"Jasper may pupuntahan ba kayo ng apo ko bukas?" Tanong ni Papa sa akin.
"Wala naman po Pa bakit?" Nagtatakang tanong ko dito.
Ngumiti ito at nangalumbaba.
"How about dun na kayo mag lunch ni Percy sa bahay... I'm sure matutuwa ang Mama mo pag nakita nya ang apo nya" ani Papa na ikinatigil ko.
Sa unang taon pa lamang na ipinanganak si Percy at nagkamalay tapos umalis si Themarie papunta sa America at kahit anong sikap ang gawin ko para malaman ang address ng kinaroronan nila dun ay bigo pa din ako kaya naman tinigilan ko na lang at inasikaso si Percy.
That time si Mama na mismo ang lumapit sa akin para humingi ng paumanhin sa lahat nang nagawa nyang kasalanan sa amin ni Themarie,
Kaya lamang ako bilang ako talaga na singtigas ng bato ang ulo at damdamin ay di ko makapa sa sarili ko na kaya ko na syang patawarin sa lahat nang nagawa nya,
Civil lang ang pakikitungo ko sa Mama ko,
Halos dun na nga ito maglagi sa bahay ko para lang pansinin ko,
Siya na din ang nag aalaga kay Percy katulong si Manang Dolor lalo na pag ginagabi ako nang uwi galing sa trabaho ko.
Dapat dun pa lang lumambot na ang puso ko sa Mama ko di ba?
Dapat dun pa lamang sa pagtyatyaga nya na amuin ako, alagaan ang apo nya,
Na anak namin ng babaeng ayaw nya nang buong puso,
Kahit papaano humulas kahit kaunti man lang ang nararamdam kong sakit sa puso ko para sa Inang nagluwal sa akin, minahal inalagaan ako at iningatan ako,Pero sadyang humanhid na ang puso ko wala na itong nararamdam para sa mga taong malapit sa akin dati,
Kay Mama...
Kay Papa....
Kay Charlene.....
At ang natira na lang ay ang umaapaw kong pagmamahal para sa Anak ko ....
Epekto kaya ito nang pag iwan sa akin ni Themarie....
Pag naiisip ko sya nahihirapan akong huminga,
Pakiramdam ko pa bumibigat ang katawan ko,
Ang mga paa ko parang gulaman na lumalambot at ang mga mata ko ay walang tigil sa pagpapalabas ng nakakaasar na mga maaalat na likido...."Jasper?" Napakurap ako nang madinig ko ang pagtawag ni Papa sa pangalan ko.
"Yes Papa" ngumiti ako nang tipid dito.
"Di mo pa sinasagot ang imbitasyon ko sa inyong mag ama" muling sabi nito.
Napahawak ako sa sentido ko at marahan na nahilot ito.
Just thinking of my runaway Themarie, make my head and heart hurt so much....
"Itatry ko po Papa, knowing Percy baka yayain ako nun na mag swimming, nahihilig kasi sya dun" sagot ko dito.
"Jasper...."
"Anyway Papa uuwi na pala ako at baka mag alburoto na naman si Percy pag di kami sabay na mag dinner" agad na paalam ko at saka mabilis na tumayo at kinuha ang briefcase ko at pumunta na sa bukas na pinto at lumabas na sa opisina ni Papa. "Goodbye Papa" di lumilingon na paalam ko dito.
-------------
"Daddy pasalubong!" Agad na ungot ni Percy pagkakita sa akin.
Ngumisi ako dito at sadyang iwinasiwas ang dala kong laruan sa kanya.
"Daddy!" Ngumuso si Percy sa akin saka humalukipkip at pumadyak pa.
Napatawa naman ako nang mahina sa pagtatramtrums nang unico hijo ko.
"Where is my hug little man?" Tanong ko dito at saka lumuhod ako sa harapan nito.
Lalong tumulis ang pagkakanguso nito pero mabilis na humakbang ito papalapit sa akin saka ako niyakap at hinalikan ako sa pisngi.
"You're home Dad" agad na kumalas din naman ito sa pagkakayakap nito at nakangisi na nang humarap sa akin.
"I do my obligation now where is my prize?" Anito na namaywang pa at iniumang ang chubby nyang palad sa akin.Ngumisi din ako lalo dito at ginulo ang buhok nito at saka mabilis na tumayo at tumakbo na papasok sa may sala.
"Daddy madaya ka!" Angal ni Percy sa akin at saka mabilis na sumunod sa akin.
Halakhak lang ang naging sagot ko.
Umupo na ako sa may sofa at si Percy naman ay umupo sa kandungan ko.
"Where's your Yaya Percy?" Nagtatakang tanong ko dito nang mapansin ko na wala ang yaya nito sa paligid.
Last year umuwi na nang probinsya nila si Manang Dolor para alagaan ang pamangkin na kapapanganak lamang, at dati din namin kasambahay nun binata pa ako at napaalis lamang nun nakainitan sya ni Mama at Mikaela.
Kahit ayaw man ni Manang Dolor na iwan kami ni Percy dahil mas kailangan daw namin sya ay pinayuhan ko ito na mas mahalaga ang pamilya nya at mas kailangan sya ng pamangkin nya kaya naman pumayag na ito at umuwi na nang probinsya nila.
Simula nun naka apat na yata akong palit ng mga yaya at maid ni Percy kasi naman napakapilyo nito na ewan ko kung minana nya sa Mommy nya kasi behave naman ako nun bata ako.
"Huh?" Umilap ang mga bilugang mga mata ni Percy at alam ko na ang sagot sa tanong ko.
"Percy?" Napakamot ito nang ulo at napangiti.
"Eh Daddy kasi busy sya kakakausap sa Manong na nagtatabas ng puno eh hungry na ako kaya naman yun tinulak ko sya sa pool" nakayukong pag amin nito.
Agad na nanglaki ang mga mata ko sa pag amin nito ng kalokohan na ginawa.
"Then nasan na ang Yaya mo?" Nag aalalang tanong ko dito.
Wala akong pakialam sa Yaya nito na pabaya sa trabaho nya,
Kasalanan nya yun kung ano naman ang nakakita sa pagpapabaya nya sa trabaho ora mismo sisante na sya.Mula nang mamatay si Princess dahil di napansin ng mga tao sa bahay nila Mama na nawawala na pala ang anak ko,
Ay mas naging mabusise ako sa mga inuupahan ko para bantayan at alagaan ang anak ko.Walang puwang sa aking ang sorry at second chance.
Nagkibit balikat lang ito at niyakap ako at saka sumubsob sa leeg ko.
"Ni lock ko sya Daddy sa Room kasi nag iimpake na sya tapos ayaw nya akong ipaghanda ng food ko eh hungry na ako kanina pang afternoon" pag amin nito.
Muli nanlaki na naman ang mga mata ko at karga karga si Percy ay napatayo ako at dagling nagpunta sa kwarto ng Yaya nya at gamit ang sarili kong susi ay agad ko itong binuksan.
Tumambad sa akin ang iyak nang iyak na Yaya ni Percy.
Seriously 'san ba nagmana nang kapilyuhan ang anak ko.....
Mabait naman sya at malambing sa akin at kay Manang Dolor pero pagdating sa ibang tao...Hay naku naman...
"Sir buti naman at nakauwi na kayo magpapaalam na po ako na aalis na po ako di ko na kaya ang kapilyuhan ng Anak nyo po" umiiyak na wika nito.
"T--teka---"
"Di nyo na po ako mapipigilan" yun lang at bitbit ang maleta nito ay mabilis na lumabas na ito ng kwarto at tuloy tuloy na lumabas na nang bahay ko.
"I told you Dad, I don't need Nanny anymore mas iyakin pa sila kaysa sa akin po eh" ani Percy na nakahilig nasa may leeg ko.
"Percy that's bad, don't ever do it again understand kundi magagalit na ako" pangaral ko dito.
"But Dad" angal nito.
"Percy" pinanlakihan ko ito ng mga mata kaya naman nakalabing tumango na lamang ito bilang tugon.
Now what?
Mukhang maghahanap na naman ako nang panibagong Yaya ni Percy....
