Chapter 13

15K 317 11
                                    

Halos ilang beses na napanawan nang ulirat ang Mama ko habang ibinaba sa lupa ang kabaong ni Princess kahit sina Papa at Charlene din na nakaalalay sa Mama ko ay umaagos din ang mga luha.

Pero ni isang luha wala man lang tumulo sa mga mata ko.

Hanggang tuluyan na itong maibaon at sinimulan nang ayusin ng mga sepulterero ang Libingan nito at magsialisan na ang lahat nang dumalo sa libing ay ni isang gapatak na luha ay naging madamot ang mga mata ko.

"Dapat pagbayaran nang Asawa mo ang pagkamatay nang Apo Jasper!" Ani Mama sa akin.

Pormal ang mukha na humarap ako dito.

"Why Mama may kasalanan ba si Themarie sa nangyari sa Anak ko?" tanong ko dito at isang malutong na sampal ang ibinigay nito sa akin.

"Mama!" Awat dito ni Charlene.

"Kasalanan ng Asawa mo kung bakit nangyari na nawala ang Apo ko! How dare you para itanong sa akin ang ganyang ka obvious na bagay! Kundi nagtangkang umalis ang Asawa mo hindi tatakas ang Anak mo hindi sya sasakay sa kotse mo para makauwi sa bahay nyo di din sya pupunta sa sasakyan nang Asawa mo para hintayin na sumakay dun ang Asawa mo!" Sigaw ni Mama sa mukha ko habang awat naman ito nina Papa at Charlene.

"Di ba Mama mas kasalanan natin dahil naging pabaya tayo di natin nabantayan nang mabuti si Princess wag nyong Isisi lahat kay Themarie Mama" sagot ko dito pero muli ay nasampal ako nito.

"How dare you para sabihin sa akin yan! Anak lang kita!" Nanggagalaiting sigaw ni Mama sa mukha ko.

"Ma please calm down! Kuya Jasper stop upseting Mama please naman" pakiusap ni Charlene sa akin.

"Tama ang kapatid mo hijo makakabuti na umuwi na muna tayo at nakakahiya sa mga tao na nandirito pakiusap" pakli naman ni Papa.

"Yes aalis pa ako.....kailangan ako nang Asawa ko" akmang tatalikod ako nang may humalbot sa polong suot ko at nang humarap ako ay isa uling kamay ang sumampal sa akin.

"Ate Mikaela!" Napapasinghap na bulalas ni Charlene sa babaeng sumampal sa akin.

Blangko ang mukha na hinaplos ko ang pisngi ko na sinampal ni Mikaela.

"Anak natin ang namatay how dare you para mas intindihin pa ang letseng Asawa mo na dahilan nang kamatayan nang Anak natin Jasper!" Galit na galit na sita ni Mikaela sa akin.

Di ko napansin na nandito pala si Mikaela at pati na ang mapapangasawa nito na si David....

Pero manhid talaga ang pakiramdam ko dahil ang tanging gusto ko lamang ay umalis at lumayo sa lugar na ito at makita ang Asawa ko na walang malay pa din sa hospital.....

"I have to go....." sagot ko sa kanila at walang sabi sabing tinalikuran ko silang lahat.

Pero muli ay may humalbot uli sa damit ko at pagharap ko kamao na nang lalaking kinamumuhian ang lumapat sa mukha ko.

Napatumba ako sa lupa.

"How dare you para di mo man lang maisip na namatay ang Anak mo at magluksa kahit peke kahit pakitang tao man lamang lalaki ka bang talaga ha?" Sigaw nito sa akin.

Napapailing at nakangisi na pinahid ko ang dugo sa gilid nang labi ko at saka mabilis na tumayo ako at inundayan ito nang suntok sa sikmura.

"Jasper awat na pakiusap! David!" Tili ni Mikaela at dinaluhan ang namimilipit sa sakit na si David.

Kahit sina Papa at Mama pati na si Charlene ay tila nabigla din sa mga nangyayari sa paligid....

"Lalaki ako David may paninindigan ako di ako magnanakaw, di ako mang aagaw, di ako isang tao na walang utang na loob na pinakain ka na nang daliri gusto mo pang kunin pati na ang buong braso nito......di ako katulad mo matanong nga kita ikaw ba pumunta o nakiramay kahit magpadala man lang ng bulaklak sa lalaking nagmahal at nagpalaki sa iyo nag alaga nang mamatay ang mga magulang mo ibinigay sa iyo ang lahat pero sa bandang huli iniwan mo sila sa ere at di ka pa nakuntento kinuha mo ang lahat nang yaman nila" nakangising sabi ko dito.

Namutla ang mukha nilang pareho ni Mikaela at ang pamilya ko naman ay lumarawan ang pagtataka sa mga mukha ....

"I don't know what are you talking about" kaila nito.

"Tumanggi ka man o hindi alam mo sa sarili mo na tama ako" sagot ko dito.

"Jasper please pakiusap tama na wag naman dito sa harap nang libingan nang anak natin ito gawin" pakiusap ni Mikaela at humawak pa sa braso ko pero mabilis na umiwas ako dito.

"Kayo ang nagsimula nang lahat nang ito....mahal nang Asawa ko ang Anak ko ganun din ang Anak ko sa Asawa ko at kung nabubuhay si Princess alam ko na pupunta at pupunta sya kay Themarie kaya yun ang gagawin ko kailangan ako nang Asawa ko....pati na nang......." napailing ako sa kanila at walang sabi sabing tinalikuran ko silang lahat

"Jasper Anak san ka pupunta!"sigaw ni Mama pero di ko na ito sinagot pa at mabilis na pumunta sa sasakyan ko at pinaandar na agad iyon.

"Themarie need me and my baby" sigaw nang utak at puso ko at saka pinahaharurot na ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.......

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon