Ezra Arixxon La Forca's POV
[.. Oh.. No.. I am not.] Napaupo ako nang diretso sa kama ko.
"Auxine.." tawag ko sa kaniya. Maya-maya bigla akong nakarinig ng tunog ng motor. ".. Nakamotor ka?!."
[Si ate Fea yun. Gamit ko si Sam.] Sagot niya.
Mula sa kama ko ay umupo ako sa silya sa harapan ng pc ko at ni-locate ang sasakyan niya. Niregalo ko sa kaniya ang kotse na yun para namo-monitor ko kung nasaan siya.
Hindi ko siya makakasama lagi kaya kailangan kong masiguro na ligtas siya. Kaya mula labas hanggang sa loob ng kotse, ginawan namin ng kahit na anong posibleng silbi para maprotektahan ang taong nasa loob nun. Bulletproof body, built-in guns, steel tires, mics and cameras, fingerprint scanner sa buong sasakyan at sa handle ng pintuan na tanging si Auxine at Francis lang ang allowed na makapagbukas ng mga pinto pati na rin thermal camera para sa dilim ay mayron pa rin siyang makikita kahit papaano.
"Ano ba kasing nangyari?.." Pangungulit na naman ni Rex. Patalon siyang humiga sa sofa sa gilid ng pc ko.
"Yung sofa ko, baka magka-balahibo!." paalala ko sa kaniya habang nakatutok pa rin sa monitor ko at nagaabang. Base sa peripheral vision ko, kinalong niya si Kura.
[What?!..] naguguluhang tanong ng isa.
"Hindi ikaw.." paliwanag ko. ".. Lumabas ka na nga!. May kwarto ka naman 'di ba?, ba't ka ba nandito ha?!." Inabot ko ang tsinelas pambahay ko at pinalo yun sa binti niya.
Agad akong bumalik sa harap ng monitor at binasa ang eksaktong location niya sa map. Nakita ko rin ang location pin ni Jax at Romel.
"Ibababa ko na 'to, sa mga camera diyan na lang kita imo-monitor.." Hindi ko na hinantay ang sagot niya at ibinaba na agad ang tawag. Binuksan ko ang app na ginawa ni Vonne kung saan naka-connect lahat ng kuha ng camera, thermal camera, mic at controller sa kotse ni Auxine.
Tinignan ko ang kuha ng maliit na camera na nakalagay sa rear view mirror, mukha lang 'yong ulo ng turnilyo sa sobrang liit. Pinanood ko siyang nagmamaneho habang tinatawagan ko si Sebastian.
Walang bahid ng takot sa mukha niya. Galit, yun lang ang nakikita ko.. Teka, ba't nga ba galit 'to?. Anong problema nito?.
[Hello?.. Rix, bakit?..] sagot ni Sebastian sa tawag ko. Mas malapit ang location niya kaysa kay Romel kaya siya ang tinawagan ko. Medyo maingay yung paligid niya, mukhang nasa bar siya. Unti-unting humina ang ingay hanggang sa marinig ko siya nang mas malinaw kumpara kanina. [..Ano 'yon?.]
"Seb, I need you to do something.." Nabaling ang tingin ko sa isa pang kuha ng camera sa labas naman ng kotse ni Aux. Nakaposisyon ang camera sa plate number ng sasakyan kaya kita doon si Fea.
Medyo madilim ang kuha sa mukha niya dahil sa headlight ng motor. Pero sa kabila noon, malinaw sa akin ang hubog ng mukha niya. Panigurado, kahit hindi ko makita ang mukha niya ngayon, alam kong maganda pa rin siya.
"Hoy!.." Halos tumalbog palabas ng dibdib ko ang puso ko sa gulat. ".. Mapapahamak 'yang kapatid mo sa kakatingin mo sa asawa mo. Asikasuhin mo kaya 'yang back up para kay Auxie." Inirapan ko na lang siya at finull screen view ko na lang ang kuha ng camera sa rear view mirror para kay Aux lang ako mag-focus.
"Uhh sorry, what were you saying?." baling ko naman kay Seb.
[I said, anong meron?.]
Bubuwelo na sana ako sa pagsasalita nang bigla na lang akong makarinig ng putok ng baril mula sa kuha ng camera sa sasakyan ni Auxine. Natigilan ako at biglang napaupo sa sofa si Rex.
![](https://img.wattpad.com/cover/57570640-288-k414346.jpg)
BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanfictionBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...