Kurouji - V6
Kishi - X4
Kaito - R7
Kyoryu - J63rd person's POV
"Annyeong, oppa."
Biglang natigilan si Kurouji nang madatnan niya ang lalakeng kulang-kulang na nakaupo sa kama niya at kalong si Sakura. Galing siya sa banyo kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Kyoryu sa kwarto niya.
"Anong oppa?. Bakla ka ba?.. Tsaka lumabas ka nga. Magkakalat na naman 'yang balahibo ng pusa mo dito." Lumakad siya papunta sa kama at hinila ang dalawang paa ni Kyoryu dahilan para dumulas ito at mapilitang bitawan si Sakura para makatukod sa kama.
"Ito naman, muntik pa tuloy malaglag si Kura.." tumayo si Kyoryu habang karga si Sakura atsaka umupo sa isang sofa malapit sa kama ni Kurouji. ".. paupo lang eh. Ang aga-aga nanggigigil ka kay Kura ko."
"Aish.. Tatanggalin na talaga kita sa mga makakapasok sa kwarto ko." naiinis na sabi ni Kurouji habang inaabot ang kape sa side table ng kama niya atsaka uminom.
Tinutukoy niya ang fingerprint scanner sa door knob ng pintong papasok sa kwarto niya. Hindi mabubuksan ang pinto hanggat hindi naka-encode sa authorized persons list sa security system nila ang fingerprint mo. Sa loob ng security system ay may ilan pang listahan para sa mga spisipikong silid sa lahat ng HQ nila. At apat lamang silang maaaring makapasok sa kani-kaniyang kwarto nila -- Siya, si Kyoryu, Kaito at Kishi.
"Asan nga pala si Kishi?." Masiglang usisa nito sa kaibigan. Mataas pa rin ang enerhiya nito't masigla sa kabila ng pangwawalanghiya ng kaibigan niya sa kaniya at sa pusa niya.
"May inaasikaso 'yon para sa pag-uwi niya, 'di ba itutuloy niya yung pag-aaral niya dun?." tanging sagot ni Kurouji.
"Ah oo nga pala.." mahinang wika ng isa na parang kausap nito ang sarili. ".. Akala ko pa naman mamamasyal na tayo agad." Dismayado niyang sabi.
"Ano nga bang ginagawa mo dito?. May kwarto ka diba?, ba't 'di ka dun magkalat ng balahibo niyang pusa mo?." dagdag pa ni Kurouji. Umupo siya sa kama at ipinalibot ang kamay sa tasa ng kape. Nagisimula na ang winter ngayon at kasumpa-sumpa ang lamig na lalong nag-uudyok sa kanya na bumalik sa Pinas at yakapin nang mahigpit ang kapatid niya.
"Pinapatawag ka ni bonbon, pumunta ka daw agad sa system room natin."
Sa sandaling narinig ni Kurouji yun ay napaisip na siya agad kung ano ang maaaring maging problema.
"May nangyari ba?.." wika niya habang patuloy ang pag-iisip. Paniguradong malaking problema 'yon dahil hindi siya tatawagin ni Kaito para lang sa isang maliit na aberyang kaya niyang ayusin nang mag-isa.
"Hindi niya sina------"
"Ano ba?. Hindi pa ba kayo pupunta dito?." wika ni Kaito mula sa speaker na nasa kisame ng kwarto ni Kurouji.
Umiling-iling na lamang si Kurouji habang inilalapag ang kape sa mesa. "Talaga naman.." singhal na lamang niya sa pagiging mainipin ng kaibigan. Lagi siyang ganiyan, parang walang ibang alam kundi ang mainis.
"Intindihin mo na lang, ganiyan talaga ang matatanda, mainipin." pabulong na sabi ni Kyoryu atsaka naunang lumabas.
"Mas matanda ka sa kanya pero mas gurang pa siya kumilos at umasta.."
Napapikit na lamang si Kurouji sa kaibigan. Ayan na naman ang walang preno niyang daldal. Nagpapatuloy siyang maglakad sa hallway ng second floor na parang walang naririnig.
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...