"Mama!Papa!" Masigla ang tinig ko na tawag ko sa mga magulang ko nang makapasok ako bahay namin kahit pa patang patang ang pakiramdam ko kasi naman parang pakiramdam ko isang taon yata akong di naglakad.
Ang sakit at ang bigat nang katawan ko habang naglalakad papalabas ng Hospital tapos tatawag na sana ako nang taxi pero wala naman akong kapera pera good thing natatandaan ko na malapit na lamang ang Hospital sa subdivision namin kaya naman nilakad ko na lamang kaya naman pakiramdam ko kahit malapit lamang ang nilakad ko ay pakiramdam ko ay nag marathon ako nang 24k sa pagod na nadadama ko ngayon at ang tanging gusto ko lamang pagka uwi ko ay mahiga sa malambot na kama ko....
"Mama! Papa! I'm here na po" muli ay tawag ko sa mga magulang ko.
Nasan na kaya ang mga Mama?
It's so strange?
So quiet that it feels not right....
Katok ako nang katok sa may gate wala namang guard na nagbubukas wala din si Manang buti na lang kabisado ko pa ang gawain ko nang maliit pa ako na
Itago yung keys ko sa may gilid nang potterie dun sa may gate kaya ako nakapasok......Pero muli ay nagkibit balikat ako at tumuloy sa may garden bakasakali na nandun ang mga magulang ko.
"Mama!" Ganun na lang ang pagkasaya ko pagkakita sa Mama ko na nakatayo sa may garden.
Tila nagulat ang Mama ko nang makita ako.
"Oh my God! Themarie ikaw ba yan darling?" Napapasinghap na tinakbo ni Mama ang distansiya sa pagitan namin at sa pagtataka ko ay niyakap nya ako nang mahigpit.
"Mama namiss mo ako?" Biro ko kay Mama pero bumunghalit ito nang iyak sa pagkagulat ko kaya naman agad na inalo ko ito.
"Mama hush please stop crying I'm here na po saka nasaan po ang Papa?" Takang tanong ko dito.
Eto naman ang nagtatakang napatingin sa akin.
"Themarie nakalimutan mo na ba namatay na ang Daddy mo almost eleven months na" sabi ni Mama sa akin.
Agad na napaiyak ako at di makapaniwala sa sinabi ni Mama.
"That's next to imposible Mama joke ba yan kasi kasama pa natin ang Papa kahapon binigyan pa nga nya ako nang Gifts para sa pagpapaint ko saka eto ang Araw nang Alis ko papuntang Paris" tumatawang sabi ko dito.
Ayaw tanggapin nang utak at puso ko na wala na ang Papa....
Di ko matanggap lalo't di ko maalala ang sinasabi ni Mama...
Kumunot ang noo ni Mama at matiim na pinagmasdan ako.....
"Tell me hija anung huling natatandaan mo?" Tanong ni Mama sa akin.
Sinabi ko ang naaalala ko kay Mama....
"Wait let me think again hija" umupo ang Mama sa may upuan at nilimi lahat nang sinabi ko.
"So....you said na papunta kang Paris this day right?" Paniniyak ni Mama kaya naman agad Tumango na ako kay Mama.
"At dun ka kamo mag aaral tama?" Muli ay tumango ako kay Mama."Themarie anak that was Six years ago pa Anak, Twenty four ka na ngayon at madami nang nangyari sa span nang time na di mo naaalala pumunta ka sa Paris but two years ka pa lang dun ay napauwi na ikaw ulit dito sa Pilipinas dahil inatake ang Papa mo nastroke ang kalahati nang katawan nya at na depress ako tapos nawala pa sa atin ang lahat nang kayamanan natin at saka para makaahon tayo ay naghanap ka nang lalaking aahon sa atin nagpakasal kayo kahit na pinikot mo sya and for three years nagsama kayo pero di kayo nagkaanak kasi may diperensiya ka at di mo sya mabibigyan nang Anak at sakto nagka anak pala sila nang ex girlfriend nya at......." huminga ito nang malalim at ngumiti sa akin saka niyakap ako nang mahigpit.
Di ko alam pero naiiyak ako sa mga sinasabi ni Mama kasi ang dibdib ko ang bigat bigat at ang sakit sakit....
"Mama please tama na if di mo na kaya tama na may iba pa namang araw ang mahalaga nandito tayong dalawa and even if wala na ang Papa nandito lang ako Mama para samahan ka afterall ikaw na lamang pala ang meron ako" umiiyak na sabi ko dito.
"At ang Asawa mo Anak" ngumiti ito at nagsisimula na naman ulit na umiyak. "Salamat naman Anak at nagising ka na nang maaksidente ka at ma coma ay may mahalagang bagay akong dapat gawin kaya naman pumunta ako nang America at saka nandyan naman ang Asawa mo at alam ko na di ka nya papabayaan...look at you lalo kang gumanda" hinaplos nito ang pisngi ko.
Napapikit ako at dinama ang palad ni Mama sa mukha ko.
"Mama I love you....."
"And me also Anak" muli ay niyakap ako ni Mama.
"Sumama ka na sa akin hija sa Amerika at Iwanan mo ang lahat gaya nang orihinal na plano natin Anak" pakiusap nito sa akin.
"Pero Mama yun Asawa ko po na binabanggit nyo po.... Pano po sya?" Nagtatakang tanong ko dito.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at matiim na tinitigan ako.
"Umuwi ako dito Themarie para kamustahin ka kung nagising ka na ba at maayos ka na ba kasi Anak..." hinawakan nito ang dalawang palad ko at tumingin ulit sa akin. "K--kasi ang Mama mo a--ako ay na diagnosed na may breast cancer at stage three na Anak kaya naman if di ka pa gising ay babalik na agad ako sa Ameria sa mga Tita Dorothy mo" tukoy nito sa Pinsan ni Mama.
"Mama...." naiiyak na napailing ako dito di ko matanggap dahil di pa nagsisink in sa utak ko na nakalimutan ko ang anim na taon na nagdaan namatay ang Papa ko tapos may Asawa pala ako at tapos eto at may malubhang sakit ang Mama ko.
"Kaya naman Themarie anak gusto ko na makasama ka kahit sa huling san----"
"No Mama mabubuhay ka pa nang matagal at saka nandito ako Mama di kita Iiwan sasamahan kita" umiiyak na niyakap ko ang Mama ko.
"Salamat Anak at mabuti't nandito ka na at kasama ko" nagpunas ito nang luha sa mga mata at ngumiti na ito sa akin.
"Opo Mama basta sasama ako sa inyo po Ma at di kita Iiwan mas kailangan po natin ang Isa't isa ngayon" muling niyakap ko ang Mama ko.
"Thank you Anak" ginantihan din nito nang yakap ako......
Tama mas importante ang Mama ko kaysa sa Asawa na sinasabi ni Mama na di ko naman matandaan....
