18

5 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Nang maisara ko ang pinto ng classroom ay napatingin ako sa upuan ko gaya ng lagi kong gawi. Nakita kong nakaupo doon ang dalawang peke kong kaibigan. Nabaling ang atensyon ni Ella sa akin nang mapansin niyang may pumasok. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Hooooy!. San ka galing?." sigaw niya sa akin. Lumakad ako papunta sa kanila at umupo sa silya ko na parang wala akong nalaman na kahit ano tungkol sa kanila at sa koneksyon nila kay Nixon.

"Namiss mo naman ako?." Natatawang asar ko sa kaniya.

Napansin kong parehas silang nakasuot ng college jacket nila at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa nito. Hindi sila nagsusuot ng ganiyan, hindi nila sinusuot 'yan dahil ayaw nila ng kulay green na kinuha sa kulay ng logo ng Rivades. Naalala ko pa kung gaano sila nandiri noon nung nakuha nila ang jacket na yan nung pasukan dahil sa kulay nito, nagmumukha raw silang Korean barbecue na binalot sa gulay pag suot 'yon. Naningkit ng bahagya ang mga mata ko sa pagoobserba sa kanila.. sa kamay nila.

"Tagal mong nawala ah.." Singit ni Hana.

"May nangyari lang kasi." Sagot ko tsaka ngumiti lang sa kanila. Wala naman silang ikinikilos na kakaiba.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Nixon?." Biglang napakunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Ella. Ba't parang may laman ang sinabi niya?.

"Joke lang!.." natatawang sabi niya. Nabigla ako sa sinabi niya. Ano ba?. Nakakapraning yung pagtatago ng nangyari kay Nixon ah.

"She was with me.. Paano naman siya mai-involve sa pagkawala ni Nixon?." biglang sabi ng isang lalake sa harap ko. Nang tignan ko 'yon ay si Jax ang nakita ko.

"You're together, for five days?.." Gulat na tanong ni Hana. Mula kay Jax ay nilipat niya ang tingin niya sa'kin. Pinaningkitan niya ako ng mata na parang nang-iintriga.

Bahagya akong napaisip kung limang na araw nga ba yun. Matagal-tagal rin pala 'kong nandoon.

"Umuwi galing sa Korea si yung kaibigan ko na kapatid pala ni Eve.." Sandali siyang napatingin sa akin. ".. Kaya nagbakasyon muna kami kasama siya." Pagpapatuloy niya.

"Eve?.."

"Aha!.. Magkasama pala kayo ha?.." biglang sigaw ni Ella kaya naisantabi ang pagtataka ni Hana sa tinawag sa'kin ni Jax. Mapang-asar niya akong tinitigan atsaka kinurot sa beywang. ".. Maharot ka ah." bulong niya at binigyan ko siya ng isang pekeng ngisi na parang nakikipaglokohan ako sa kaniya. Kailangan ko lang talagang umarte habang wala pa silang alam, baka sakaling may mapakinabangan ako dito.

"Teka, alam mo na ba yung nangyari kay Nixon?." biglang sabi ni Hana.

Dahil sa sinabi niya, mas naniniwala akong wala pa talaga siyang alam. Bakas na bakas ang pagtatanong at pagtataka sa mukha niya nung itanong niya yun kanina. Baka hindi pa talaga sila nakakausap ni Nixon o ni Janus kaya mga wala pa silang ideya sa mga nangyari bukod sa pagkahuli nila kuya sa kanila.

Tinignan ko si Jax. Kalmado lang siyang nakatayo at nakatitig sa akin na parang nag-aabang din ng isasagot ko.

"Ano bang nangyari sa kaniya?." painosenteng tanong ko nang nakakunot ang noo.

Akmang sasagot na si Hana nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang prof namin. Madaling pumunta si Jax sa hilera ng upuan sa harap ko. Akala ko uupo siya doon sa isang bakanteng upuan na medyo malayo sa akin pero bigla niyang kinalabit ang kaklase kong nakaupo sa mismong tapat ko.

"Miss, pwede dito na lang ako umupo?. Lipat ka na lang dun, please?.." Pakiusap niya. Magsasalita pa sana siya nang agad na tumango-tango dahil sa tuwa ang babae.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon