10

7 1 0
                                    

3rd Person's POV

"Mauna na kami." paalam ni Taint na tinapunan si Sapphire ng isang makahulugang titig bilang senyas na maaari na silang makapag-usap ni Max. Matapos noon ay lumakad na paalis si Taint kasama ang isant kaibigan na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Nasa canteen sila at naglalagay ng pagkain sa kani kaniyang tray. Sandaling nakiramdam sa paligid si Sapphire. Inaalam niyang kung may makakarinig sa sasabihin niya.

"Max." Sambit ni Sapphire upang makuha ang atensyon ni Max na nasa kaniyang tabi lamang.

Nanatiling diretso ang tingin ng babae sa paglagay ng pagkain sa tray na bitbit niya. Galak na galak siyang napangiti nang biglang lumingon ang binata na ramdam mo ang pagkataranta noong marinig ang pangalan niya.

"Puwede ba, kumilos ka nang maayos. Baka may makarinig." pakiusap ng binata na lalong nakapagpatuwa sa dalaga.

Ngumisi siya at pinasadahan lamang ng lingon ang binata "Pasensya na, hindi lang talaga ako nagiging ganoon kabait kapag nade-delay ang bayad mo sa amin." paalala ng dalaga sa buwanang suhol ng binata sa kanilang lima.

Nakaramdam ng inis ang lalaki dahil sa pagiging sutil ng babae sa tabi niya, dahilan para mapariin ang kapit niya sa tray niya.

Sandaling nilingon ni Max ang taong mahalaga sa kaniya para sa misyon na ito. Nakaupo siya sa 'di kalayuan at katabi si Taint. Ibinaling niya ang tingin niya kina Blade at Fourth na nasa ibang mesa. Napansin ni Fourth na nakatingin sa kaniya si Max kaya tinanguan siya ni Fourth bilang pagbati.

Hindi na 'yon pinansin ni Max at muling ibinaling ng binata ang tingin sa dalaga sa tabi niya.

"Nag-iwan na ako ng sobre ng pera sa locker mo.. Tumigil ka na."

Nakangising tumango ang dalaga at naunang lumakad bitbit ang tray ng sarili niyang pagkain. Bumuntong hininga ang binata't sumunod sa paglalakad.

Sa lawak ang unibersidad na ito ay paniguradong sa silid pa lang na 'to ay maraming tao na ang hindi mo maaaring estimahin base lamang sa kanilang mga itsura. Hindi mo aasahan kung sino ang mga kuneho na nagtatapang-tapangan lamang. At lalong hindi mo mahuhulaan kung sino sa kanila ang mga totoong leon na nagtatago sa likod ng kanilang maaamong mukha.

***

Pinihit ni Sapphire ang door knob at bumungad sa kaniya ang tatlo pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Nakaupo si Taint sa isang single seater couch malapit sa malawak na pinto ng balkonahe, habang si Blade ay nakaupo sa railings ng balkonahe at naninigarilyo.

"Fire." Tawag sa kaniya ni Fourth tsaka  ito inalok ng alak. Nakaupo siya sa isang bakal na upuan sa balkonahe.

Sumenyas si Sapphire ng pagtanggi atsaka lumapit kay Blade. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo sa kaha ni Blade na nakasuksok sa bulsa ng pantalon nito. Maya-maya'y inabutan siya ni Blade ng lighter at nagsindi ng sigarilyo. Pagkasindi niya ng sigarilyo ay umupo siya sa isa pang silya sa balkonahe.

Humithit ang dalaga at nagsalita matapos maibuga ang usok sa bibig niya.

"Nasaan si Ace?."

"Busy na naman daw." tugon ni Fourth.

Dismayadong humithit si Sapphire sa sigarilyo atsaka inilabas ang sobre ng pera galing kay Max. Nabaling doon ang tingin ng tatlo noong bigla na lang itong ibinagsak ni Sapphire sa center table ng balkonahe.

"200 thousand 'yan, nakuha ko na ang parte ko.." Humithit at bumuga siya ng usok bago muling magsalita. ".. Sabihan niyo si Ace na andito na ang pera, sigurado akong susulpot agad 'yon." Natatawang wika ni Sapphire tsaka umupo sa silya sa tabi ng mesa.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon