"Themarie!!!" Nagulat ako sa sigaw ni Jasper mula sa living room.
"Aw shit!" daing ko nang masanggi ang paa ko sa paanan nang tokador malapit sa pinto.
Naiiyak na napaluhod ako at tinignan ang nasangging pinky toe ko.
"Themarie ano ba?!!" Muli ay sigaw nang Asawa ko.
"Wait lang nandyan na" sagot ko dito at mabibilis ang mga lakad na bumaba ako para puntahan ito.
"Jasper"
Madilim ang mukha na hinarap ako nito.
Agad na kinabahan ako sa di maipintang mukha ni Jasper.
Ngumiti ako dito at lumapit pa lalo dito.
"What the hell is the meaning of these?" Madiin ang boses na tanong nito sabay pakita ng mga bills ng credit card.
Muli ay kinabahan agad ako sa klase nang tanong nito.
Magkagayon pa man ay pinilit ko na magkunwaring masigla.
"Ah yan ba? Naisip ko kasi na di ba malapit na ang 25th anniversary nina Mama at Papa" tukoy ko sa mga magulang ni Jasper.
"Kaya naisip ko na regaluhan sila ng asian cruize trip you know at saka nga pala si Charlene" tukoy ko naman sa nakakabatang kapatid nito.
"Ibinili ko nang watch na----""At credit card ko ang ginamit mo!" Sigaw nito.
Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko para di ako maiyak.
Tatlong taon na kaming kasal pero di pa din ako sanay sa pagtrato nya sa akin....
Granted he never hit me...
Pero mas masakit pa din ang paraan nang pakikitungo nito sa akin....
Masakit sa kalooban....Sa Puso.....Sa Katawan...
Ang isipin na di ka mahal nang Asawa mo....
"Jasper kasi----"
"Enough! Starting today inaalisan na kita nang karapatan sa pera nang Pamilya ko....God Themarie wala ka na ngang silbi dahil di mo ako mabigyan nang Anak dahil baog ka! Masyado ka pang maluho! Nakikinita ko na di magtatagal ay mauubos mo na ang pera ko!" Napapikit at napayuko ako sa masasakit na sinabi nito.
Di ako makapiyok...
Ni makatanggi man lang......totoo kasi lahat ng mga sinabi nito.
"Jasper...." napangisi ito at lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko para magkatitigan kami.
"Bakit pa ba ako
magtataka.....pinikot mo ako at nang pamilya mo di ba?
para masiguro na di kayo maghihirap na mag anak" nanunuyang sabi pa nito.Sa halip na umiyak ako sa mga masasakit na sinabi nito ay hinawakan ko ng mga palad ko ang mukha nito at saka tumingkayad para magpantay ang mga mukha namin.
"Jasper please don't do it....alam mo naman na di ko kayang mabuhay na walang pera o kaya credit card para makapag shopping ako at mabili ko lahat nang gusto ko kasi kahit anung hiling ko sa yo kahit isang bouquet ng daisies di mo ako maregaluhan tapos aalisan mo pa ako ng access sa account natin please wag naman Jasper" malambing ang boses na ginamit ko dito saka idinampi ko ang labi ko sa labi nito.
"Themarie ano ba!" Naiinis na kumawala ito sa akin at itinulak ako.
Dahil sa pagkabigla ay natumba ako sa malambot na carpet.
Kumibit kibot ang labi ko at naramdaman ko na mahapdi ang mga mata ko.
Pero mabilis na inayos ko ang mukha ko.
"Jasper masyado ka namang harsh" malanding sabi ko dito at nagtangka nang tumayo.
Lihim na napaigik ako sa sakit na sumigid sa kanang paa ko...
Marahil ay naipitan ako nang ugat doon.
Nabunggo na nga kanina yun pinky toe ko naipitan pa nang ugat....
"Themarie stop it! You know na di mo ako madadaan sa mga paglalandi mo na yan!" Mataas pa din ang boses ni Jasper na tinalikuran ako at umalis na nang bahay at ilang sandali pa ay nadinig ko lamang na umarangkada na ang sasakyan ni Jasper ....
As if may iba pang sasakyan dito...
Ang damot at kunat yata nun mahal kong Asawa.
Nakakainis....Di man lang nag goodbye
kiss sa akin ang mahal ko....Di man lang nagpaalam.....
Napapapikit sa sakit na nagpilit ako tumayo pagkaraan ay paika ikang naglakad ako papalapit sa couch at saka dahan dahan na umupo.
Nang makaupo na ako ay ipinatong ko ang paa sa side table para mabistahan ang masakit na paa ko.
"Manang Dolor!" Tawag ko sa kasambahay namin na agad naman na lumapit.
" Themarie hija bakit " tanong nito.
"Pakihilot naman po yun paa ko naipitan po yata nang ugat" malambing na utos ko dito saka pinakita ang nagsisimula nang mamaga kong paa.
Tinignan nito ang paa ko.
"Sandali lang po Anak at kukuha lamang po ako ng baby oil" paalam nito.
"Sige po Manang Dolor pakibilisan po ah ang sakit po kasi talaga" nakangiti man ako ay di naman ito umabot sa mga mata ko.
Natigilan ito pagkaraan ay naiiling na nayakap na lamang ako.
"Manang Dolor?"
"Themarie anak iiyak mo na lamang yan sakit na nadarama mo para mabawas bawasan yan sakit na nararamdaman mo" sabi nito.
"M--manang talaga" natatawang nagsimula nang gumaralgal ang boses ko at mamalibis na ang masaganang luha sa mga mata ko.
"Sige anak iiyak mo lang yan para gumaan gaan ang kalooban mo" anito at hinimas himas ang balikat ko.
Napapikit ako at lumuluhang napatango dito saka napayakap na lamang kay Manang Dolor....
