17

18 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Can someone talk to him?.." Wika ni kuya na parang nauubusan na ng pasensya. ".. Kailangan na natin siyang mapasagot ngayon."

"Ako na lang." Umabante si Jax mula sa pagkakasandal sa poste.

Akmang lalakad na siya papunta sa pinto nang bigla akong magpahabol ng pakiusap. "Kakausapin ko rin siya."

"Hindi." Maawtoridad na sabi ni kuya pero tinawanan lang siya ni Vonne at Rex. Hindi na nagawang umalma ni Jax dahil pareho lang din naman sila ng ipaglalaban ni kuya.

"Maka-'hindi', 'kala mo bata yung nagpapaalam na haharap kay Levi." Reklamo na lang ni Rex.

Inirapan lang ni kuya si Rex. "Oo na, pero sasama ako." Tumayo si kuya at nauna na sa amin ni Jax.

***

Kasunod ng tunog ng elevator ay bumukas ang pinto nito at bumungad sa aming tatlo ang hallway ng third floor na puno ng mga nakabulagtang underling sa sahig. Nasa kaliwa ko si kuya at sa kanan si Jax.

Pare-parehas kaming naalarma sa nasaksihan namin. Madaling idinikit ni Jax at kuya ang mga kamay nila sa magkabilang pader ng elevator. Umilaw ang isang napakaliit na bumbilya sa kaliwang babang kanto ng buong pader ng kulay berde at inalis nila ang kamay nila doon. Dumulas pababa ang isang bakal na takip nito at doon ko nakita ang panloob na pader ng elevator kung saan nakasalansan ng iba't-ibang uri ng baril. Kumuha sila ng tig-isa tsaka naunang lumabas sa akin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa hallway nang magsimula akong maglakad palabas ng elevator. Doon ko napansin si Levi na nakatayo sa bandang dulo ng hallway. Patuloy lang sila sa mabagal na paglalakad habang nakatutok ang baril at tingin nila kay Levi at maingat na iniiwasang maapakan ang mga underling nila.

"'Wag kang kikilos." utos ni Jax kay Levi habang patuloy sa paglalakad.

Biglang bumaba si Levi at kumuha ng baril mula sa gilid ng isang underling na nakabulagta sa paanan niya. Ikinasa niya iyon at hinawakan lang.

Tumingin siya sa'min "Bakit hindi niyo 'ko binaril?.. kumilos ako oh.." natatawa niyang sabi.

"Bitawan mo 'yang baril mo, Levi." Mahinahong utos ni Jax sa kaniya habang nakatutok pa rin ang baril doon.

"At kung hindi, babarilin niyo 'ko?.." Nasa bandang unahan pa lang kami ng hallway pero pansin na pansin ko ang ngisi niya sa amin na parang isang baliw na taong tuwang-tuwa pang mamatay. ".. Mas gusto ko 'yon."

'Mas gusto ko 'yon'?.

Mas gusto niyang barilin siya.. dahil dehado sila kuya kung mapapatay nila si Levi. Buong panggigigil na ikinasa ni kuya ang baril niya kaya't bigla ko siyang hinawakan sa balikat.

"Kinokontrol niya lang kayo.." Sandaling natigilan ang dalawa at mabilis na lumingon sa akin. ".. Mas magiging malaki ang problema kung kayo ang makakapatay sa kaniya." Nang ibalik nila ang tingin sa kaniya ay nagsimula na rin silang maglakad.

Hinayaan ko silang magpatuloy sa paglalakad at nanatili na lang akong nakatayo doon habang pinagmamasdang ang paligid. May anim na cctv cameras sa hallway na 'to. Tig-apat sa dalawang dulo ng halway na nakalagay sa magkabilang pader at tig-dalawa sa gitna ng magkabilang pader ng hallway na nakatapat sa magkasalungat na direksyon.

"Sandali.." Wika ko bago sila tuluyang makalampas sa isang camera sa gitna ng hallway na nakatapat sa direksyon ni Levi. Magkasabay silang natigilan sa paghakbang. ".. 'Wag na kayong umabante."

"Ano bang nasa isip mo ha?." Naiiritang tanong ni kuya pero inisantabi ko lang yun. Wala akong panahon para ipaliwanag ang binabalak ko kung sakaling gawin ni Levi ang bagay na 'yon.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon