"Manang Dolor!" Natatarantang tawag ko dito habang hawak hawak si Baby Percy.
"Oh Jasper bakit ka sumisigaw?" Nagtatakang tanong ni Manang Dolor sa akin.
"Manang kayo muna ang bahala kay Baby Percy pupuntahan ko lamang si Themarie" pakiusap ko dito sabay lagay ko sa mga bisig nito nang Baby Percy ko.
Katatapos lamang na babaan ako nang telepono ni Themarie.
Ayaw niyang umuwi,
Sa bahay naming dalawa,
Sa Akin...
Sa Amin nang Anak nya...
At di ko yun mapapayagan na gawin nya...
Dapat kung nasan ako nandun din sya....
Asawa ko sya at kung kailangan sya nang Mama nya mas kailangan din namin sya ni Baby Percy.....
At sa ayaw at gusto nya ay iuuwi ko sa sa Bahay namin......
"Ha? Teka alam mo na kung nasaan si Themarie?" Natutuwang tanong nito.
Tumango ako dito bilang tugon.
"Opo kaya po sana kayo na po muna ang bahala sa Anak ko" nagmamadaling sagot ko dito at patakbo kong kinuha ang susi nang sasakyan ko at sumakay na agad dito at mabilis na pinasibad ko ito papalabas nang garahe para agad na mapuntahan ko ang Asawa ko.
---------------------------
"Themarie?!" Sigaw ko sabay kalampag ng gate nang bahay nina Themarie.
May kalahating oras na ako dito sa harapan nang bahay nila Themarie at masakit na ang mga palad ko kaka buzzer at kakakalampag nang gate pero wala man lang lumalapit sa akin.
Naiiritang nasipa ko ang gate at napangiwi ako sa sakit kaya naman nagpatalon talon ako hawak hawak ang pinangsipa kong paa at dahil ininda ko talaga ang sakit ay di ko napansin na may tila malaking kawa na may tanim na tila cactus pala sa may gilid nang gate at presto nawalan ako nang balanse at nagpagulong gulong papunta sa may carabao grass.
Napapangiwi sa sakit nang paa ko at pati na dibdib ko saka beywang na tumama sa may kawa na nagpilit ako na tumayo.
"Naku Sir okay lang po kayo?"
Naramdaman ko na tila may tumulong sa akin para makatayo ako at nang nilingon ko ito para magpasalamat ay gayon na lamang ang galak ko nang mapagsino ito.
"Mang Boy!" Tawag ko sa pangalan nang hardinero nina Themarie.
"Ay kayo pala yan Sir Jasper" sagot nito nang mapagsino ako.
"Mabuti't nakita ko kayo kanina pa ako katok nang katok sa may gate wala namang sumasagot" agad na sabi ko dito.
"Ay pasensiya na po Sir Jasper pumunta po kasi ako sa palengke para bumili nitong tilapia" sagot nito sabay turo nang dala dalang supot na may lamang isda.
"Nevermind Mang Boy nandyan po ba sina Mama at Themarie?" Agad na tanong ko dito.
Nagkamot ito nang ulo saka umiling sa akin.
"Pasensiya po Sir Jasper wala na po sila dyan eh umalis na po sila" sagot nito.
"Anung oras sila babalik?"
"Eh. .....Sir Jasper di nyo po ba alam na papunta na po sila nang Tate at mukhang dun na po ata sila at di na uuwi pa kasi naman po etong bahay ibinebenta na po Sir....." nagitla ako sa sinabi nito at di ko na nadinig pa ang iba pang paliwanag nito pagkat tumimo lang sa utak ko ang salitang umalis,at di na babalik pang muli....
Laglag ang balikat na napaupo ako sa damuhan sa pag aalala nito.....
"Naku Sir Jasper ayos lamang po ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Mang Boy sa akin pero umiling ako dito.
Pagkaraan ay napatawa nang ubod nang lakas habang nagsisimula nang tumulo ang luha sa dalawang mata ko.
Wala na si Themarie.....
Iniwan ka na nya Jasper.... kayo ni Baby Percy....
Lalong lumakas ang paghalakhak ko at napasapo ako nang mukha gamit ng dalawang palad ko para itago ang pag iyak ko.......
---------------
"Jasper Hijo tama na yan" naaawang awat sa akin ni Manang Dolor sa pag inom ko ng alak....
It's been a week since umalis sina Themarie at iwan kami nang Anak niya....
At isang linggo na din na puro alak ang hinaharap ko at di na ako nakakapasok sa trabaho ko pati na si Baby Percy di ko na din naaalagaan pulos si Manang Dolor ang nag aasikaso sa anak namin ni Themarie....
"Manang anu ka ba relax ka lang" nakangising tinapik tapik ko ang magkabilang balikat nito.
"Tatapusin ko lamang na inumin tong laman ng bote na ito tapos matutulog na din ako""Sigurado ka hijo?" Di naniniwalang sinipat ako nito nang tingin.
Tumawa ako nang pagak dito.
"Opo naman Manang Dolor ako pa" niliyad ko ang dibdib ko dito.
"Oh sige pagkatapos nyan matulog ka na ha" naiiling na tinalikuran na ako nito.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay pasuray suray na nagpunta ako sa nursery room ni Baby Percy at maingat na pinihit ang seradura nang pinto at saka dahan dahan na pumasok ako sa kwarto nang anak ko.
Agad na nakita ko si Baby Percy na mahimbing na natutulog na sa crib nito at mukhang maganda ang napapanaginipan nito pagkat napakaganda nang pagkakangiti nito.
Dahan dahan na Lumuhod ako sa Crib nito at nagsimula na ulit na mapaiyak.....
"I'm such a failure, Son nawala na nga ang Ate Princess mo iniwan pa tayo nang Mommy mo...." hinawakan ko ang munting palad nito at hinaplos ang maamong mukha nito.
"I'm sorry Son, I'm sorry I'm sorry, kasalanan ni Daddy lahat nang nangyayari sa akin ngayon pati tuloy ikaw nadadamay..... patawad.... pangako babawi ang Daddy anak para sa iyo gagawin ni Daddy para di muli na maging failure pa...."napasigok ako at muling hinpalos ang malambot na bumbunan nito pagkatapos ay di ko na napigilan na mapaiyak at saka napayukyok ako sa crib nito.
