Auxine Eve La Forca's POV
[Auxine, ayos lang ba talaga?.] tanong niya ulit.
Napairap ako. Napakakulit talaga ng Nixon na 'to. Inipit ko sa tainga at balikat ko ang cellphone ko at sinimulang ligpitin ang mga gamit ko sa arm chair. Iilang tao na lang din ang natitira dito sa classroom.
"Nire-require ba kitang ihatid-sundo ako para maging ganiyan ka ka-sorry?." Naiiritang sabi ko sa kaniya.
Kausap ko siya ngayon sa cellphone dahil bigla na lang siyang tumawag para mag-sorry. Hindi niya daw ako magagawang ihatid pauwi dahil sa group activity na kailangan nilang tapusin ngayon.
[Hindi.. pero..] nadidismaya niyang sabi. [.. siyempre gusto ko lang yun gawin.]
"Tara na." sabi ko kila Hana nang maisukbit ko na ang bag ko.
"Ayos nga lang, Nixon. Hindi mo rin naman ako mapapasagot dahil lang sa paghahatid-sundo mo sa'kin.." Pag-ulit ko sa sinasabi ko kanina pa. ".. Ibababa ko na 'to. Sana magkasilbi ka diyan sa activity niyo." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ko.
Binulsa ko ang phone ko tsaka lumabas ng classroom. Napalingon ako sa isang lalakeng nakasandal sa pader katabi ng pinto. Si Jax.
"Uy Seb, ba't andito ka?." tanong ni Ella tsaka ito nginitian.
"Wala, ano.. Hinintay ko lang si Auxine." naiilang niyang sabi.
Jusko, anong balak nitong lalakeng 'to at inaabangang niya 'ko?.. 'Wag niyong sabihing, dadagdag 'to sa pang-araw-araw kong suliranin sa buhay?.
Maya-maya'y naramdaman ko na ang pagsiko sa akin ni Hana sa beywang. Pinandilatan ko siya ng mata bilang pangsaway pero binigyan niya lang ako ng mapang-asar na titig.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Ella na bigla na lang nagsalita "Nako.. Seb, paalala lang ah, may Nixon na 'yan.." Pinandilatan niya pa ng mata si Jax. ".. Si Nixon Alexi Blanco." pagdiriin niya. Tumango-tango na lamang si Jax at pairap na tumalikod si Ella paalis.
Naiilang na ngumiti sa akin si Hana atsaka patakbong sumunod kay Ella na mukhang nagselos pa yata. Tss. Mukha bang papatulan ko 'to, Ella?. Eww. I don't think so.
"Uuwi ka na?." tanong niya bigla.
"Malamang." tanging sagot ko. Tinalikuran ko siya at sumunod na sa dalawang kaibigan kong medyo malayo na rin ang nalakad mula sa'min.
"Wala ka namang gagawin ngayon, 'di ba?." usisa niya habang nagmamadaling maglakad pasabay sa akin.
"Wala naman masyado.." Nakangiti kong sabi sa kanya, isang nakakalokong ngiti ng pagkukunwaring mabait. ".. Balak ko lang namang bumyahe na pauwi, para makalayo na 'ko sa'yo." Inirapan ko siya tsaka inunahan nang maglakad.
"Ahh.. Bakit?. 'Di mo na ba kinakaya 'tong mala-anghel kong mukha kaya kailangan mo nang umalis at magsisisigaw sa kilig sa isang lugar kung saan hindi kita maririnig?.." Nagawa na naman niya akong sabayan sa paglalakad. Nakakainis. ".. Well, sige.. you can go." sabi pa niya habang punong-puno ng kayabangan ang mukha.. Saktan ko 'to eh.
"Sorry to burst your bubble, Mr. Lacia.." Humalukipkip ako habang magkasabay pa rin kaming naglalakad. ".. Kailangan kong lumayo. Inaalala ko lang naman kasi, baka masinghot mo ako at ma-trap diyan sa napakalaki mong ilong." sarkastiko akong ngumiti sa kaniya atsaka tinapik-tapik ang balikat bago tumakbo paalis. Hindi ko na nakikita dito sa hallway sila Hana, baka nakababa na sila.

BINABASA MO ANG
Untamable Lioness
FanficBeing the wise Lioness that she is, Auxine Eve La Forca clothed herself a Cat fur and plays coy with everyone. She's carefree but is deprived and held tight like a precious gem that can't be lost. While trying to live like an innocent and impulsive...