11

9 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Biglang napawi ang ngiti sa labi ko nang matanaw ko sa pagpasok ko ng parking lot ang isang kotse na nagpa-park sa puwestong nakalaan lang para sa kotse ko.

"Sino ba 'yang hangal na 'yan at ang lakas ng loob niya na magtangkang ilagay diyan ang kotse niya?." Inikot ko ang paningin ko sa buong parking lot at wala akong nakita ni isang bakante bukod sa parking slot ko. Matapos non ay sinundan ko ng tingin ang galaw ng kotse niya at nag-abang ng tiyempo kung kailan ako kikilos.

Inabante niya ang kotse niya at lumiko pakaliwa sa daanan para pinahan ang kotse sa kanan niya bago pumasok sa espasyong pagpaparadahan niya. Noong nakaabante na siya nang tuluyan at medyo maluwag na ang espasyo papasok sa slot ay pinaharurot ko na ang kotse ko.

Napabusina ako nang malakas noong mapansin kong paatras na siya habang nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagpasok sa slot ko.

"That was close." Nakapasok na 'ko sa puwesto ko at agad na pinatay ang makina. Base sa nakita ko kanina sa side mirror ko, napakalapit na ng bumper ng kotse niya sa kotse ko. Buwisit. Muntik pang magasgasan 'tong kotse ko.

Tinignan ko ang side mirror ko. Nakatayo ang lalake sa labas ng kotse niya habang nakapatong ang braso sa pintuan. Sumigaw siya pero hindi ko 'yon narinig nang malinaw.

Bumuntong hininga ako matapos kong kunin ang bag ko. Nasira ang araw ko. Pero dapat mas sira ang kaniya. Nang makalabas ako ay nginisian ko siya bilang pang-asar at diretsong naglakad paalis. Natanaw ko si Francis na palapit na sa amin.

"Yah!. Niga mwonde?!." {Hey!. How dare you?!.}

Natigil ako sa paglakad. Kasabay ng pagtataka kung bakit marunong magsalita ng Korean ang taong 'yon ay humarap ako sa kaniya. Base sa ekspresyon ng mukha niya ay mukhang nabigla din siya.

"I seullos-eun naegeoya." {This slot is mine.} Tugon ko sa kaniya atsaka pinagpatuloy ang paglalakad. Naisip kong baka purong Koreano siya at hindi nakakaintindi ng Filipino o English kaya ganon ko rin siya sinagot.

Muli ay natigil na naman ako sa paglalakad nang harangan ako ni Francis at titigan na may halong pagkataranta. Para siyang nagtatanong kung anong nangyari gamit lang ang mga mata niya.

"I'm fine.." sabi ko na agad sa kaniya na halatang nag-alala.

Lumakad na ako palampas sa kaniya at pumasok na sa building. Hindi ko na hinantay ang sagot niya at hindi ko na rin siya sinabihang 'wag nang pagsabihan yung lalakeng nasa kotse kanina. Knowing him, hindi siya makikinig kahit pakiusapan ko pa siya.

***

Inilapag ko ang tray ko ng pagkain kasabay ng isang malalim na pagbuntong-hininga. Mula kay Howard at Elmo na nakapwesto sa isang mesa sa 'di kalayuan ay ibinaling ko ang malungkot kong tingin sa dalawa ko pang kaibigan na ngayon ay nakaupo na pala sa kani-kaniyang silya nila.

"Okay ka lang, Aux?." usisa ni Ella.

Umupo ako sa silya ko katabi ni Hana atsaka umiling-iling. "Sorry ah.. Nalalayo na kayo sa mga kapatid niyo dahil sa gulo namin ni Howard."

Mula noong nagkasira kami ni Howard, lumayo na rin si Elmo sa amin. Lagi na siyang tumatabi ng upo kay Howard sa sulok ng classroom.

Naiinis ako sa nangyayari. Dapat masaya na 'kong nasabi ko sa kaniya yun eh, kaso wala na, napigilan yung saya ko dahil sa naging epekto nung nangyari kay Howard. Hindi ko naman alam na kapalit pala ng luwag na mararandaman ko ang pagkasira ng grupo namin.

"Okay lang yun. At least, wala nang mga asungot dito tuwing kumakain tayo." pabirong sabi ni Hana habang pilit na ngumingiti kahit halata rin ang lungkot niya.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon