23

6 1 0
                                    

Nixon Alexi Blanco's POV

Naramdaman ko ang mabilis na paghampas ng kamay ni Janus sa braso ko.

"Hoy. Nakikinig ka ba?.." Kunot noo niyang nilingon ang tinatanaw ko. ".. Kaya naman pala eh." bulong niya. Humarap siyang muli at nagpatuloy sa pagkain.

Agad kong iniwas ang tingin ko nang biglang lumingon si Sebastian sa direksyon ko.

"Itigil mo na nga yan, Xon, hindi na siya babalik sayo."

"Pabayaan mo na lang ako." tanging tugon ko at muling ibinaling ang tingin ko kay Auxine.

Napairap ako nang makita ko si Sebastian na inakbayan si Auxine at pilit na ngumingiti habang tinatapik-tapik ang braso nito gamit ang kamay na pinang-akbay. Mukhang hanggang ngayon ay inaamo niya 'yon.

Matapos nun ay bigla na lang nagsalita si Auxine kila Hana at lumabas na ng canteen. Tatayo na rin si Sebastian nang bigla itong pigilan ng dalawa na may kung ano pang sinabi doon.

"Oh ayan, wala na sya.. Pwede bang kumain ka na at pakinggan mo yung plano ko?."

Napabuntong hininga ako. "Hindi tayo susugod sa HQ nila." wika ko.

"Anong balak mo?. Hayaan na lang si Fea sa poder nila?." kunot noo niyang tanong.

Wala rin namang mangyayari kung hahayaan muna namin siya doon. Alam kong, walang gagawin sa kaniya si Arixxon.

"Oo." tanging sagot ko.

"Baka nakakalimutan mo, pinatay nila si Levi. Akala mo ba, dahil andon si Arixxon hindi nila sasaktan si Fea?.." Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakatungo lang ako at nakatitig sa pagkain ko. ".. Si Fea 'yon, Nixon. Buti sana kung ikaw o ako lang ang nakuha nila. Ang kaso, leader natin.." Protesta niya.

Oo, leader namin siya. Pero sa sitwasyon namin ngayon, wala ring silbi ang mga posisyon na mayroon kami. Nasa ilalim kami ng TriX, pare-prehas lang kaming underling ngayon. At lalong wala rin siyang maitutulong kung sapilitan namin siyang kukunin nang mahina pa ang katawan niya. Mas malakas sila Arixxon kaysa sa amin, kaya kami rin ang malalagasan ng tao.

"Sige, sumugod ka dun.." Inilapag ko ang kubyertos ko. ".. Pero wag mong idamay ang grupo at underlings natin."

Tumayo na ako at naglakad paalis.

Sa kalagitnaan ng paglakad ko ay nabaling ang tingin ko sa mesa nila Hana at napakunot noo ako nang mapansin kong wala na si Sebastian.

Nang makalabas ako ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita silang dalawa sa gilid ng hagdan na nag-uusap. Nagtago ako sa gilid ng isang locker.

Masyado akong malayo para marinig ang usapan nila. Pero kitang-kita sa mga mata ni Aux at kilos ni Sebastian na nagtatalo na naman sila at inaamo pa rin siya ni Sebastian. Kahit dapat na malungkot akong nasasaktan siya, 'di ko naiwasan na matuwa. Parang kahit papaano, nakakakuha ako ng maliit na tiyansa sa tuwing nag-aaway sila.

***

Nakaramdam ako ng dalawang kalabit sa balikat ko na gumising sa'kin. Inangat ko ang ulo ko at nilingon si Janus na nasa harapan ko. Ang sarap-sarap ng tulog ko eh.

"Oy halika na, tatalakan na naman tayo nun ni piranha 'pag nakita tayo nun na pagala-gala sa oras ng klase niya." Nangungulit na pakiusap ni Janus.

"Mas tatalakan tayo nun 'pag humabol pa tayo sa klase niya ngayon. 30 minutes na tayong late oh." Wika ko atsaka bumalik sa pagtungo.

Masarap din palang matulog dito sa lumang library. Pati librarian at mga libro, mahimbing na nagpapahinga sa mga pwesto nila habang malaming ang buong kwarto.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon