Chapter 27

16.4K 361 5
                                        

Masakit ang mga mata ko dala ng bukas ito magdamag kasi naman di ako dinalaw nang antok gawa nang dalawang lalaki na napapagitnaan ako.

Naglagay pa ako nang unan panangga sa pagitan namin ni Sir Jasper wala naman din palang kwenta kasi yun malapad at mamasel nyang braso eto at nakadantay sa beywang ko tapos ang makulit na alaga ko eto at nakasubsob naman sa dibdib ko,

Hay gawin ba naman akong unan at dantayan?

Bakit nga ba napapayag pa ako ng batang ito na na maging nanny nya tapos ang bayad ay ang tatay nya....

Pampalipas lamang ba nang oras habang nag iipon ako ng madaming lakas ng loob bago ako makipagkita sa di ko natatandaan na Asawa ko?

Dagling nag init ang magkabilang pisngi ko pagkaisip sa nakayakap sa aking likuran at ramdam ko ang mainit at tahimik na paghinga nya na tila kinikiliti ang leeg at tenga ko.

Di sa naiilang ako kundi parang komportable pa nga ako na yakap yakap nila akong dalawa.

Na ikinapagtataka ko kasi ito pa lang ang unang beses na nakita ko sila pero pakiramdam ko sa puso ko parang kilala ko sila at malapit sila sa akin...

Lalong lalo na ang gwapong Tatay ni Baby Percy...

Sana lang di nito nahalata na Attracted ako sa kanya sa unang paglalapat pa lamang ng mga palad namin naramdaman ko na agad ang makuryente,

Yung klase nang kuryente na ayaw mong bitawan kasi masarap sa pakiramdam?

At ang masidhing kagustuhan ko na iguhit ang nakapagwapo nyang mukha sa puting canvass at ikulong dun ang nakakahulog ng puso na ngiti na ipinukol nya kanina sa akin nung nakikiusap sya na sama sama na kaming tatlo na matulog sa kama.

Na kahit alam ko sa sarili ko na may asawa na akong tao,
Na dapat umasta ako ayon sa estado ko sa lipunan,
Ay tila wala akong lakas nang loob na tanggihan silang mag ama sa pakiusap nila, na kapag di ako pumayag ay di ko makakayanan na makita ang malungkot nilang mga mukha na nakatingin sa akin kaya naman natagpuan ko na lang ang sarili ko na pumayag sa kanilang kagustuhan at eto nga ako ngayon at napapagitnaan nilang mag ama.

Napapitlag pa ako nang tumunog ang alarm ng cellphone ko na nasa sidetable sa gawi ni Baby Percy kaya naman dali dali ko yung kinuha at pinatay para di magising ang mag ama.

Five na pala nang umaga.... naiiling na naisip ko at dapat na maghanda na ako ng almusal nang mag ama bago pa sila magising.

Kaya naman dahan dahan na tinanggal ko ang pagkakadantay ng braso ni Sir Jasper sa beywang ko.

At makalipas ng ilang sandali ay napagtagumpayan ko din na maialis ang kamay nya sa beywang ko at muli dahan dahan ang naging pagkilos ko na bumaba nang kama at kinuha ang sandals ko at sinuot pagkaraan ay tip toe ang paglalakad na pumunta ako sa may pintuan at dahan dahan na binuksan ito at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto....

-----------------------



"Themarie!" Napabalikwas agad ako nang bangon ng di ko makapa si Themarie at tanging si Baby Percy lamang ang katabi ko sa malaking kama.

"Shit Jasper bakit nakatulog ka kasi di ba ang plano ay patulugin ang anak mo di ikaw" naaasar na bulong ko sa sarili ko habang sabu sabunot ko ang buhok ko.

Marahas na napabuga ako ng hangin at saka agad na bumangon at agad na pumunta sa may Bathroom at baka nandun si Themarie pero wala naman akong nakita...

Sayang... akala ko makikita ko na ulit ang silhoute ng seksing katawan nito kapares noon pag pumapasok ako dito at di ko alam na naliligo ang Asawa ko....
Di ko pa nga naitatry ang shower sex or bathroom sex o kung anuman na katawagan dun.. ...di bale pag nagkaayos na kami ni Themarie ulit ma try nga yun.... pilyong naiisip ko at dagli na akong lumabas ng bathroom at lumabas ng kwarto.

Agad na tinahak ko nang mga paa ko ang daan papunta sa may kusina dahil sa mga amoy ng mga pagkain na niluluto dun kaya sigurado na ako na nasa kusina si Themarie at nagluluto afterall kami lamang tatlo sa bahay namin dahil si Baby Percy pag may bagong katulong at yaya ito ay lumalabas ang pagiging prinsipe nya ng kapilyuhan....

"Good Morning Sir Jasper gising na pala kayo" natigilan ako sa pag iisip nang madinig ko ang pagbati sa akin ni Themarie.

Nakangiti ito sa akin habang may hawak na plato na may laman na hotdog at dinala na agad sa may mesa.
Kung saan may iba pang nakahain nang pagkain.

Napapalunok na nasundan ko na lamang ang mga galaw nya na paroo't parito sa may stove papunta sa may mesa pagkatapos ay pupunta naman sa kinaroroonan ng coffee maker para icheck kung luto na ito.

I miss this Scene for fucking five years since the death of our daughter and her delicate situation that time thanks to that damn accidents....

"Nagugutom ka na ba Sir Jasper mauna na kayong kumain" napakurap pa ako nang magtama ang mga mata namin ni Themarie na di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

Nakangiti pa din ito na nagpapakabog sa dibdib ko at pagbilis ng paghinga ko.

"Sir Jasper?" Napapikit ako at napayuko.

Anung laro ito Themarie ba't ka umaakto nang ganito?

Umalis ka nang walang paalam...iniwan mo kami ng anak mo at babalik ka ulit sa amin makalipas ang apat na taon na wala kang komunikasyon sa akin at umaakto ka na di mo ako kilala?

Sukat sa isipin na yun ay agad na hinapit ko ang makitid na beywang nito at bumaba ang mukha ko para kumuyusin nang halik ang malambot na labi nito.

Tila ito natulos at nagulat sa ginawa ko maya maya pa ay naramdaman ko na gumaganti na ito nang halik sa akin na lalong nagpaalab sa nararamdaman kong init,

Nakakadarang,

Nakakapaso,

Nakakaengganyo,

Humihingal na naghiwalay ang mga labi namin at muli ay nagkatitigan kami.

"S---sir Jasper b--bakit---" namumula ang magkabilang pisngi nito na lalong nagpapaganda dito.

Hinawi ko ang ilang hibla nang buhok nito na nakakalat sa mukha nito at saka ngumiti ako dito at pumikit ako pagkatapos ay dinampian ng halik ang tungki nang matangos na ilong nito.

"Just part of my payment Themarie" sagot ko dito.

If you want to play my Wife,

I will gladly joined and play at your tempo....just don't blame me if you end up losing to me....

Because I'm not gonna give up this game if this is my only choice to reclaiming you again....My Wife...

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon