2

36 2 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Blanco?." Nagtataka kong sabi.

Hindi ako nabigla dahil isang Nixon Alexi Blanco mula sa kilalang pamilya ang nasa harapan ko, inasahan ko na rin 'to.. Pero yun nga, nakaka-disappoint lang talaga na itong si Blanco pa ang andito. Bakit ito?. Lintik naman talaga.. Ngayon na nga lang ulit may naglakas-loob na ligawan ako, hindi manlang matalino?. Puro papogi lang 'tong ugok na 'to eh. Wala akong mapapala dito.

"Nixon na lang, masyadong pormal yung Blanco eh.." Naiilang niyang sabi. Nakangiti siyang lumapit sakin habang nakapayong.

".. Sorry. Ito lang kasi ang pinaka-bihirang lugar na pinupuntahan ng mga studyante, kaya dito ko naisip na pasunurin ka." paliwanag niya habang nasa lilim na ako ng payong niya.

Nagtaka lang ako bigla. Hindi siya yung tipo ng lalake nagkakainteres sa mga babae na kailangan pang ligawan para maging kaniya. Karamihan sa mga nabalitaan kong naging girlfriend nito ay yung mga babae na napasagot na niya bago pa man siya magtanong. Yung instant, parang noodles.

"Anong balak mong gawin natin dito na hindi dapat makita ng ibang tao, aber?." tinaasan ko siya ng kilay.

"I just want let you know. That I.." he started walking towards me.

Ano kami? Nasa movie?.. Corny. Yuck. Kadiri.

".. Really.."

Napaatras ako at tinitigan siya habang nandidiri. Hindi talaga 'ko sanay na may kakornihang nangyayari sa harapan ko.. Kadiri talaga, leche .. o siguro, hindi lang talaga ako kumportableng may ibang gumagawa ng ganito sa akin bukod kay Howard.

".. Really like you." hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.. Tinitigan niya ako at nagsimula siyang matigilan at tumahimik.

Awkwardness. Linamon ng 'yon ang kapaligiran naming dalawa.. 'Di ko alam kung naiilang siya dahil nagco-confess siya, o dahil sa facial expression ko ngayon. Alam ko na facial expression ko pa lang sobrang halatang nandidiri ako sa ginagawa niya. Kanina pa siya hindi nagsasalita at nakatitig lang sa akin. Siguro tumatakbo sa isip niya ngayon na itigil na lang 'to dahil halata namang ayoko sa kaniya.

Matapos ng ilang segundo o siguro, minuto rin na katahimikan ay nagsalita na siya "Don't expect too much on me.. I can't show you my love the way actors and movies does.."

Hawak pa rin niya ang kamay ko na kanina ko pa gustong hatakin. Gusto ko na 'yong punasan. Parang nakakaramdam akong basa yun dahil sa paghalik niya dun kanina.

".. Walang Banda, walang Ferrero Rocher, wala ring surprise.. All I can do is to show my love through a simple song, cheap chocolate, and a boring place like this. I want to share this moment with you.. Sayo lang."

Ang tapang niya para magtangka na ligawan ako. Pero nag-take risk na rin naman siya, sana binonggahan na niya yung confession 'di ba?.

"Seryoso ka ba dito?." natatawa kong sabi. Eh ni wala ngang mesa ng pagkain para sa dalawang tao dito para maging espesyal naman kahit papaano 'tong sorpresa niya.

Hinatak ko na ang kamay ko at pasimpleng ipinunas iyon sa likurang parte ng blouse ko.

"You're a Blanco and you can't put up a big surprise that I am expecting?." taas-kilay kong sabi sa kanya. Hindi ito ang ineexpect kong pagtatapat ng nararamdaman. Ni sa mga palabas sa tv o sa realidad, walang mayamang tao ang makakaisip ng ganitong pamamaraan ng sorpresa. Naiinis ako. Na-stress ang bangs ko, leche.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon