Auxine Eve La Forca's POV
Idinilat ko ang mata ko at bumungad sa'kin ang maliwanag na ilaw sa kisame. Ibinaba ko ang tingin ko at nakita ang paligid. Gabi ngayon. Nasa isang kwarto ako at nakasuot ng hospital gown. Napansin kong may nakasuot na benda sa kanang binti ko.
"Auxine, anak.." nag-aalalang sabi ni mama. Lumapit siya sa akin at umupo sa silya sa kanang gilid ng kama ko. Kinapitan niya ang ulo ko at hinimas ito.
Napatingin ako kay papa na nakatayo sa tabi ng bintana sa gawing kaliwa ko. Nakasilip siya doon at biglang humarap sa'kin. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi manlang nag-aalala. Humalukipkip siya at pinanood lang kung paano maaligaga si mama sa'kin.
Umupo ako at doon ko lang sabay-sabay na naramdaman ang pagkirot ng mga sugat ko sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Naalala ko ang mga sugat na nakuha ko sa pagtatalsikan ng bubog sa'kin. Agad kong inalis ang kumot sa mga binti ko. Bumungad sa'kin ang mga binti kong may maliliit na galos.
Ibinalik ko ang tingin ko kay mama. Naluluha siya habang pinapanood akong mabigla sa nangyari sa'kin. Tumingin ako kay papa at ibinalik ang tingin kay mama.
"Sorry po." Itinungo ko ang ulo ko.
Hinimas ni mama ang pisnge ko "Its okay.. Pero 'wag mo nang uulitin 'to, pinag-alala mo kami ng papa mo."
"Anong okay?.." Alma ni papa. Lumapit siya sa'min at humarap kay mama. ".. Walang okay sa sitwasyon, napahamak 'yang anak mo dahil sumama siya sa Nixon na yun.."
"Danilo, 'wag na muna ngayon." Tumayo si mama at umupo sa natirang espasyo sa kama ko. Inakbayan niya ako at hinimas ang braso ko. Sandaling tinignan ni papa si mama at agad na ibinaling ang tingin sa akin na parang iniisantabi lang niya ang pag-awat sa kanya ni mama.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagpapaligaw ka sa lalakeng yun?.." ibinaba ko ang lebel ng ulo ko. Pakiramdam ko, kahit anong oras, sasampalin na ako ni papa. ".. Ngayon mo lang ako ulit sinuway. Sinubukan mo pang tumakas, tignan mo ang nangyari!. Pasalamat ka na lang talaga na dumating si Howard at nailayo ka niya sa lalakeng yun. Baka kung ano pa ang gawin ng Nixon na 'yon sa'yo kung nagtagal ka pa don."
Mariin akong napapikit. Bakit ba si Nixon na naman ang nagmumukhang masama sa sitwasyon na 'to?. Buong araw niya akong pinasaya. At si Howard, halos kinse minutos ko lang siyang nakasama pero nagawa na niyang sinirain ang buong araw ko nang ganon lang kabilis. Hindi dapat si Nixon ang pinagsasalitaan ni papa ng ganito ngayon. Tumingala ako at tumingin sa kaniya.
"Bakit po ba ang sama-samang tao para sa inyo ni Nixon?.. Mabuti siyang tao, papa. Believe me. Sa ating dalawa ako ang mas nakakakilala sa kaniya." Lalong inilukot ni papa ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Kung mabuti siyang tao, haharap siya sa'min at hihingi ng paalam na ligawan ka. Bakit kailangan ka niyang itakas?. Bakit kailangan ka niyang tangayin nang basta-basta?.." Humalukipkip siya.
Bubuwelo na ako para magsalita nang bigla akong kapitan ni mama sa balikat. "Tama na, Auxine, wag ka na sumagot." Pakiusap niya. Nakikiusap ang mga mata niya na tumigil ako at 'wag nang palalain ang sitwasyon. Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinaling ang tingin kay papa.
"How can he?. Banned ang mga Blanco sa atin 'di ba?. Hindi niyo siya binibigyan ng chance, pa, masyado kayong takot para sa safety ko.. Hindi kagaya ni Howard na hanggang ngayon hinahayaan niyong makalapit-lapit sa akin kahit alam niyo kung anong sitwasyon namin dati.." Napaka-unfair. Palagi silang pabor kay Howard na akala mo eh mapurol na kutsilyong hindi ako kayang saktan. ".. Why can't you treat Nixon the way how you treated Howard before?."
"Anak siya ng Ricardo Blanco na 'yon. Naiintindihan mo ba ako?!.." Naiinis na sigaw ni papa sa akin. Bumuntong-hininga siya habang nakapameywang. Pansin kong nagsisimula na siyang mapuno. At wala na akong pakialam kung gaano na siya kagalit ngayon. Kailangan niyang makilala kung sino ang dapat nilang kagalitan. ".. At hinahayaan ko si Howard dahil sumunod siya sa gusto ko.. Hindi kagaya ng Nixon na 'yon, sutil."
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...