Chapter 22

15.3K 303 2
                                        

Four years later......

"Daddy!" Sabik na sigaw nang isang batang lalaki na medyo chubby na may apat na taon na ang gulang sa Ama nito na nakaupo sa may unahan bahagi na upuan sa harap nang stage.

Ngumiti nang maluwang ang Ama nito at saka kinawayan ito.

"Percy tama na yan halika na magsisimula na yung program sabi nang teacher" wika nang kaklase ni Percy sabay hila dito.

Ngumuso si Percy dito pero di naman na ito umangal pa,
Pumunta sila sa gilid nang stage at sinuot na ang mga costume nila.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang programa para sa mga parents at mga students sa Preschool na yun.

Nang tumuntong na sina Percy at mga kaklase nito para sa kanilang stage play muling tumawa si Percy at kinawayan ang Ama.

"Mr. Pascua napaka energetic naman nang unico hijo mo" natutuwang puna nang isang Ginang kay Jasper na isang maluwang na pagngiti at tango ang naging sagot pagkaraan ay muling bumaling ang paningin nito sa may stage kung saan nandun na ang anak nito at kumakanta.

Lumiban pa talaga sya sa trabaho nya at ipina rescheduled lahat nang mga appointment nya ngayon sa sekretarya nya para makapunta sa play nang Baby Percy nya....

Looking at his Son.....

The Joy in his heart cannot contain how much proud he is of his Son...

Percy is his Pride and Joy....

At gagawin nya ang lahat para ibigay sa Anak nya lahat lahat nang gusto nito....

"Dad nagustuhan nyo po ba yun play?" Excited na tanong ni Percy sa Ama nito nang matapos na yun play.

"Hmmm....." hinimas nito ang baba at tila di malaman kung papaano sasagutin ang Anak.

"Daddy!" Angal ni Percy sa Ama at hinawakan pa ang braso nang Ama.

Ngumisi naman si Jasper sa Anak at kinarga na ang Anak.

"Ang anak ko pa ang galing galing kaya nang Baby Percy ko" natatawang sagot ni Jasper sa Anak.

Humagikhik naman si Percy at ipinalupot sa leeg nang Ama ang dalawang munting mga braso nito.

"Daddy gutom na po ako gusto ko nang burger saka frenchfries saka sundae saka----"

"Kaya ka mas lalong lumulusog eh ang bilis mong magutom" tukso ni Jasper sa Anak.

Ngumuso ito at nilapirot ang mukha ni Jasper.

"Di po ako mataba Daddy Chubby lang ako at dahil anak nyo po ako tungkulin nyo po na pakainin nyo na ako kasi nagugutom na po ako kaya magsimula ka nang maglakad po para makaalis na po tayo dito at makakain na po ako please" litanya nito kay Jasper saka nagbeautiful eyes pa sa Ama.

Naiiling at Amuse na sinunod ni Jasper ang Anak nito at nagsimula nang maglakad papaalis sa Preschool.

--------------

"Themarie....." napalingon ako sa Tita Dorothy ko na hawak hawak ang box na kinalalagyan nang Abo ni Pricilla ang Mama ni Themarie.

Pagkatapos ng apat na taon na pakikipaglaban sa sakit na breast cancer ay binawian din ito nang buhay last week.

"Tita Dorothy....." muling napasigok ako at nagsisimula na naman tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Parang wala nang katapusan ang pag iyak ko kahit na balde baldeng luha na yata ang naiyak ko madami pa din na nakadeposito sa mga mata ko na luha.

Naiiyak na din si Dorothy sa pamangkin at niyakap ito.

"That's enough Themarie alam ko kung nasaan man si Pricilla ngayon, I'm sure masaya na sya dahil magkasama na sila nang Ama mo" wika nito kay Themarie.

"Alam ko po yun Tita Dorothy pero kasi ang sakit sakit lang po kasi kahit na alam ko na po na dadating din po ang oras na mapapagod si Mama na makipaglaban sa sakit nya at Iiwan ako para sumama na kay Papa sa kabilang buhay masakit po dito sa puso ko ang sakit sakit na parang di ako makahinga" humihikbing sagot ko dito.

"Themarie...." nahimas na lang nito ang likod ni Themarie.

"Mag isa na lang po ako Tita Dorothy iniwan na po nang mga magulang ko"

"Themarie wag kang mag isip na mag isa ka na lang nandito ako at ang Tito Jacob.....at saka ang Asawa mo" natigilan ako sa sinabi ni Tita Dorothy.

Asawa ko.....

"Tita Dorothy....." tumingin ako kay Tita Dorothy.

Ngumiti ito at saka tumango sa akin pagkatapos ay hinaplos ni Tita Dorothy ang pisngi ko.

"It's about time Hija na bumalik ka na sa Pilipinas....sa piling nang Asawa mo" sabi nito sa akin.

Ako babalik......sa Pilipinas....

Sa Asawa ko.....napalunok ako at napasapo ako sa dibdib ko pagkat biglang naramdaman ko ang malakas na pagkabog nito sa pag alala ko sa di ko natatandaan na lalaking pinakasalan ko.

Jasper Pascua......

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon