7

11 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Umupo si Nixon sa tabi ko at kinalong si Zion. "Unang-una sa lahat, hindi ko talaga 'to anak. Tatay ang tawag niya sa'kin dahil ako ang nakakita sa kaniya nong iniwan siya dito sa labas ng ampunan.." pabulong niyang sabi sa akin. Tumango-tango ako kasabay ng paghinga ng maluwag ".. Tsaka 'di ako orphan ah, volunteer ako dito." Pagkakaila niya.

"'No pong p'ngalan niyo?." Biglang sabi ni Zion, may pagkabulol pa rin pala siya magsalita. Nasanggi ako ni Zion. Basa pala siya, mukhang naligo siya sa dagat.

"Kukuha lang ako ng tuwalya mo." singit ni Nixon atsaka inupo si Zion sa tabi ko at pumasok sa loob ng bahay.

"Auxine." Nakangiting sagot ko. Mestizo siya at mataba. Sa totoo lang, ayoko talaga sa mga bata. Naiirita ako sa kakulitan at kaartehan nila pero dito sa isang 'to, natutuwa ako. Parang gusto ko siya.

"Gurfen ka po ni tatay?." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Girlfriend?. Bakit alam na ng isang batang hindi pa nakakapagsalita nang diretso ang salitang 'yon?. Kay Nixon ba niya natutunan 'yon?.

Napalingon ako sa pinto nang biglang may lumabas na batang lalakeng nakasakay sa isang walker. Hawak ni Nixon ang likurang parte ng walker bilang pag-alalay doon. Kung tatansyahin, parang anim na buwan pa lang ang batang yun.

"Shanchi!.." biglang sigaw ni Zion. Yun ata ang pangalan ng bata.

Tumingin sa'kin yung bata at masiglang tumakbo papunta sa amin ni Zion. Nang makalapit siya ay kumapit siya sa dalawang tuhod ko. Nakatingala siya at nakatitig lang sa akin. Malaki at maningning ang mata niya.

"Ganda ba niya, Santi?." Lumuhod si Nixon sa tabi ng bata at hinimas ang likod nito. Ngayon ko lang napansing nabalutan na pala niya ng tuwalya Zion.

"Sha na po yun tatay?." Tanong ni Zion kay Nixon na biglang hinubad ang tshirt na suot niya. Nabasa 'yon dahil sa pagbuhat niya kay Zion. Isinampay ni Nixon sa railings ang damit niya at nagsuot ng isang puting sando. Nakangisi siyang lumingon kay Zion na parang naintindihan niya ang tanong ng bata.

"Shara mo po mouth mo po, baka p'mashok shi flyfly." biglang sabi ni Zion atsaka itinulak pataas ang baba ko. Langya 'tong batang 'to.

"Flyfly?." tanong ko na lang para maiba ang topic at bago pa ako maasar ni Nixon.

Umupo sa sahig si Nixon katabi ni Santi. "Langaw yun sa kaniya." natatawang tugon ni Nixon. Sandali niyang ginalaw ang mga laruang nakadikit sa maliit na mesa ng walker para mapansin yun ni Santi at laruin.

"Tatay.." lumingon si Nixon sa kaniya at kinunot ang noo ".. sha na po baaa?." Ako ba?. Anong ako na ba?. Ano bang ibig-sabihin nitong batang 'to?.

Tinignan ko si Nixon na sakto namang lumingon sa akin "Siya na sana, kung sasagutin niya ako." Makahulugang sagot nito kay Zion.

"Nako. Maloko ka talaga, Nixon.." Sabi nung babae kanina habang kasabay niyang lumalakad si Levi papunta sa harapan ng bahay. Parang medyo natagalan sila sa pagkukuwentuhan doon at ngayon lang sila nakarating.

Umupo si Nixon sa tabi ni Zion. "Si nanay Melba, siya yung nakatulong ko sa preparation​ para sa sorpresa ko sa'yo.." wika niya habang nagbatian naman kami ni nanay Melba sa pamamagitan ng pagngiti. ".. Nay, si Auxine, magiging misis ko.." bigla kong hinampas ang braso niya. Kung 'di ba naman ambisyoso 'to. Masyado akong maganda para mapunta sa kaniya.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon