Auxine Eve La Forca's POV
"Howard." banggit ko sa pangalan niya. Sumandal ako sa railings paharap sa kaniya na nakatalikod naman sa pintuan ng balcony. Napangiti ako sa tuwa. Buti na lang at hindi si Nixon.
Napansin kong pumasok na pala sa loob ng function room sila Francis at medyo malayo sila sa pinto nitong balkonahe.
"Pauwi na rin kami nila dad.." Mas nilaparan niya ang ngiti niya atsaka lumakad palapit sa akin. ".. nilapitan lang kita para magpaalam."
Tumango tango ako bilang senyas na naiintindihan ko.
"So yeah.. bye.." naiilang na sabi ni Howard atsaka kumaway kasabay ng pagngiti. Ngintian ko na lang siya. ".. Atsaka nga pala, si Nixon, kakadating lang nila. Kaya sinabihan ko na sila Francis, andiyan lang sila sa loob." Kaya lalo silang magkakasundo ni Francis eh, parehas na nila akong gustong ilayo ako kay Nixon.
Matapos non, ay napalingon ako sa isang pesteng patalon na bumaba sa sahig mula sa kabilang balkonahe. Inilipat ko ang tingin ko sa katabing balkonaheng pinagmulan niya. Halos sampung dipa lang ang pagitan ng mga railings ng dalawang magkatabing balkonahe kaya siguro naging madali ka kaniyang nakatawid.
Sandali akong napaisip kung bakit doon siya dumaan..
Naalala kong nandito nga pala sila Francis. Napabuntong hininga na lang ako. Para saan pa yung pagtatago niya nong nag-confess siya kung magpapahuli siya ngayon?. Leche 'tong Nixon na 'to. Nginisian niya ako na ngayon ay nakatago sa isang malapad na pader malapit sa sliding door ng balcony, kung saan hindi siya makikita ni Francis.
Kundi ka ba naman tanga 'tong lalakeng 'to, talagang lumapit siya sa'kin habang andito si Howard?.
Napansin ni Howard na nakatingin ako sa gawing likod niya kaya agad siyang lumingon.
"Bakit nandito ka, Blanco?." angil ni Howard. Hindi ko alam kung magandang bagay bang hindi ko siya pinigilan na makita si Nixon.
Isinuksok ni Nixon ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya "Nandito ako dahil sa kaniya.." Nakangisi niyang sabi habang itinuturo ako. ".. May mali ba do'n, Saavedra?."
Nagtatawagan sila sa last name nila. Pormal ang dating, pero nagbabastusan naman sila. Napairap ako sa inis. Buwisit, lumapit-lapit pa kasi eh.
Kunot ang noo niya akong hinarap "Alam na ba ni tito 'tong ginagawa niyo?." wika niya habang tinuturo si Nixon sa likod niya.
"Hindi na niya 'to malalaman.." Ibinaling ko ang tingin ko kay Nixon at agad ko naman ibinalik kay Howard. ".. Umuwi ka na."
Dismayado siyang ngumiti atsaka tumalikod. Nahagip ng mata ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Howard habang magkaharap sila. Kahit nakatalikod si Howard sa akin, ramdam ko ang matalim na tingin niya kay Nixon ngayon. Napalingon ako sa pintuan ng balcony kung saan naglalakad palapit si Francis. May kasama siyang tatlo pang tuta.
Lalapit na sana si Luke, Neil at Troy nang saktong tumingin sila sa akin at sinenyasan ko silang tumigil. Nilingon ko si Nixon at Howard.
"Tama na 'yan.. Umuwi ka na, Howard." utos ko sa kanya. Bumuntong hininga siya't nagsimula na siyang humakbang. Habang si Nixon ay binigyan siya ng mapang-asar na ngiti bago makaalis. Naiirita ako sa mga ginagawa ni Nixon.
"Si Auxine, Francis." bilin ni Howard kay Francis atsaka tinapik ang balikat nito kasabay ng paglakad niya.
Lumapit sa akin si Nixon "I'm sorry about that.." hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. ".. How's your night?."
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...