4

20 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

"Nay Alba, I'm home!." sigaw ko atsaka isinara ang pinto.

Nakita kong lumabas si nanay mula sa kusina. Siya ang nag-aalaga sa akin mula pa nung ipinanganak ako at ngayon ay mayordoma na dito. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Ano hong merienda?."

"Tamang-tama, nag-bake ng cookies ang mama mo kanina. Sinubukan niya kasi 'yong nabili niyang libro tungkol sa baking noong nakaraan. Magpalit ka na muna ng pambahay. Pagbaba mo, nakahanda na ang pagkain." sabi ni nanay habang hinihimas ang likod ko.

"May medical mission po siyang pinuntahan 'di ba po?. Nakapag-bake pa po siya?." Nagtataka kong sabi.

"Malapit lang naman 'yon, kaya tanghali na rin siya umalis."

"Sige po.. Bababa ako agad, nay." sabi ko na lang atsaka pumunta sa hagdan.

Akala ko naman sa liblib na lugar yun kaya pinasama ni papa si Francis sa security team ni mama para sa araw na 'to. Kahit kailan talaga. Napangisi ako. 'Di ko na rin talaga alam kung sino ang mas protective, kung si kuya ba o si papa.

"Auxine!." tawag ni nanay na parang may bigla itong naalala.

Patagilid akong dumungaw sa baba habang nakasandal ang gilid ng katawan ko sa railings ng hagdan "Yes po?.." tugon ko.

"Nagkaalitan ba kayo ng mga kaibigan mo?." nakakunot ang noo niya habang nagsasalita.

"Ano po?. Ba't niyo naman po natanong 'yan?."

Bahagya siyang lumapit sa akin atsaka kumapit sa isang side table sa gilid ng mga sofa.

"May dinala sina Hana at Ella kanina, ipinalagay ko na sa kwarto mo.. Para sa'yo daw 'yon, peace offering raw nila sa'yo."

Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?. Hindi naman kami nag-away. Ang alam ko, wala namang problema. Bakit–––––– Ahh.

"Mabuting ayusin ninyo agad ang mga problema, anak. Mahirap makaaway ang kaibigan." Nginitian niya ako at lumakad na pabalik sa kusina.

Naisip ko na kung ano 'yon. Agad akong umakyat sa kwarto ko at hinanap ang bagay na 'yon. Nang makapasok ako ay nakita kong nakapatong sa sofa na malapit sa balcony ng kwarto ko ang bear na dala ni Nixon kanina.

Nilapitan ko ito at tinignan. Hay. Ano nga bang gagawin ko sa'yo?.

***

[Pwede ba tayong kumain sa labas?.] biglang text ni Nixon.

Lintik talaga. Hindi ko na namalayan, magkasalubong na naman ang kilay ko sa inis. Nasa likuran ko si Francis at bitbit ni Luke na katabi ni Francis ang mga paper bag ng nabili kong mga damit.

[Anong ginagawa mo?..]

[Baka may ginagawa ka, hihintayin na lang kita.]

Magkasunod niyang text sa akin. Napakakulit!. Nakakainis!. Hindi ko na yun nireplyan at pinatay ko na lang ang phone ko. Nakabusangot kong ibinalik sa bag ko ang phone ko.

"Ito rin." sabi ni Hana na inilalapag sa counter ang isa pang napili niyang damit.

Nandito kami sa mall at nagsh-shopping. Kanina pa kami nakapili ni Ella ng mga damit na gusto namin, habang si Hana ay ngayon lang nagdesisyong magbayad. Napakabagal pumili.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Ella. Nasa gilid lang siya habang nagse-cellphone. Bigla siyang ngumiti na parang kinikilig. Napataas ang kilay ko. Sinong ka-text niyan?.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon