Tunog ng cellphone tanda na may tumatawag kaya naman pikit pa din ang mata na kinapa ko ang kinaroroonan nito na nasa sidetable lamang.
"Hello who's this?" Agad na tanong ko at dinampot ang alarm clock.
Shit two pa lamang pala!
"J--jasper hijo ako to ang Mama mo" humihikbing sabi nito.
Nawala agad ang antok ko pagkadinig sa garalgal na boses ng Nanay ko.
"Ma what happen? May nangyari ba kay Papa?" Napatayo na ako sa kama at napakunot noo ako nang mapansin ko na wala sa kinahihigaan na pwesto nito ang Asawa ko.
Nasan kaya yun?
"Wala naman masamang nangyari sa Papa mo.....pero ang anak mo kasi!" Napaiyak ulit ito.
"Kay Princess Ma why is she alright?" kinakabahang tanong ko dito.
"Nawawala ang anak mo Jasper!" anito.
Nanlaki agad ang mga mata ko pagkasabi nito.
"Why Mama paano nangyari yun! Panung nangyaring nawawala Ma!"
"Anak kasi nun pumunta sa kwarto nya ang Yaya ni Princess para I check ito nakabukas na ang pinto kaya pumasok na ito tapos yun na nga!" Umiyak ulit ito ng ubod nang lakas iyong tipong mababasag ang eardrum mo.
Kung sa ibang pagkakataon tatakpan ko ang mga tenga ko at patitigilin ito sa pag atungal pero di yun pwede ngayon.
"Ma hold on please, pupunta na ako d'yan wait lang Mama...please calm down" wika ko dito at saka pumunta na sa cabinet at basta na lang dumampot nang pantalon at Tshirt.
"Jasper please pakidalian" boses na ni Papa ang nadinig ko.
Marahil ay inagaw na ni Papa kay Mama ang telepono.
"Okay po Papa nagreport na kayo sa mga pulis na nawawala si Princess" tanong ko dito habang nagsusuot nang pantalon.
"Yes Anak, katunayan nandito na sila at tsine tseck ang Footage ng CCTV natin" sagot ni Papa.
Inipit ko sa balikat at tenga ko ang cellphone para maisara ko ang zipper nang pantalon ko.
"Okay po Papa nandyan na ako" pinatay ko na ang cellphone at saka naghubad ng sando at pinalitan ito ng T shirt.
Nasan na kaya si Themarie? Pumunta ako sa bathroom sa pag aakalang nandun ito pero wala ito dun.
Magpapaalam lamang sana ako.
Kaya bumaba na lang ako at nilock ang pinto nang makalabas na ako ng pintuan saka ko napansin na wala ang sasakyan nang Mama ni Themarie sa garahe.
Nagtataka man pero inignora ko na lamang yun dahil kailangan na agad ay makapunta na ako sa bahay ng mga magulang ko.
---------
Pasakay na ako sa Kotse ko after na maisara ko ang gate nang may mga dumating na car mobile ng mga pulis at bumaba ang mga ito.
"Mr. Pascua?" Tanong ng isa sa mga ito sa akin ng makababa na sila.
Bigla kinutuban ako na may di magandang nangyari.
"Yes ako nga yun may kailangan kayo?" Tanong ko sa mga ito.
"Sir may nangyari po kasing banggaan sa may intersection papunta sa may malapit na sa Pasay, ang plaka po ng naaksidenteng sasakyan ay AKA 340" dagling dumagundong ang dibdib ko sa sobrang kaba.
