Chapter 9

13.2K 285 4
                                    

'Themarie...." tawag ni Jasper sa akin habang hawak hawak ang anak nito sa kanang palad.

"Jasper..." kumikibot ang labi ko sa pagpipigil ko na muli ay mapaiyak.

Masaya ako at sa wakas dumating na din ito....
Akala ko talaga di na ito makikiramay sa amin lalo't nasa hospital ang Anak nito...

Yumakap ako dito at humalik sa pisngi nito saka lumuhod para mayakap ko si Princess.

"Mama...wag ka nang iyak plhease" mapait akong napangiti saka napapikit dahil hinawakan nang munting kamay nito ang mukha ko.

"Thank you....ahm...maupo na muna kayo" anyaya ko sa dalawa.

Umupo naman agad si Jasper pero si Princess ay humawak sa slacks na suot ko kaya naman binuhat ko na ito para maipakilala sa Mama ko.

"Ma..." tawag ko sa Mama ko na nakatingin pa din sa kabaong ni Papa.

Lumingon ito at pansin ko na magang maga na ang mga mata nito,
Tanda na katatapos lamang nitong umiyak isa pa dalawang araw na singkad na wala pa itong tulog.

Kahit ako din naman pero mas nag aalala ako kay Mama baka kasi magbreak down na naman ito uli...

Na di pa naman nangyayari kaya laking pasalamat ko sa diyos.

"Ma si Princess po anak ni--namin ni Jasper, and Princess sya ang Lola Pricilla mo" ngumiti ako sa bata at tinignan ang reaksiyon nito...
Kung iiyak ba ito dahil sa pagpapakilala ko pero mukhang okay naman dito dahil inilapit ni Princess ang mga munting palad nito sa Mama ko na nakapagpangiti kay Mama...

For the first time after two days since my Father died.

"Lola?" Nagtatanong ang mga mata ni Princess na tanong dito at nakangiti pa din na tumango si Mama dito at kinuha ang bata sa akin at kinarga nito at saka pinagmasdan nang mabuti...

"Napakacute naman nang Apo ko" anito at saka pinugpog nang halik si Princess na humagikhik nang mahina.

"Mama..." tawag ni Jasper dito na nasa likod na namin pala.

"Ikaw pala Jasper" ani Mama saka nakipagbeso beso kay Jasper.

"Papadating na po dito ang mga magulang at kapatid ko para po makiramay natraffic lamang po sila" anito.

"Salamat hijo...pasensiya ka na pero pwede bang ikaw na muna ang mag asikaso sa mga dadating pa para makiramay" pakiusap ni Mama ditog "Magpapasama lamang ako sa Anak ko para makapagpalit ako nang damit dahil kahapon pa itong mga suot namin"

"Opo Mama take your time" agad namang sagot ni Jasper.

Ngumiti dito si Mama saka bumaling sa akin.

"Salamat hijo, halika muna Themarie sa kwarto" anito at agad na inalalayan ko ang Mama ko papunta sa ikalawang palapag nang bahay.

"Themarie...." tawag nito sa akin habang paakyat kami sa hagdanang

"Bakit po Mama?" Tanong ko dito.

"Kung di ko lang alam na may diperensiya ka at di naman nagbuntis kahit minsan sa tatlong taon na kasal kayo nang Asawa mo....Iisipin ko na anak mo yun si Princess" sabi ni Mama na kinatigil ko.

"Ma naman panu naman nasagi sa isip nyo yan?" Nakangiti kong tanong dito saka binuksan na ang pinto nang kwarto nito.

Nauna nang pumasok ito saka sumunod na ako dito.

"Para kasi kayong pinagbiyak na bunga eh....ganung ganun ang itsura mo nun bata ka pa...kamukhang kamukha mo ang Papa mo eh" sagot nito at muli ay napasigok na naman ito pagkaalala sa Papa ko.

"Ma tahan na..."napapaiyak na inalo ko agad ito.

"I can't help it hija...Mahal na Mahal ko si Freddie" tukoy nito sa Papa ko.

"Alam ko Ma....alam ko" sabi ko dito at tuluyan na muli itong napahagulhol sa balikat ko.

"Ma...." tawag ko kay Mama nang humupa na ang pag iyak nito.

"Bakit Anak....?" Tanong nito habang namimili nang isusuot.

"Ma after nang forty days ni Papa.....gusto nyo po bang sumama sa akin sa Paris?" Tanong ko dito.

Gulat na napaharap ito sa akin.

"Why? Alam na ba ito nang Asawa mo...I mean na magbabakasyon ka sa Paris at balak mo pang isama ako?" tanong nito.

Malungkot na Umiling ako dito.

"Ma....It's for good na ang pananatili ko sa Paris....balak ko nang Ipa annull ang kasal ko kay Jasper at palayain na sya..." napayuko ako saka mariin na napapikit dahil sa kirot na nadama ko sa dibdik ko dahil sa desisyon ko na Iwan na si Jasper.

"Themarie....." napaupo na si Mama sa kama at hinawakan ang palad ko.

"Ma...kasi may anak pala silang dalawa....Di naman nya ako mahal... At s--saka Ma ramdam ko na hanggang ngayon mahal pa din nya ang Ex nya....At saka ayaw sa akin nang pamilya nya...nakakapagod na din Ma" napangiti ako nang mapait at saka nagsimula nang pumatak ang masaganang luha sa mga mata ko.
"Sila naman na dalawa di ba sa simula't simula pa lang...umeksena lang naman ako kaya nagulo silang lahat eh....at ngayon na wala na ang Papa" napakapit ako sa braso nito.
"Wala nang dahilan Ma na maiwan ka dito...Mama sumama ka na please sa akin at magsimula tayo uli sa Paris" pakiusap ko dito.

"Hay ang Anak ko" naaawang nayakap na lamang ako ni Mama.

"Ma...?"

"Of course Anak ikaw na lang ang mayroon ako kaya sasama ako sa iyo sa Paris" sagot nito at niyakap ako nito nang mahigpit.

"Thank you Mama" naiiyak na napasubsob na lamang ako sa balikat nito.

"Hush... tama na yan" inangat nito ang nakasubsob kong mukha sa balikat nito.
"Hayan namaga na naman ang mapupungay na mata ng Baby ko" anito saka pinunasan ang mga luhang namamalibis sa pisngi ko.
"Ang ganda ganda nang Prinsesa ko tapos iiyak lang" napatawa ako sa sinabi nito.

"Thank you po uli Mama"ngumiti ito saka inayos ang buhok ko.

"Bumalik na tayo sa ibaba at baka madami nang dumating para makiramay sa Papa mo" anyaya nito at agad naman na tinanguan ko ito saka inayos ko na ang sarili ko at magkasa na kaming bumaba para bumalik sa lamay ni Papa.

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon