25

10 1 0
                                    

3rd Person's POV

Ang Agent's Hall. Isang silid kung saan ginaganap ang mga meeting at case pitching ng mga agent. Sapat ang laki nito para maglaman ng hanggang sa isandaang tao. May sampung mahahabang mesa sa loob ng silid na may tigsasampung silya. Isang malawak na silid ang Agent's Hall na maaaring maalis at maibalik ang mga kahoy na pader para magamit bilang silid sa pagpupulong ng bawat grupo sa mga kasong hawak nila.

Mula pa lamang sa malayo ay tanaw na ni Auxine sa malaking bulwagan ng silid ang mga dumalong sa kaganapan sa araw na ito. Sabi ni Vonne sa kaniya ay ipapakilala ang nga bagong agents at magsisimula ng pag-aassign ng mga kaso sa mga grupong iaanunsyo rin mamaya.

Marami-rami sila at nagkalat kaya't 'di niya alam kung nasaan sa mga 'yan si Vonne at Rex. Kasama niyang dumating dito ang dalawa kanina ngunit iniwan muna siya habang nakikipag-usap sila kay maestro.

"Nakita mo ba si R7?." Tanong ni Auxine sa isang babaeng nakasabay niya papasok sa silid. Napakunot ang babae at napaisip kung sino si R7. ".. Si Vonne." Dagdag ni Auxine.

Mabilis itong napalingon sa kaniya at sumagot. "Ay ikaw yung kasama sa mga bago?.." Patuloy silang naglalakad.

Tumugon ng pagtango ang isa.

".. Ahh. 'Di ko pa siya nakikita eh, baka kasama si maestro.." Tugon nito. ".. Pasensya na, mas kabisado ko kasi ang mga tao dito sa pangalan kaysa sa codename."

Matapos nilang mag-usap ay pinagmasdan ng babae si Auxine mula ulo hanggang paa na para bang manghang-mangha ito sa nakikita niya.

"Ang ganda mo naman, sure ka na ba sa pinapasok mo?.." Natatawang sabi nito kasabay ng pagkapit sa baba niya. ".. Magagalusan ka dito ah. Sayang yung clear skin mo, girl."

"Leche. Sigurado 'ko dito.." reaksyon ni Auxine dahil sa papuri sa kaniya ng babae. ".. Auxine nga pala, L4." Pakilala niya tsaka naglahad ng kamay.

"L agent ka?. Wow.." Nabiglang sabi nito. ".. Sandrah Cruz nga pala, K1. Sandrah with H." Bahagya siyang tumawa.

Sa paguusap nila ay 'di na nila namalayang nakapasok na pala sila sa silid at nalampasan si Francis na kanina pang nakaabang sa pintua't sabik na magtagpo sila ni Auxine para mabati niya ito.

Sandaling tumawa si Auxine at napatanong "Ba't parang nagulat kang L agent ako?. Anong meron?."

Sa kabilang banda'y nanatiling nakatayo sa bulwagan si Francis. Nakangiti siya at natutuwa habang pinapanood ang dalagang naglalakad palayo sa kaniya.

"J7!."

Lumingon si Francis. Agad niyang nilapitan si Vonne na naglalakad kasama si Maestro at Rachel.

"Samahan mo si J6 sa lobby.." Panimula ni Vonne. ".. Walang nakakuha ng schedule ni master Choi kaya kailangan mabantayan niyo ni Rex kung dadating siya.. Go.." Wika nito atsaka tinapik-tapik ang balikat ni Francis bilang paguutos na lumakad na ito. ".. Tawagan niyo 'ko."

Tumango na lamang si Francis bilang pagsunod tsaka tuluyang umalis.

***

"La Forca, Auxine Eve Min."

Lumakad patungo sa harapan ng silid ang dalaga't tumayo sa tabi ng isang hanay ng mga bagong agent. Umalingawngaw ang sunod-sunod na bulungan patungkol sa pangalan nito at sa tatlong puting linya sa kurbata nito. Bagong pasok siya't mataas na agad ang ranggo niya. Ang ila'y namamangha dahil ang mga La Forca na nagsisilbi sa JAA ay may matataas na ranggo at talaga namang magagaling sa larangang ito, habang ang iba ay kinukuwestyon ang pagiging Z3 agent ni Auxine.

Kilala siya ng lahat bilang isang maarte at batang lumaki sa layaw, sino ba naman ang mag-aakalang magiging lihim siyang alagad ng batas?. Wala. 'Yon ang gusto ni Maestro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon