9.2

13 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Tinitignan ko sila mama habang pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin.

"So ba't bigla ho kayong nag-set ng dinner with Nixon?." Tanong ko kay papa. Tinignan ako ni mama. Kanina pa kami nagkukuwentuhan ng kung ano-anong bagay na patungkol sa pamilya namin at nila Nixon, paligoy-ligoy. Baka sakaling ngayong wala na silang nginunguya sagutin na nila 'tong tanong ko.

Napalingon ako kay Nixon nang bahagya siyang umubo para bumwelo sa pagsasalita "Inurong ng papa mo yung kaso kaya nakalabas na 'ko kaninang tanghali. Then, pumunta agad ko sa bahay niyo para magpasalamat."

Bigla akong napaisip dun. Bakit ginawa yun ni papa?. Humalukipkip ako. "And?.." sabi ko para ipahayag na magpatuloy siya sa pagkukwento.

"Nixon invited us for a dinner." sagot ni mama.

"Pa, ano namang naisipan niyo at inatras niyo ang kaso kay Nixon?. Nung isang araw lang, halos isumpa niyo 'to, tapos ngayon naghahapunan na tayo kasama siya?." mapang-asar kong sabi. Tinawanan lang ako ng tatay ko imbes na sumagot.

"Your dad is really unpredictable." bulong ni mama na agad namang narinig ni papa.

"Hey, Melinda." saway ng isa.

"What?.. You're not answering Auxine. Eh 'di ako na lang ang sumagot." Katwiran na sabi ni mama. Kaya kinurot ni papa si mama sa beywang bilang ganti.

Umiling-iling ako. Para silang mga teenager na nag-aasaran. Ang kukulit nila, mas matindi pa sila samin ni Howard noon.

Nagkatinginan kami ni Nixon. He's smiling awkwardly.

"Don't worry, normal lang 'yang ginagawa nila." Bulong ko sa kanya.

Mainitin lang ang ulo ni papa lalo na 'pag gumagawa kami ng mga bagay na ikapapahamak namin. Pero 'pag masaya siya, masaya talaga siya. Nagiging palabiro, at malandi (kay mama). Lagi silang ganito 'pag masaya sila, pero never akong nasanay sa mga harutan nila, nakakadiri.

Tinitigan ni Nixon sila mama at papa na masayang nag-aasaran "Ang awkward pero ang sarap nilang panoorin. Cute." nakangiting sabi niya.

"Sabihin mo na kasi na you're sorry kaya mo ginagawa 'to.." mapang-asar na sabi ni mama kay papa.

Hmm.. Di ko naisip yun. Baka nga nakonsensya siya o nag-sink in na sa kaniya yung mga sinabi ko dati.

"Can't you stop?.." napipikong sabi ni papa na tinawanan ni mama at dinilaan pa bilang pangaasar. Matapos noon ay dinampot ni papa ang tinidor niya at kinuha ang maliit na piraso ng lasagna sa plato ni mama at kinain ito.

"That's mine!." Naiinis na sabi ni mama. Parehas kaming mahilig sa pasta kaya ganyan siya magreact.

Mga teenager pa lang sila papa mula nung naging magkarelasyon sila ni mama. Kaya yung mga gawain nila nung mga dalaga't binata pa sila, nadala nila sa pagtanda. Mga landian nilang walang katapusan.

Napabuntong hininga ako, kailangan ko na silang pigilan sa landian na 'yan "Bakit nga, pa?." nasabi ko na lang para maiba ang topic. Nandidiri akong panoorin ang kasweetan nila, lecheng 'yan.

Napatingin sakin si mama at papa kasabay ng pagpawi ng ngiti sa labi ni papa. Sandali siyang uminom ng wine at nagsalita pagkalapag niya ng wine glass "Wala, I just think, pursuing the case isn't worth my time."

Napataas ang kanang kilay ni mama "Really, Danilo?.."

"Sobra yung ginawa ko. Hindi ko naisip noon na parang tinatanggalan kita ng source of happiness.." Napangiti ako sa sinabi ni papa. Tumingin siya kay Nixon at agad rin namang ibinalik ang tingin sa akin. Walang anu-ano'y, nginitian niya ako na may halong tuwa ".. Mukhang nahulog na ang prinsesa ko sa isang Blanco."

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon