Auxine Eve La Forca's POV
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang isang lalake na naka formal attire at ginagamot ang tama ng bala sa braso ko.
"Musta na?. Ayos ka na ba?." wika ni Jax na nakatayo sa tabi ng pintuan. Bahagyang dumudungaw ang benda niya sa kaliwang braso sa manggas ng suot niyang damit.
Nang matapos ang lalake na gumagamot sa akin ay itinabi niya ang mga gamit niya atsaka tumayo lang sa gilid ng kama ko.
"Halika rito.." Sinenyasan ko siyang lumapit. Lumapit naman siya. ".. Baba, sabi ko lapit diba?. Ilapit mo yang mukha mo tas talikod ka, may titignan ako sa batok mo." Utos ko pa at agad naman siyang sumunod nang hindi manlang nagtatanong..
Pagkalapit na pagkalapit niya ay hinablot ko ang leeg niya at kinulong sa braso ko para sakalin. Nagsimula siyang umalma at gamitin ang kamay para ilayo ang braso ko sa lalamunan niya kaya ginamit ko na ang kaliwang kamay ko para hatakin ang kanang kamay ko at higpitan pa ito lalo.
"Anong nag-udyok sayong tanungin ako niyan pagkatapos mong ma-late ha?!.." Pinalo-palo niya ang kamay ko para awatin ako. ".. Dalawang bala ang bumaon sakin, ba't ba ang tagal mong dumati–––––– ARAAAAAY!." Napabitaw ako sa kaniya nang bigla niyang kurutin ang braso ko. Nang makawala siya ay agad siyang lumayo sa'kin.
Tsaka ko na lang naalala na may isa pa pala kaming kasama sa kwartong 'to.. Bahagya lang siyang tumatawa ngayon.
Base sa ikinikilos niya, mukhang tahimik lang siyang tao.. at matalino. Nakasuot siya ng polo na naka-tuck sa slacks niyang itim. Naka black shoes rin at eye glasses, mukha siyang doktor kung titignan pero medyo bata pa ang itsura niya para maging doktor, parang nasa early 20s pa lang siya.
"Grabe ka.." Reaksyon ni Jax habang malalim na humihinga at minamasahe ang leeg ".. Nabaril ka na nga, nagawa mo pang manakal.." angal pa nito. ".. Si Vonne nga pala, nagkita na kayo noon diba?." Pakilala niya sa isa habang hinihimas ang leeg.
Tumango-tango ako kasabay ng pagbalik ng memorya ko tungkol kay Vonne. Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at nginitian lang ito bilang pagbati. Bahagya siyang ngumiti kasabay ng kaswal na pagsaludo gamit ang dalawang daliri sa kaliwang kamay.
"Nandito ka sa kwarto ni Arixxon." biglang sabi ni Jax.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Magkakaiba ang paintings pero pare-parehas lang ang sizes at posisyon sa bandang itaas ng pader. Ang mga pader ay napapaligiran ng brown textured brick tiles. Habang ang kama naman ay may kahoy na headboard na may mga ibat-ibang haba at lapad.
Isa sa mga nagpapaganda doon ay ang nilagay na puting LED lights sa bandang likuran ng headboard na siyang tanging ilaw ng kwartong 'to bukod sa liwanag ng buwan at diamond cage pendant light ang naka-sabit sa dalawang gilid ng headboard.
Pangkaraniwang kwarto lang naman 'to.. pero dahil alam kong si Kurouji ang may ari ng kwartong 'to, napapaisip ako kung alin sa mga piraso ng brick tile sa pader ang naglalaman ng baril at nasaan sa kwartong 'to ang mga micro camera.
"This is the leader's room, so never mind your safety.." Wika ni Jax na isa lang palang panimula sa dami ng mga bagay na babanggitin niya. ".. May motion sensor sa paligid ng kwarto, thermal at cctv camera, passcode pad at fingerprint scanner sa mga bintana, at main and balcony door ng kwarto, hidden controllable guns.. and also, bulletproof din ang mga bintana at glass door ng balcony."
"We've also got your fingerprints registered in our system already, so you have all the access here." dagdag ni Vonne.
Tumango-tango na lamang ako sa pagkamangha. Sa sobrang advanced ng technology sa security ng headquarters na 'to, parang miski daga hindi makakapasok dito. Parang masayang mag ikot-ikot dito bukas..
"Si Kuya?." naitanong ko na lang nang mapansin kong mukha na akong tanga sa pananahimik dahil sa pagkamangha.
"Rix is already here. He's just fixing things personally just to make sure na walang kahit anong lalabas sa publiko about the commotion last night." Tugon ni Vonne sa akin. Oo nga pala, hindi pwedeng malaman ng mga tao ang tungkol sa UG kaya't kailangang mabura ang lahat ng bakas o kahit ano sa pinangyarihan bago pa may kumwestyon at makapansin doon.
Sa gitna ng seryosong atmospera dahil sa kilos ni Vonne ay bigla na lang nagtaas ng kamay si Jax.
"Magvo-volunteer na 'ko, ako na ang magmo-monitor sa cctv cameras natin the whole week.." pagbabalik niya sa usapan kanina. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin tsaka ngumiti nang malapad at mapang-asar. Balak ba niyang magbantay sa mga CCTV cam para panoorin ako?. Leche, nangiinis ba siya?..
Sa sobrang irita ko ay madali akong napabangon sa kama tsaka hinablot ang buhok niya gamit ang kanan kong kamay ngunit bigla akong napigilan ng isang lalakeng kakapasok lang dito sa kwarto.
"Hoy ano ka ba naman, Bonbon?.. Ba't hindi mo sila inaawat?." saway ni Rex kay Vonne na nakaupo lang sa silya sa kabilang side ng kwarto.
Pilit kong tinutulak si Rex pero natitigil ako dahil sumasakit yung sugat ko. ".. Dun ka nga, Auxine" Ngumuso siya para ituro ang kama. ".. Upakan pa 'ko ni Rix 'pag nabinat ka eh. Tatlong araw ka pa namang walang malay." Hiniga niya sa side table ang pusang bitbit niya at inalalayan ako sa paghiga ko sa kama.. Teka tatlong araw?. Ganon katagal akong walang malay?.
Kinuha ni Rex ang pusa niya atsaka umupo sa dulo ng kama sa bandang paanan ko. Kalong-kalong niya ang pusa habang hinihimas yun.
"Ano nga yung sabi mo Jax, one week kang magmo-monitor ng cctv cams?.." mapang-asar na wika naman ni Vonne. ".. Maigi 'yan. Tsaka hindi ka naman masyadong mapapagod, tutal konti lang ang babantayan mong camera sa gabi dahil pwede namang patayin ni Auxine yung CCTV cam dito at palitan ng thermal cam.." nakangisi niyang sabi sa ngayong dismayadong si Jax. ".. May controller dito 'di ba?." painosenteng tanong ni Vonne sa dalawa.
Bahagya akong napangiti dahil kay Vonne. Ngayon ko lang siya nakitang makipagbiruan. Madalas kasi 'pag bumibisita ako kay kuya sa Korea, saglit ko lang nakakasama 'tong tatlo. Lalong-lalonna si Vonne dahil mas gusto niyang magkulong sa kwarto niya buong araw imbes na makipag-usap sa mga tao.
"Hay ano ka ba naman?.. Ba't mo sinabi?.." naiinis na sabi ni Jax na sinundan ng kabigla-biglang pagtawa ni Vonne.. Well, nakakabigla naman talaga dahil kanina pa puro paunti-unti ang mga reaksyon at emosyon na pinapakita niya. ".. Pinapakialaman ba kita 'pag inuuto mo si Rex haaa?." naiinis na sabi pa niya na parang batang nagta-tantrums.
"Ako pa talaga inuto mo?.. Gusto mong masakal ulit?." angal ko kay Jax.
"Haaay.. Alam mo, nagbibiro lang naman ako. Wala akong interes sa mga babaeng kagaya mo.." Humalukipkip siya. Nagsimula siyang gumamit ng hand gestures na lalong nagpa-o.a. sa pagdepensa niya sa sarili ".. Kaming mga lalake kasi, ayaw namin sa mga babaeng nananakit at sadista. Kaya ayoko talaga sa'yo, hindi kita magugustuhan 'no." Bahagyang napataas ang kilay ko sa pagkabigla sa sinabi niya.. Hindi ko naman siya inasar na may gusto siya sakin 'di ba?.
"Kura, ba't kaya 'di pa tumataba si Sebyseb?.." nabaling ang tingin naming tatlo kay Rex na bigla na lang kinausap ang pusa niya. ".. Lagi na lang niyang kinakain yung mga sinabi niya, 'di pa rin siya tumataba. 'No, Kura?.. 'No Kura-Kura?.." sabi niya habang sinusubsob ang mukha sa tiyan ng pusa niya.
"May iwi-weird pa ba 'tong lalakeng 'to?." naiiritang tanong ko sa dalawa.
Kumibit-balikat lang si Jax habang isang siguradong sagot ang ibinigay ni Vonne.
"Meron pa."
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...