19.2

3 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Diyos ko, ano ba namang klaseng mga magulang 'yon!."

Nagmadali akong bumaba ng kotse nang marinig ko si mama na sumisigaw. Kung ano-anong inuutos niya sa mga kasambahay na gawin. Bukod kay mama, may naririnig din akong iyak ng baby.

"Ma..?." Takang-taka akong pumasok sa main door.

May karga siyang baby at alalang-alalang nakatitig don. Nakaupo siya sa sofa at nasa tabi niyang nakatayo si papa.

"Kaninong baby 'yan ma?." Kaswal na tanong ni kuya pagkapasok niya.

"Nakita ni nanay Alba sa gate kanina. Mukhang iniwan ng mga magulang.. Sagot niya. ".. Nako mukhang may lagnat pa ata siya. Nako. Nay pakihandaan nga ho kami ng bimpo at maligamgam na tubig. Iakyat niyo na lang sa kwarto namin at doon na namin siya aasikasuhin." Nagmamadaling sabi ni mama habang lumalakad papunta sa hagdan.

Hanggang ngayon nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari. Alas tres na ng madaling araw. Napakaingay ng bahay. Nagmamadaling sumunod si papa kay mama bitbit ang isang bag na pang baby. Mukhang pati yun iniwan kasama ng bata.

"Marunong pa kaya silang mag-alaga ng baby?." Biglang tanong ni kuya.

Nilingon ko si kuyang nakakunot ang noo sa'kin. Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ko. Akala ba niya bati na kami?.

***

Natigilan ako sa paglalakad nang bigla kong makita sa tabi ng kotseng gamit ko si Vonne. Hinantay kong makalayo sila Hana sa akin pati na ang mga tao sa paligid ko atsaka ako lumapit sa kaniya.

Naka-cap lang siya at salamin bilang panakip sa mukha pero kung tititignan nang maigi, makikilala rin siya kaya minabuti kong dumeretso sa kotse at pagbuksan siya ng pinto bilang senyas na pumasok siya sa kotse.

"Kailangan ko yung flash drive." Wika niya habang pumapasok sa kotse ko. Kasunod ng pagsara ng pinto ni Vonne ay ang magkapares na katok ni Francis sa bintana ko.

"Kukunin ko muna, nasa bahay." Wika ko tsaka binaba ang salamin.

"Maam Auxine, sino po siya?.." usisa niya. Tinitigan niya si Vonne na suot pa rin ang cap at salamin habang kinikilala ito.

Napansin ko ang bahagyang pag tungo ni Vonne habang hinahatak ang cap niya pababa para lalong matakpan ang mukha.

"Kaibigan ko siya. Drive his car." Nang marinig ni Vonne ang pagbanggit ko sa kotse niya ay kusa na niyang kinuha ang susi nito sa bulsa niya at mabilis na naiabot iyon sa'kin. Pinasa ko naman 'yon agad kay Francis.

"Siguro maigi kung doon na lang tayo sa kotse ko." Suhestyon niya nang maisara ko ang bintana. Nilingon ko siya. ".. May baril ako don, baka makita pa niya."

"Hindi ugali ni Francis na mangalkal ng gamit. Tsaka ayoko.." Binuksan ko ang makina at pinaandar na ang kotse. ".. Hanggat maaari gusto kong ako ang nagmamaneho sa kotseng sinasakyan ko."

Sandali kong nilingon ang rear mirror ko at tinignan kung nakasunod na ba sila Francis habang palabas kami mula sa gate.

"Dapat hindi mo na masyadong binuksan yung bintana kanina eh, baka makilala ako nung guard mo.." Reklamo niya habang binabantayan pa rin sa side mirror ang takbo ng kotse niya.

"Ano?. Eh 'di ba magkakilala na kayo ni Francis?.." Nginisian ko siya. Kumunot-noo siya na parang tinatanggi ang sinabi ko. ".. Ah hindi pa ba?." Painosente kong sabi habang natatawa. Hay nako.

Habang nakatuon ang buong atensyon ko sa daan ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang gagawin ko pero mukhang sila Hana lang ang daan na nakikita ko sa ngayon. Sila at ang mga alam nila.

"Vonne.." Pinasadahan ko ng tingin si Vonne. "..Payag ka ba talaga?." Tukoy ko sa naging pakiusap ko sa kanila kagabi.

Hinubad niya ang salamin niya at agad na tinitig sa akin ang matang nagtataka "Ano?. Saan?."

"Sa gagawin ko." Matipid kong sagot.

Humarap siya sa daan. "Oo. Alam ko namang wala na kaming magagawa sa desisyon mo.. Mahirap pakalmahin ang isang leon na handa nang umatake."

Bahagya akong natawa sa paglarawan niya sa akin bilang leon. Nilingon ko siya habang nakangiti dala ng pagtawa. Tinanguan niya ako kasabay ng isang ngiti bago ako humarap sa daan. Doon nakaramdam ako ng kaunting saya. Kahit papaano, kahit isa lang, may kakampi ako sa laban na 'to.

Habang nagmamaneho ako ay bigla niyang inilabas ang cellphone at lalagyan ko ng contact lens na naiwan ko kagabi noong umalis ako.

Inilagay niya yun sa dashboard "Pasensya na, pinakialaman ko yung contact lens mo at yung app na gamit mo para diyan.." Naalarma ang buong sistema ko nang marinig ko 'yon, dahilan para mabilis na mabaling ang tingin ko sa kanya.

".. Auxine.." Puno ng pagtataka ang tingin niya sa akin. ".. Bakit may ganiyan ka?."

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon