Chapter 3

16.6K 342 5
                                        

"Mama, kamusta na po kayo?" Bati ko agad sa Mama ni Jasper at bineso beso ko ito.

"Napasyal ka Themarie" alanganin ang ngiti na sumilay sa mga labi nito.

Di ko na hinintay na paupuin nito ako at ako na ang umupo sa silya sa tapat nito.

"Namiss ko lamang po kayo Ma" ngumiti ito sa akin at ininom na ang juice nito.

"Ang Papa po Ma" tanong ko dito. "Saka po si Charlene"

"Malamang nasa clubhouse tinuturuan kasi nang Asawa ko ang bunso ko na mag swimming" sagot nito at tipid na ngumiti.

Ramdam ko na di nito gusto ang presensiya ko sa harap nito kaya lamang ay di nito magawang sabihin.

Well at least di nya pinapahalata ....

Di masyadong masakit....

Di kaparis nina Papa at Charlene mas lalo na si Jasper....

Ngumiti lalo ako dito.

"Ahm....Ma nagustuhan nyo po ba yun ineregalo ko sa inyo ni Papa?" Sabik na tanong nito.

Natigilan at muli ay alanganin ang ngiting sumilay sa bibig nito.

"Di ka na sana nag abala pa Themarie alam mo naman na di maluho ang Papa mo pero salamat sa regalo mo" sagot nito.

Lihim na bumagsak ang dibdib ko dahil sa sinabi nito pero as usual nagpaka plastic na naman ako.

Manhid manhidan na lang ang drama ko.....

"Okay po Mama pera naman ni Jasper yung ginamit ko isipin nyo na lang na si Jasper ang nagregalo nun sa inyo" sabi ko dito.

Pumormal ang mukha nito at lumihis ito nang tingin sa akin.

"Themarie please stop ....." She sigh then stare at me again. "You will never gonna win our heart,
Iniwan ni Jasper ang inaanak ko na si Mikaela para pakasalan ka,
Fine, Pero wag mo nang ipilit ang sarili mo sa amin Themarie...
Alam namin ang mga ginawa mo para mapikot mo ang Anak ko,
May paninindigan si Jasper kaya ginawa nya ang tama pero naghihirap ang kalooban namin tatlo dahil kinulong mo ang anak namin sa kasal nyo, iniwan nya ang babaeng mahal na mahal nya at mahalaga sa aming pamilya, para gawin ang tama....
Nasasaktan ang kalooban namin para sa anak namin Themarie" huminto ito sa pagsasalita at tumitig nang matiim sa akin.

Di ko napigilan ang di mapalunok dahil wasak na wasak na nga ang puso ko...

Ramdam ko pa ang galit nya na kinikimkim sa dibdib nito at isinasampal sa mukha ko.

"At pinagdadasal ko na sana matauhan na ang anak ko at hiwalayan ka na nya para magkaroon pa nang pag asa na magkabalikan sina Jasper at Mikaela at magkaroon na nang bunga ang pagmamahalan nila na di mo kayang ibigay sa anak ko" anito saka tumayo na para pumasok sa bahay nila at iniwan ako sa may mesa.

Napakagat labi ako para mapigilan ang pagkibot nang mga ito at maging ang tangkang pagtakas ng mga luha sa mata ko.

Yumuko ako at pumikit nang mariin saka nag angat ulit nang mukha at muli pinaskil ko sa mukha ko ang ngiti na sanggalan ko sa lahat nang masasakit na sinasabi nila sa akin.

Nang mahupa na ang sakit na nararamdaman ko ay inayos ko na ang sarili ko para umalis na sa lugar na yun.....

Kasi pag nagpaalam pa ako dito masaktan lamang ako pag dinedma lamang ako nito.

---------------

"Themarie hija....." tawag ni Manang Dolor sa akin.

"Manang bakit po?"

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon