"Princess!" Tawag ko sa bata na abala sa paglalaro.
After nitong makalabas sa Hospital ay di na nito iniuwi ni Jasper sa bahay namin bagkus ay sa bahay nang mga magulang nito iniuwi si Princess.....
Nagtataka na nagpalinga linga ito at nang matuon sa gawi ko ang paningin nya ang malaki ang ngiti na sumilay sa makipot na bibig nito na namana nito palagay ko kay Mikaela.
Sabik na tumayo ito at mabilis na tumakbo sa gawi ko.
"Mama!" Sabi nito at agad na niyapos ako.
Masaya akong lumuhod at niyakap ito.
"Ang Yaya mo?" Tanong ko dito saka kinarga ito.
"Nag wiwi po sya Mama" matabil na sagot dito. "Mama pasalubong" nakatawang inuumang nito ang munting mga palad nito sa akin.
Natutuwang nahaplos ko ang buhok nito.
"Eto" agad na inabot ko ang mga tsokolate na binili ko.
"Wow Mama tsokolayt!" Nanlalaki ang mga bilugan na mata nito na agad na tinanggap ni Princess ang mga ito.
"Wag masyadong kumain ha, ang magandang teeth natin dapat icare kaya after mong kumain nyan brush your teeth" bilin ko dito na agad naman na tinanguan nito.
"Ang Lola at Lolo mo pati na si Tita Charlene mo?" Tanong ko dito habang hawak hawak ang kamay nito papasok sa may salas.
"Lolo wala, si Tita yun po oh may kausap na naman sa phone, tapos ang Lola nasa kitchen nagduluto nang uyam" medyo may pagkabulol na sagot ni Princess.
"Thank you Princess" sabi ko dito at nang matanawan ko na ang Yaya nito ay agad na kinawayan ko ito.
"Si Princess ikaw nang bahala" bilin ko dito na agad naman na tumango at kinuha ang bata sa akin.
Aalis na sana ako nang maulinigan ko ito na may binulong kay Princess.
"Naku Princess anak naman ba't lumapit ka pa sa Babae na yun eh binawalan ka na nang Lola mo na lumapit dun, naku lagot ako nito pag nalaman nya baka matanggalan ako nito nang trabaho"
"Eh Yaya mabait si Mama look bibigay pa nga sya nang Tsokolayt eh" sagot naman ni Princess dito sabay pakita sa Yaya nito ang ineregalo kong mga Tsokolate.
"Kuh ikaw talagang bata ka" naiiling na lang ang Yaya nito.
Napabuntunghininga na lamang ako para pawiin ang inis na gustong ilabas nang dibdib ko.
Nakakasama lamang nang loob na masama ang tingin nilang lahat sa akin samantalang di naman nila ako kilala pa nang lubusan.
Alam ko sa sarili ko na di ko magagawang manakit nang ibang tao....
Di ako ganun pinalaki nang magulang ko...Pero ngumiti na lamang at nagkunwaring walang nadinig.....
Pagkaraan ay tumuloy na ako sa salas at agad na nakita ko si Charlene na tawa nang tawa sa kung sinumang kausap nito sa telepono,
Pero nun makita nya ako na papadating ay dagling nagpaalam ito sa kausap.
"Panu Joey mamaya ka na lang tumawag ha may nakalimutan kasi ako na Assignment, gagawin ko lang" anito sa kausap at agad na binaba ang telepono at nakasimangot na hinarap ako.
"Hello Charlene" bati ko dito saka naupo sa loveseat na nasa tapat nito.
"Hello din Themarie" sagot nito.
Kahit minsan di ako nito tinawag na Ate tanda na di nya ako gusto para sa Kuya Jasper nito.
"Boyfriend mo?" Diretsang tanong ko.
Di na nya ako kailangan sagutin,
Alam ko na ang sagot dahil sa biglang pamumula nang mukha nito."Anu.....ahm..." umiilap ang mga mata nito na wari'y di malaman ang isasagot sa akin.
Nakangiting tinaas ko ang kanang kamay ko para patigilin ito.
"Mahal mo ba sya?" Tanong ko kay Charlene.
"Of course!" Agad na sagot nito.
Ngumiti lalo ako dito.
"Mahal ka ba nya,?" Natigilan ito sa tinanong ko.
"O--oo naman" umiiwas ang mga mata nito na sagot nito sa akin makaraan nang ilang saglit na pagkatigalgal.
"If you say so....then this is my advised for you....If you really love him then love him the way...how should I say it...." ngumiti ako kay Charlene. " Wag kang umasa na mahalin ka nya sa gustong mong way na mahalin ka..... at pag dumating ang time na sinaktan ka nya dapat isipin mo na ginusto mo yan eh di mo sya dapat sisihin bagkus mahalin mo pa sya lalo sa paraan alam mo....kahit mahirap...kahit masakit dahil ikaw ang pumili sa kanya...di sya...kundi ikaw lang...." payo ko dito.
Nakita ko na natigilan ito at ilang sandali na nilimi ang sinabi ko pagkaraan ay tinaasan ako nang kilay nito.
"Mahal ako ni Joey! Kaya di ako masasaktan! At saka dapat sa sarili mo yan dapat na Iapply kasi di ka mahal at mamahalin kahit kailan ni Kuya Jasper dahil si Ate Mikaela lang ang mahal nya" sagot nito at saka nagdadabog na iniwan ako sa sala.
"Charlene hija handa na ang lunch kaka----" natigilan si Mama nang makita na ako at di si Charlene ang nabungaran nya sa salas.
Agad na tumayo ako at nilapitan ito saka humalik sa pisngi nito.
"Ma...kamusta po" bati ko dito.
"Mabuti naman anung atin at naparito ka?" Matabang ang tinig nito.
"Binibisita ko lamang po ka----"
"Mam!!!" Kapwa kami napalingon sa sigaw ng Yaya ni Princess.
Agad na pinuntahan namin ito at nagulat pa kami nang makita na buhat na buhat nito ang nangingitim na si Princess.
"Mam si Princess po!!" Naiiyak na wika nang Yaya nito.
"Anung nangyari Yaya!" Nagagahol na agad na kinuha ni Mama si Princess.
"Mam di ko po alam kumakain lamang po kami ng tsokolate na dala po nya" turo nito sa akin.
"Tapos po ang alaga ko nahirapan na pong huminga!" Naiiyak na dagdag nito.Agad na kinabahan ako dahil mukhang ako na naman ang mapapasama sa pamilya ni Jasper pati na mismo ang Asawa ko...
"How dare you Woman!" Nanglilisik ang mga mata na binalingan ako ni Mama.
"Mama di ko po al----agh!!" Napapikit ako sa sakit nang lumagapak sa pisngi ang palad nito.
"Pag may masamang nangyari sa Apo ko mananagot ka sa akin!" Sigaw nito. "Yaya tawagin mo ang Driver bilisan mo!" Utos nito dito na agad naman na tumalima.
"Mama..." tinangka ko na lapitan ito pero malakas na tinulak ako nito.
"Don't touch me! Ipagdasal mo na lang na walang masamang mangyari sa Apo ko kundi maisusumpa kita" puno nang galit ang mga mata nito.
Ilang sandali pa ay dumating na ang driver at agad na nilang pinasok si Princess sa kotse at iniwan akong mag isa......
God....please save Princess...please... please ..... naiiyak na piping pakiusap ko sa panginoon.......
