12

20 1 0
                                    

Nixon Alexi Blanco's POV

[Ano?. Wala pa rin?.] tanong ni Casper sa'kin pagkasagot na pagkasagot ko pa lang ng tawag.

Tss.. Nauubusan na siya agad ng pasensya, isang buwan pa lang naman ang naaaksaya ko para sa bagay na 'to.

[Gusto mo ako nang tumapos sa trabaho mo?.. Ako mismo ang magtatanong sa kaniya, mas madali yu––––––]

"Hindi.. 'Wag.. 'Wag mo siyang sasaktan.." Bigla kong nasabi dahil sa taranta. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para siguruhin na walang ibang taong nakakarinig sa'kin.

Nagsimulang pumintig nang sobrang lakas ang puso ko. Ngayon lang 'to nangyari, nakatayo lang ako ngayon pero sobra-sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang kakatapos ko lang tumakbo nang matulin. Mukhang mapanganib 'tong nararamdaman ko, pero mas mapanganib kung malalaman pa ni Casper..

".. A-ang ibig kong sabihin, delikado kung sasaktan mo siya. Malaking grupo ang magiging kalaban natin.. Kaya ko naman eh. Mahirap lang kunin ang tiwala ng taong yun." katuwiran ko. May punto naman ang sinabi ko pero binabaan na naman niya ako ng telepono. Wala nang 'hello', wala pang 'bye'. Wala talagang manners.

Kung tutuusin, para sa isang matalino at matapang na tao, kulang ang isang buwan para mapaniwala ko siya at makuha ko ang kailangan ko nang 'di niya napapansin. Buti kung tanga siya, baka isang araw pa lang alam ko na kung nasaan si Arixxon. Ang kaso, hindi siya makwento sa mga bagay tungkol sa kaniya o sa pamilya niya.

Alam kong alam niya ang tungkol sa kailangan ko, nakikita ko siya noon na kasama ng grupo ni Romel. Aware siya sa mundong ginagalawan nila. Paniguradong may isasagot siya, oras lang ang kailangan.

"Bro.." naramdaman ko ang biglang pagtapik ni Janus sa balikat ko. Mukhang galing siya sa loob ng classroom. ".. Si Cas ba yun?."

Tumango-tango ako. "Kanina ka pa ba diyan?." Nagtataka kong tanong. Hindi ko siya nakita kanina nong lumingon ako sa paligid ko.

Hindi siya sumagot. Binigyan niya lang ako ng isang mapang-asar na titig.

"Bakit ha?.." puna ko sa kaniya. ".. Ba't ganiyan ka makatingin?."

"Alam mo, gusto sana kitang asarin eh. Kaso napaisip ako bigla.." Mula sa pagiging malisyoso ay naging dismayado ang naging dating ng titig niya sa'kin.

".. Alam kong isang beses lang kitang pinagsabihan. Pero sana naman pinakinggang mo 'ko noon.." Bumuntong-hininga siya. ".. Para 'to kay Spade, Nixon. 'Wag kang mahuhulog sa bitag na ikaw mismo ang bumuo."

Humalukipkip siya at sumandal sa kabilang pader ng hallway

"Pagdating sa mga ganiyang laro, kahit si Satanas ka o kahit anong uri ka pa ng demonyo, kapag nagpanggap kang nagmamahal, unti-unti talagang magiging totoo.."

Natawa ako nang bahagya sa pananalita niya. Hindi ganiyan si Janus. Malamang nahahawa lang siya sa imaheng pinapakita niya.

".. Kaya ayokong ako ang gumawa niyan eh, mapapahamak lang ako." natatawang sabi niya.

Nanatili akong tahimik at nag iisip. Hindi ko alam, siguro nga nahulog na ko sa sariling patibong ko, iniisip ko lang kung anong mga puwedeng mangyari sa kanya 'pag tinuloy ko 'to. Kasi kahit hindi ko naman alamin kung gusto ko na ba talaga siya o hindi pa, may pakialam na ako kahit papaano sa kaniya. Natatakot na 'ko 'pag nagsasabi si Casper siya na gagawa ng trabaho ko. Yun ang mahirap, nagkaroon na ako ng pakialam sa kaniya. Sana hindi na lang.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon