14

6 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Iminulat ko ang mata ko kasabay ng pagbuga ng hininga. Nakahiga ako sa bubong ng kwarto ni kuya, kutson sa bubong, particularly.. Actually, hindi ko naman alam na may kutson pala dito. Napansin ko lang yung handle sa gitna ng bubong kanina. Nung hinila ko, dun ko lang din nalaman may kutson pala sa ilalim nun. Napaghahalataang mahilig din sa star gazing 'yong unggoy na 'yon eh.

Napabuntong-hininga ako nang biglang may dumaang chopper sa gitna ng kalangitan.. Nixon.. Naalala ko yung ginawa niya.

"Tinitignan ko lang naman yung langit eh, nagpapapansin ka pa.. Leche ka talaga."

Nang naramdaman ko ang mata kong unti-unti na namang napupuno ng luha agad akong pumikit.

"Leche. Hindi dapat ako umiiyak." Madiin kong pinahid ang gilid ng mga mata ko.

Mas sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Aware ako sa gulo na pinapasok ng kapatid ko. Alam kong darating ang araw na madadamay ako. At kasalanan ko dahil hindi ko naihanda ang sarili ko para do'n. Hindi ako naging maingat sa kung sinong paniniwalaan.

Kasalanan kong inisantabi ko noon na kapatid niya si Aiden. Kasalanan kong maniwala at magtiwala. Kasalanan ko lahat kaya napunta 'ko sa sitwasyong 'to. Hindi ako dapat umiiyak na parang ibang tao ang dahilan kung ba't ako nasasaktan.

"Hoy.." Nakaramdam ako bigla ng pagtapik sa kanang braso ko. Dumilat ako at nakita si Jax na nakatayo sa kanang gilid ko. ".. Anong ginagawa mo dito?." Ibinaba ko ang tingin ko. Paa niya ba ang ginamit niyang pangtapik sa'kin?..

Binato niya sa akin ang isang maliit na unan na dala niya. Natauhan ako at napansing matagal din akong nakatingin sa kaniya.

"Leche.. Ba't ka ba andito?." Reklamo ko sa kaniya. Imbes na nakahiga ako dito at nagmumuni-muni, andito siya at ginugulo ako.

"Chineck lang naman kita. Kaso wala ka sa kwarto mo kaya nag-alala ako.." Paliwanag niya. Medyo mataas ang boses niya at o.a. ang galit sa mukha na parang naiinis. ".. Naalala ko, mahilig nga pala kayo ni Rix sa star gazing.." Inabot niya sa akin ang blanket na kanina pa niya bitbit atsaka umupo na rin sa kutson. ".. Baka lang lamigin ka." In fairness, pinahgandaan din naman niya yung pang-aabala niya.

Umupo na ako at binalot ang katawan sa kumot. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa langit.. Tuwing may problema ako, ito na lang lagi ang tinatakbuhan ko. Siguro, sawang-sawa na lahat ng bituin doon na makitang umiiyak ako. Pero wala naman akong ibang gustong kausap, sila lang.. kahit hindi sila sumasagot. Sila Hana, mapagkakatiwalaan naman sila noong wala pa 'ko sa sitwasyong 'to, hindi lang talaga ako kumportableng magkwento sa ibang tao.

"Iniiyakan mo si Nixon?." bigla na lang niyang sabi sa gitna ng katahimikan.

"Nang-aasar ka ba?." Tanong ko din.

"Tapang-tapangan ka lang pala eh.." natatawang biro niya. Natigilan siya nang bigla ko siyang lingonin. ".. Biro lang.." Ngumiti siya sa'kin na parang nagsasabing 'ayos lang 'yan' at tinapik-tapik ang balikat ko.

Sandali siyang nanahimik at muli na namang nagsalita. ".. Tears don't mean weakness. That's how we cope from pain." Binigyan niya ako ng ngiti.

Pilit lang akong ngumiti sa kaniya.

"Ba't mo ba kasi siya iniiyakan eh ang ganda-ganda mo?.." Naiinis ko siyang nilingon. Nang-uuto ba 'to?. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala ko pa naman matino siya sa mga oras na 'to. ".. Seryoso ako dun. Maganda ka."

Natahimik ang utak ko sa sinabi niya.. Maya-maya'y meron akong naalala. Nixon. Jusko naman. Ayoko nang makuha ulit sa paganiyan-ganiyan.

"Hindi naman kasi siya yung iniiyakan ko. Ako.." Sabi ko na lang bilang pagiisantabi sa sinabi niya. ".. Naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kong nahulog." Natatawa kong sabi.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon