Prologue [Phantom Chapter 1]

39 3 0
                                        

Kurouji - Black Prince
Kishi - Knight
Kaito - Sharp Sword
Kyoryu - Dinasour

{Japan}

3rd Person's POV

'Retinal Detachment'

Kapit-kapit ni Kishi ang papel na nagsasaad ng kaniyang karamdaman. Naoperahan na ang mga mata niya, ngunit hanggang ngayon ay nababahala pa rin siya. Hindi sa nangyari sa kaniya kundi sa magiging epekto nito sa grupo nila.

"I suggest you take a break from all of these. Spend your recovery time at home. With your family.."

Nakailang beses na umulit sa isip ng binata ang sinabi ni M sa kaniya noong nakaraang araw. Pinapagpahinga siya ni M mula sa trabaho, sa kalagitnaan ng malaking kasong hawak nila ngayon. Ngayon pa talaga. Matagal nang walang usad ang kasong hawak nila at dahil doon ay nakakaramdam na siya ng pagkabigo. Ngayon naman, dumagdag pa 'tong sakit niya na posibleng maging dahilan para mabawasan ang grupo nila. Lalo siyang nadidismaya sa sarili niya.

Humiga siya sa kama niya at napatingin sa kisame. Kung anong ikinablangko nito ay siya namang dami ng inaalala ng isip niya. Kakatapos lang ng operasyon niya at nasa recovery stage na siya ngayon. Kakailanganin niyang magpahinga ngunit para sa kaniya'y hindi niya pwedeng iwanan ang tatlo. Ilang tao na rin ang nalagas sa kanila mula noong simulan nila ito. Naisip niyang baka lalo silang manghina kung mababawasan ulit sila.

Bumukas ang pinto ng silid kasabay ng pagkatok doon ni Kurouji. Ibinungad agad ni Kurouji ang ngiti nito sa kaibigan. Kahit papaano'y nakatulong ang ngiti ng binata sa pagpapagaan ng loob ni Kishi sa kabila ng pagaalala nito.

"I know, you're worrying 'bout us.." Panimula ni Kurouji kasabay ng pag-upo niya sa gilid ng kama ni Kishi. ".. But I want you to put your self first, your health needs much of your attention. Rest for now."

Nanatiling tahimik si Kishi na ngayon ay nakaupo na habang inaalala pa rin ang mga mangyayari't maiiwan sa pag-alis niya.

"Sandali lang naman ang hihintayin mo para magbalik na sa dati ang paningin mo, 'di ba?. Bakit hindi ka muna umuwi?. Baka blessing in disguise na din 'to para makasama mo 'yang 'asawa mo'.." pabirong wika ni Kurouji na isa ring pasimpleng pagdagdag sa dahilan ng kaibigan na umuwi muna sa Pilipinas at magpahinga. ".. I'm sure she'd love to see you again."

Muling may kumatok sa pintuan at si Kaito naman ang bumungad doon.

"Roger came and gave your plane ticket.." Payak itong lumakad patungo sa dalawa habang kapit ang sobre. ".. aaand you're leaving in three days." Mabigat na pagsambit ng binata. Ang enerhiya't dating niya ngayon ay masyadong malungkot at para bang itinatago niya ito sa pilit na ngiting ipinapakita niya sa dalawa.

Napansin ng dalawa na hindi normal ang kinikilos ni Kaito ngayon at parang hindi makatotohanang siya ang nakakuha ng ipinadalang ticket. Lagi lang naman kasi itong nakatambay sa kwarto niya o sa control room.

Inilapag na lang niya ito sa side table ng kama ni Kishi at tumayo sa gilid ng kama.

"Okay.." natatawang tugon ni Kurouji sa kinikilos ng kaibigan. ".. Gusto mo mag-stay muna dito?."

Napangiti rin si Kishi. Umurong siya ng upo at inilaan ang dating pwesto kay Kaito. Bihira nilang makita nang ganto ang kanilang kaibigan at kahit na dapat silang malungkot sa sitwasyon ay 'di nila maiwasang matuwa na makita ang mahinang bahagi ni Kaito.

Kaswal na umupo doon si Kaito kasabay ng pagkuskos at pagsuklay nito sa kaniyang buhok.

Madalas niyang ginagawa iyon sa sarili niya kapag medyo nalulungkot siya o naluluha. Para bang doon niya nahahanap ang pagpapakalma sa sarili kapag nagiging emosyonal siya. Alam na alam ng tatlo ang ugali niyang iyon kaya't ramdam na ng dalawa na apektado si Kaito sa kalagayan ni Kishi.

"Para kayong mga tanga, upakan ko kayo eh, wag kayong ganiyan!." Pabirong saway ni Kishi sa dalawa sa pagiging emosyonal nitong mga 'to. Maging siya ay lumalala ang kalungkutan dahil sa ikinikilos ng dalawa.

Napalingon ang tatlo sa patakbong pagpasok ng pusa ni Kyoryu sa pintuang naiwang bukas ni Kaito. Malamang ay kasunod na nito ang pagdating ni––––––

"Sakuraaaaaa.." Nagkaroon ng sunod-sunod na yabag ng paa sa labas ng silid. ".. Halaaa, wag mo guluhin si––––––" Natigilan si Kyoryu nang mamataan niya ang tatlo na magkakasama't nagkukwentuhan nang wala siya.

"Waaaw. Nagb-bonding pala kayo, 'di niyo 'ko sinasali.. gagaleng!." Sarkastikong wika nito sa tatlo atsaka lumapit sa kama nang pumapalakpak at pabagsak na humiga sa naritang espasyo sa kama.

"Manggugulo ka lang dito eh." Naiiritang sabi ni Kaito.

"'Di ah.. 'di ako manggugulo.." maamong tugon ng binata. Bigla niyang niyakap ang kaibigang ngayo'y nagpapagaling pa lang at isinubsob ang mukha niya sa mga braso niyang mahigpit na pinipisil ang balikat ng kaibigan.

'Di magawang matawa ng tatlo kahit na nakakailang ang itsura ni Kishi at Kyoryu ngayon. Dahil ang iniisip nila sa mga oras na ito ay walang kahit na anong namamagitan sa kanilang apat kundi pagkakaibigan at pagmamahal sa isang kapatid. Tinapik-tapik ni Kishi ang braso ni Kyoryu upang pakalmahin ito. Kasabay ng 'yon ay unti-unting namuo ang luha ni Kyoryu na pilit naman niyang ibinabalik sa kaniyang mga mata nang magdesisyon siyang bumitaw sa pagkakayakap nito.

Biglang tumalon si Kura paakyat sa kama at tinitigan si Kyoryu. Kumurap ito ng isang beses at ngumiyaw.

Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo sa ikinilos ng pusa at sa mga kadramahang ginagawa nila sa oras na 'to.

"Tama na nga. Nakakadiri kayo. Nagpapagaling na nga 'di ba?. 'Di ako mabubulag, ano ba kayo?." muling saway ni Kishi at pagbasag sa kalungkutang lumamon sa kanilang apat.

Napangiti silang apat at kahit papaano'y nabawasan ang lungkot kasabay ng pagpahid ng kani-kaniyang luha na pinigilan nilang tumulo.

Napalingon si Kyoryu sa sobre ng plane ticket ni Kishi at takang-taka na inabot ito. "Ano 'to?.." Kunot noo niyang inusisa ang laman at agad na nalaman kung ano ito.

".. Buti tinanggap mo na yung alok ni M na umuwi muna?.." wika nito. Hinimas-himas niya ang baba niya na parang nag-iisip.

".. Gusto niyo, mamasyal muna tayo dito bago siya umuwi?.." Masiglang alok nito sa tatlo na mukhang nagustuhan din naman nila. ".. Part na rin ng recovery mo." baling niya kay Kishi.

"Baka naman Tokyo lang malibot natin sa tatlong araw na 'yan?." Natatawang sabi ni Kurouji.

"Tss. I can extend our vacation to ten days if you want." Wika ni Kyoryu. Inangat niya ang plane ticket at pinunit sa harapan ng tatlo. Lahat sila ay nabigla sa ginawa nito.

"Sira ka na talaga 'no?. Anong sasabihin ko kay M pag hindi ako nakasakay ng eroplano ha?." Gulat na sabi ni Kishi.

"I'll just get you another flight.." Nakangising wika ni Kyoryu. ".. Business class."

At doon, nagsimula ang apat na magplano ng mga gagawi't pupuntahan. Napuno ng pagpaplano't pangarap ang paguusap ng apat at natapos ang gabi nang malinaw sa kanila ang kahalagahan nila sa bawat isa.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon