4.2

22 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Baba na 'ko, Nixon!." rinig kong paalam ni Janus kay Nixon.

"Anong lugar na 'to?." Sabi ko nang mabuksan ni Nixon ang pintuan ng chopper. Tinanaw ko si Janus na medyo malayo na sa amin at naglalakad nang mag-isa.

Lumapag kami sa isang malawak na damuhan. Lumakad ako palapit sa pinto at palabas na nang bigla siyang nagsalita

"Bicol." halos matapilok ako sa pagbaba nang marinig ko yun.

"Bicol?. Talaga?." Gulat kong tanong.

Lumakad kami papunta sa kung saan. Namangha ako dahil nandito kami sa itaas ng bundok at natatanaw ko sa baba ang dagat. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang asul na parte ng dagat. Grabe. Ang ganda.

"Nixon, gusto kong pumunta dun sa dagat. Saan yung daan pababa?.." sabi ko pero tuloy pa rin siya sa paglakad. Tumakbo ako papunta sa kanya at pilit siyang hinarap sa dagat ".. Hoy, Nixon!."

Tumalikod siya at muling lumakad "Mamaya na." Leche. Nagsusungit-sungitan ba siya?.

Napabuntong hininga ako. Walang-hiya siya, ang lakas ng loob niya na tanggihan ako.. Kung 'di lang talaga maganda yung view dun, 'di ko siya kukulitin eh. At kung alam ko lang ang daan pababa dun, iiwanan ko talaga siya dito.

"So anong gagawin natin dito?!.. Tutunganga?!. Maglalakad sa kawalan?.." Hindi pa rin siya sumasagot ".. Sa'n mo ba ako balak dalhin ha?." inis kong tanong habang hinahabol siya sa paglalakad.

Ang sakit na ng paa ko. Pakiramdam ko, parang may napilipit na naman na ugat. 'Pag napilayan ako, babalian ko ng buto 'tong lalakeng 'to. Leche siya. Puro na lang siya pagpapalakad eh.

"AGHHH!. Aray!." bumagsak ako sa lupa dahil bumaon na naman ang takong ng sapatos ko sa lupa. Nagkamali rin ng posisyon ang paa ko kaya lalo itong sumakit.

Nakita ko si Nixon na biglang lumingon, medyo malayo na rin siya sa akin kaya natagalan siyang makalapit. Maya-maya ay nakaramdam ako ng kamay na biglang humila at umalalay sa akin sa pagtayo.

"What happened?.. Are you okay?." nagaalalang tanong niya. Sa itsura niya, mukhang nagha-hiking siya.

"Obviously, not." naiirita kong sabi dahil halata naman sa posisyon ko kanina na hindi. Sumigaw na nga ako sa sakit, nagtanong pa siya.

Bigla akong nakaramdam ng paghila sa kanang braso ko, si Nixon. Nang makakuha na ako ng tamang balanse sa pagkapit sa akin ni Nixon ay binitawan na ako nung lalake.

"Oh, hi.. Mister..?." bati ng lalake kay Nixon nang 'di ito naglalahad ng kamay.

"Nixon." Ngumisi si Nixon na parang may halong pagaaangas.

Ngumiti ang lalake at tumango tango. "Next time, Nixon, bantayan mo ang girlfriend mo. Ingatan mo.." Ibinaling ng lalake ang tingin niya sa akin ".. I gotta go. What's your name, by the way?."

"I'm Auxine." inilahad ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kaniya.

"Uhh. Hi Auxine.. Levi." ngumiti siya at bumitaw na kami pagkatapos ng dalawang bagsak ng kamay. Ibinaling niya ang tingin niya kay Nixon at binigyan ito ng mapang-inis na tingin na nilisikan naman ng tingin ni Nixon. Langya. Nagawa pa talaga ni Nixon na makipag-angasan dun sa lalakeng yun imbis na asikasuhin ako. Ang sakit kaya ng paa ko, pwede ako muna?.

Lumakad palayo si Levi. Maya-maya ay bigla na lang akong nakaramdam ng paghawak sa likod at binti ko. Buhat na niya ako ngayon.

"Ba't kasi ang hilig mong magsuot ng heels, eh matangkad ka naman?."

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon