15

13 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Aux!.." sigaw ng kakaratig pa lang na si Rex.

Nakatayo silang apat sa pintuan habang pare-parehas na pawisan at may mga dumi ng alikabok at dugo ang mga damit. Mukhang may gulo silang pinasukan. At si Jax, hindi ko siya makita, wala siya dito. Hindi ko alam kung dapat akong makampante na 'di siya kasama nila kuya ngayon.

"Let her leave there safely.." Maawtoridad na utos ni kuya.

Nagsimulang lumakad si kuya palapit sa'kin habang ako ay nagsimula na ring lumakad. Sa ikalawang pag-angat ng paa niya ay natigil ito nang biglang inagaw ni Nixon ang dagger sa'kin at hinila ako palapit sa kaniya.

"Hindi." Mahinang bulong ni Nixon.

"Let go of her, Nixon."

Nakatayo si Nixon sa likod ko.. Kasabay ng pagsabunot niya sa buhok ko gamit ang kanang kamay niyang nakatali pa rin ay naramdaman ko ang unti-unting pagdikit ng patalim sa leeg ko na hawak niya sa kaliwang kamay niyang naputulan ko na ng tali.

Bumuntong hininga na lang ako. Leche. Ba't ba 'di pa ako natuto sa mga nangyari?.

"What if I don't?.. Will you kill me?." Sarkastikong sabi niya. Naramdaman ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko na nagbigay lalo ng inis sa akin.

"Tandaan mong si Auxine ang hawak mo ngayon.." Paalala niya kay Nixon. ".. Nakahanda akong durugin ka kapag sinaktan mo siya."

Binaling ko ang tingin ko kay Janus na ngayon ay wala pa ring malay. Sa sobrang hina niya, tanging mga lubid na lang sa mga kamay niya ang nakakapagpanatili sa kaniyang nakatayo.

Sa sitwasyong 'to, sila kuya ang tagasunod at si Nixon ang maguutos. At ako, ako ang dapat gumawa ng paraan. Kailangan 'kong makaalis dito nang 'di ako ipinapagpalit sa kalayaan nitong dalawang 'to.

"Alam ko, Arixxon, kaya nga kailangan mo 'kong sundin ngayon."

Pinag-iisipan ko kung kaya niya ba talaga akong saktan o hindi. Tinignan ko ang patalim niyang nakatutok ngayon sa leeg ko. At naalala ko ang mga sugat ko ngayon. Mukhang kaya niya nga.

"Pakawalan niyo kami ni Janu––––––"

Siniko ko ang tiyan ni Nixon na naging dahilan para mapaatras siya sa mga tali ng boxer ring.. Matapos nun ay pinilipit ko ang kaliwang braso niya patungo sa leeg niya. Ngayon ay nakatutok na sa lalamunan niya ang patalim gamit ang sarili niyang kamay.

Nawalan ng silbi ang kanang kamay niya dahil nakatali pa rin ito. Kaya't masasabi kong, ako ang lamang ngayon. Bahagya akong nahirapan sa pagkilos dahil naka arm sling pa rin ang kaliwa kong braso.

Nakapaligid ang apat at ang ibang underling nila sa boxing stage na mukhang nag-aabang sa mga susunod kong gagawin. May isang akmang aakyat na ang biglang pinigilan ni Rex gamit ang kaliwang braso niya habang buhat si Kura.

"No one's going to stop her.." paalala ni kuya sa lahat. ".. Sige lang, you can hit him as much as you want." sabi niya sa'kin.

Nakatitig ako sa mga mata niya. Mapanlinlang. Nakaabang lang ako sa biglang panlulumo ng mga mata niya at paghingi ng patawad. Nag-aabang ako na makakita ng pasisisi sa mga mata niya. Malaman ko lang na nagsisisi siya, bibitawan ko siya ngayon; tatapusin ko lahat nang walang pagdadalawang-isip.

"You're not even sorry?." tanong ko sa kaniya. Gusto ko siyang sapakin ngayon, lalo na't binigyan ako ni kuya ng pribilehiyong saktan si Nixon. Kung 'di lang talaga injured yung isa kong kamay.

Pero lumipas ang isang minuto, walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Ni kalungkutan, wala. Wala siyang balak na magsisi. Kahit yung pagsisising ipinakita niya noon, wala na.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon