-labas dito ha?." Sarkastiko nitong wika.

"Sorry naman, hehe.." naiilang na tugon nito.

Habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ay natanaw na ni Auxine ang kabilang dulo nito kung nasaan ang isa pang elevator. Naroon na si Vonne at nauna nang bumaba.

"Nandito ba si master Choi?."

Napansin din niya ang mga pintong nilalampasan nila. May mga label ang bawat isa dito na 'Pool area' at 'Gym'.

"Wala po."

Salamin ang mga pintuan non kaya't madali niyang nakita ang mga nilalaman nito. Naaliw rin siya masyado sa aliwalas ng pasilyo kaya't hindi na niya napansin ang mga pinag-usapan ng dalawa. Mula sa elevator ay puti na ang pader at maliwanag ang mga ilaw sa bawat kanto ng pader at sahig maging sa kanto ng pader at kisame. Ang kisame pa'y gawa sa salamin na lalong nagpaliwanag dito.

"Ito na ba 'yon?." Mahinang sabi niya sa sarili.

Napadaan sila sa ikatlong pinto sa kaliwa niya na may ngalan na 'Firing range'. Isang lugar na sa tingin niyang una niyang nais na pasyalan mamaya kung magkakaroon man ng pagkakataon.

"Si maestro, nasaan?." Tanong ni Rex.

Nabaling na ang buong atensyon nito sa dalawa dahil wala na rin naman siyang matititigan sa lugar na iyon.

"Nasa meeting room po ata, may inaayos sa kaso nila A3.." tugon naman nito. ".. Review ko lang 'to, Sen." Tukoy niya sa folder na hawak niya tsaka umalis matapos na tanguan ni Rex.

"Ano bang meron sa lugar na 'to?." Tanong agad ni Auxine nang tuluyan nang makaalis ang lalake.

"Vonne talaga.." Dismayadong panimula nito. Pinindot niya ang buton ng elevator pababa pagdating nila sa tapat nito.

Tatlo ang elevator sa JAA. Ang isa ay nagsisilbing entry point. At ang dalawa ang nasa kabilang side ng palapag. Hindi nga lang niya mawari kung para saan ito.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon