Francis Manuel's POV
"Ba't ba ang babagal niyo?!.. Take this damned truck off this car!." bungad ni maam Auxine sa aming dalawa ni Luke nang maalis ang pintuan.
Pawis na pawis siya at may ilang piraso ng bubog at dugo ang mga binti niya. Halatang hirap na hirap siya sa posisyon niya ngayon. Parang hindi niya magawang humiga.
"Papunta pa lang po yung mga hahatak sa truck, maam. Sandali na lang po." tugon ni Luke.
"Then do something!.." Nakatungong tumango-tango si Luke na may halong takot. Galit na naman. ".. Mababalian na ako ng buto dito, tutunganga lang kayong dalawa?." Agad kaming tumayo ni Luke at hinayaan si sir Danilo na lumapit kay maam Auxine.
Inangat ko ang tingin ko sa ibabaw ng kotse. Nakasadsad ang truck sa harap ng kotse at ang gulong nito ay nasa loob na ng nabasag na windshield ng sasakyan.
"Gaano pa katagal yung pinatawag niyong rescue team?." tanong ko kay Tom na nasa tabi ko lang.
"Malapit na ho 'yon, nasa kabilang barangay lang daw sila.."
Natanaw kong tumagilid ng higa si maam Auxine paharap sa sandalan ng upuan. Doon ko nakita ang ilang maliliit at malalaking bubog na nakabaon sa likuran niya.
Lalong nag-alala si sir Danilo nang makita niya rin 'yon. Sinisigawan niya kaming lahat na kumilos.
"Yung hahatak sa truck?." baling ko kay Tom.
"Mga ten minutes pa po."
Ibig-sabihin, ten minutes pang maghihirap si maam Auxine diyan. Hindi puwede. Kailangan ko na 'tong gawan ng paraan. Lumapit ako sa driver ng truck na naroon pa rin sa loob. Kinatok ko ang pintuan sa tabi niya na halos katapat na ng ulo ko ang taas. Binuksan niya 'yon at agad na sumilip sa'kin. Isang lalake na mukhang nasa mid-30s ang edad.
"Kumusta yung nagda-drive ng kotse?. Ligtas na ba siya?.." Pawis na pawis siya at parang natatakot sa aksidenteng nangyari.
"Hindi pa. Maiaatras niyo ho ba ang truck?."
Humarap siya sa manibela. Sinubukang paatrasin ang truck pero nahahatak lang din ng truck ang sasakyan. Nagsimulang umalma sila Anthony nang malayo ang kotse sa kanila. Agad na tinigil ng driver ang pag-andar truck.
".. Nako, patay!.." dismayadong sigaw niya. ".. Sir, ayaw na hong umandar ng truck. Tumirik na naman ata 'to."
Napasapo ako sa noo nang marinig ko 'yon. Napansin ko ngang medyo luma na rin 'tong truck na 'to. Nahagip ng tingin ko ang tatlong kotseng gamit namin na nasa likod ng kotse na gamit ni Auxine. Kinuha ko ang dalawang rolyo ng lubid na nakita kong nakasabit sa gilid ng truck.
"Pahiram po muna nito.. Diyan lang ho kayo." paalala ko sa driver at agad na tumakbo papunta sa kotseng gamit namin ni Luke.
"Francis, anong ginagawa mo?.. Saan ka pupunta?." nag-aalalang tanong ni Luke na agad na sumunod sa'kin.
"Maghintay ka diyan.." sabi ko na lang sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at pumasok. ".. Hawakan mo muna 'to." inabot ko sa kaniya ang dalawang rolyo ng lubid. Umatras siya at isinara ko na ang pinto. Pinaandar ko ang kotse at pinosisyon ito sa kaliwang likod ng truck. Tumakbo ako papunta sa isa pang kotse na gamit ng sec. team ni sir Danilo.
Habang papunta ako doon ay nakita kong kinakausap ni sir Danilo si maam Auxine. Pinapakalma niya ang anak niyang namimilipit sa sakit. Kung kanina ay halos sumabog na siya sa galit, ngayon naman ay nilulunod siya ng pag-aalala para sa anak niya.
Pinaandar ko ang ikalawang kotse at ipinuwesto 'yon sa kanang likod ng truck. Lumabas ako sa kotse at biglang sumulpot sa gilid ko si Luke.
"Ang talino mo talaga." sabi niya na parang nakuha na niya kung ano ang plano ko. Nginisian ko na lang siya tsaka kami pumunta sa harapan ng kotse. Kinuha ko ang dalawang rolyo ng lubid sa kaniya.
"Itali mo 'to sa dalawang kotse, ako sa truck." inabot ko sa kanya ang isang dulo ng lubid atsaka inilaglag na sa sahig ang rolyo nito. Bago ako makalapit sa truck ay tinawag ko ang atensyon ni Raiko, isa sa guard ni sir Danilo.
"Hahatakin namin ang truck.." kinunot niya ang noo niya dala ng kuryosidad. Inabot ko sa kaniya ang ikalawang rolyo ng lubid. ".. Itali niyo ang kotse ni maam Auxine at sir Danilo. Hatakin niyo lang kapag sumabay ulit sa pag-atras ng truck yung kotse.. Go.." Tinapik ko ang balikat niya. Tumango-tango siya at agad na tumakbo papunta kina Anthony, ang head ng sec. team ni sir Danilo.
Tumakbo ako papunta sa truck at ginawa ang trabaho ko. Habang itinatali ko ang lubid ay lumapit sa akin si Howard na kasunod si Tom. Nilingon ko si Howard na nanonood lang sa mga ginagawa ko. Alam kong nag-aalala si Howard ngayon. Kalmado lang siya kung titignan pero alam kong natataranta na 'yan.
"Howard, ikaw na nga mag-drive ng isang kotse para hilahin 'tong truck." utos ko sa kaniya. Alam ko namang gusto niyang tumulong.
Hindi siya kumilos at nanatiling nakatayo sa gilid ko. "Ikaw na lang." Tinapik niya ang braso ni Tom. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya habang tinatapos ko ang pagbuhol sa lubid. Tumakbo si Tom papunta sa kotse at madaling binuksan ang makina.
Ito ang kauna-unahang beses na ipinasa niya sa amin ang tiyansa ng pagligtas kay maam Auxine. Medyo nabigla ako sa ikinilos niya. Dahil kapag kasama namin siya, halos mawalan na kami ng trabaho sa pagiging protective niya kay maam Auxine. Tapos ngayon.. Ewan ko..
"Ako na nga dun sa isa, i-guide mo kami.." paalam ni Luke sa akin nang medyo matagalan ako sa pag-iisip. Kanina pa ata naghihintay si Tom na may magpaandar sa isa pang kotse.
Nakababa ang mga harapang bintana ng dalawang sasakyan para malinaw silang magkausap. Nagbigay ng instruction si Luke kay Tom.
Nilingon ko si Anthony. Sumenyas na siya ng 'wait', nangangahulugang ayos na ang pagtali nila sa dalawang kotse. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng truck at wala naman akong nakitang taong nakapaligid doon. Maliban kay sir Danilo na nandoon pa din sa tabi ng kotse at nagbabantay kay Auxine.
Lumapit si Anthony kay sir Danilo at inabisuhan itong lumayo sa sasakyan. Nang makalayo si sir Danilo ay sumenyas na si Anthony ng 'okay'.
[All ready, Francis?.] rinig kong sabi ni Luke mula sa earpiece na suot ko. Nakasakay siya sa kotseng nasa harap ko at nakatitig sa'kin. Tinanguan ko siya.
Lumingon siya kay Tom at nagsimula siyang bumilang. Pagkatapos ng ikatlong bilang ay sabay na umatras ang dalawang kotse. Pinanood ko lang ang unti-unting paghatak ng kotse sa truck. Habang si Howard ay nasa tabi ko at nakahalukipkip lang habang nanonood din. Nagpatuloy sila sa paghatak hanggang sa tuluyan nang makalabas ang unahang gulong ng truck mula sa nabasag na windshield ng kotse.
Pagkababa ng truck sa kalsada ay tumakbo na ako agad papunta sa kotse kung nasaan si maam Auxine. Narito na pala ang mga rescuer. Naalis na nila ang malakimg lambat sa kaliwang gilid ng sasakyan. Inangat nila ang natuklap na bubong ng kotse at tuluyan nang naiabante ang sandalan ng driver's seat na kanina pang umiipit sa binti ni maam Auxine.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni maam Auxine nang maalis na ang sandalan ng driver's seat na umiipit binti niya.
"Mauna na ako sa kotse niyo ni Luke.." tinapik niya ang balikat ko at lumakad palayo. Tinitigan ko siya habang lumalakad palampas sa'kin. Napakunot ang noo ko. Paano niya nagagawang maging ganiyan kakalmado?.
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...
