8

5 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Nagkatinginan kami ni Nixon. Para siyang nagtataka kung bakit nandito si Howard. Nginisian ko na lamang si Howard. Hindi na 'ko nagulat na mahahanap na naman niya ako, sanay na akong lagi siyang may paraan para iligtas ako.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito, Saavedra?. Hilig mo talagang makialam sa amin 'no?.."

Nilingon ni Howard si Nixon nang nanlilisik ang mga mata. "Lilinisin ko lang naman 'tong gulong ginawa mo, para kay Auxine.." Hinila ako ni Howard palapit sa kaniya ".. Ako ang magsasabi ng mga gagawin mo, Blanco. Ako ang masusunod, not you. Itigil mo 'yang kayabangan mo."

Tinignan ko si Nixon na magkasalubong na ang kilay dahil sa inis.

"Dinala mo si Auxine dito dahil tinulungan mo akong maka-date siya.." Wika ni Howard. Tinuturo niya kay Nixon kung ano ang kwentong sasabihin nito kila papa. ".. dahil kaibigan mo ako.." walang kagatol-gatol na binitawan ni Howard ang nakakatawang pangungusap na 'yon. ".. Ngayon papunta kami sa isang seaside restaurant dito. At ikaw, dito ka, ayusin mo ang pag-arte mo kapag dumating sila.." Diretsong sabi ni Howard kay Nixon.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Nixon. Ito na lang ang paraan para mailabas siya sa gulo na 'to, pero mukhang ayaw pa niya. Kung palalabasin naming si Howard ang pasimuno nito at hindi si Nixon, paniguradong hindi magiging ganon kalala ang galit ni papa sa'kin at sa kaniya.

"Kahit naman mainis ka, hindi mo na mababago na ikaw ang nangangailangan ng tulong ngayon.." Ngumisi si Howard sa kaniya tsaka ako hinila palayo.

Lumakad kami papunta sa kaninang nilapagan ng chopper. May isang chopper doon na mukhang ginamit ni Howard para pumunta dito.

"Stuart." Tawag niya doon sa lalake sa loob ng chopper. Lumapit siya sa bintana sa harapan at kinatok 'yon.

"Sir?." bungad ng lalakeng nasa loob na nasa 30s ang edad may katabi rin siyang isa pang lalake na mukhang kaedad rin niya.

"You can go back to Manila now.." Kaswal na sabi ni Howard atsaka naunang lumakad sa akin palayo. Sumunod na rin ako kay Howard.

Habang naglalakad ako ay natanaw ko na ang kalsada at ang isang itim na SUV na naka-park doon. May dalawang lalake na malapit sa sasakyan, ang isa ay nakatayo at ang isa ay nakasakay sa isang motor. Ang lalakeng nakatayo ay naghagis ng isang susi kay Howard.

"Thank you, bro.." sabi ni Howard nang masalo niya ang susi.

"May bayad 'yan ah?.." pabirong sabi ng lalake tsaka tumawa. ".. Una na kami." paalam nito bago isuot ang helmet. Umangkas siya sa motor at nauna na silang umalis.

Walang imik na dumeretso sa driver's seat si Howard nang hindi ako pinagbubuksan ng pinto. Lumingon ako sa bahay at nakita si Nixon na nakatayo lang malapit sa chopper, sinundan niya ata kami. Mula kay Howard ay napatingin siya sa akin at binigyan na lang ako ng isang pilit na ngiti na parang nagsasabing ayos lang siya at 'wag akong mag-alala.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang naaawa ako sa kaniya. Alam kong sa isang taong mataas ng tingin sa sarili, nakakadurog ng pride na kaaway mo pa ang tutulong sa'yo. Kaso ang arte din kasi nilang dalawa eh, pwede namang magbati sila. Pinili pa nilang magtalo, parang mga babae.

"Auxine.." natigil ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang bintana ng kotse at nagsalita si Howard ".. Can we go now?." wika niya na parang nauubusan na ng pasensya. Tumango-tango na lang ako at pumasok na. Kasabay ng pag-andar ng kotse ay ang paglipad ng chopper.

"Uhmm, Howard.." panimula ko sa gitna ng katahimikan. Unti-unti ko siyang nilingon dahil pakiramdam ko galit siya. ".. A-anong plano mo?. Anong gagawin natin?."

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon