"Manong dito na lang po" magalang na utos ko sa Mamang Taxi Driver.
Agad naman na inihinto nito ang sasakyan sa tabi ng Mall at saka bumaba na ako pagkaraan na magbayad dito.
Nang makababa na ako ay mabagal ang paghakbang ng dalawang paa ko na pumasok sa paborito kong Coffee shop pagkatapos ay naupo na agad ako sa paborito kong pwesto pag pumupunta ako dito.
Agad naman na may lumapit sa akin na waiter at tinanong ang gusto kong orderin.Nang matapos akong mag order ay agad din na naiwan akong mag isa.
Napatingin ako sa salamin ng coffee shop at kitang kitang ko ang mga naglalakad na mga tao at di ko maiwasan na di mainggit pag nakakakita ako ng mga masayang mga pamilya.
At di ko maiwasan na di makaramdam nang lungkot pag naaalala ko sina Papa at Mama.
How I wish na sana kasama ko pa kayo dito sa lupa pero alam ko naman na masaya na kayo dyan sa langit dahil magkasama na kayo....
Mom...Dad....I miss both of you.... napasinghap pa ako nang mabasa ang singsing na nasa palasingsing ko nang mga luha ko na di ko napansin na malaya na palang umaagos sa pisngi ko.Agad na kumuha ako nang tissue at pinunasan ang mga luha ko.
Almost three days na din after kong umuwi dito sa Pilipinas at nag check in muna ako sa isang Five star hotel dahil di ko pa alam kung saan ako mag uumpisa.
Kahit na gusto kong umuwi sa bahay ng mga magulang ko ay mas naisip ko na mas mainam na sa isang hotel na lamang ako tumuloy kasi malulungkot na naman ako at mag iiyak pag naalala ko ang mga Magulang ko....
At isa pa ay kahit na pinayuhan ako ni Tita Dorothy na umuwi na sa di ko matandaan na Asawa ko ay bantulot pa din ako.
Dahil natatakot akong pag nagpakita ako sa kanya ay galit ang isalubong nya sa akin kasi kasalanan ko kung bakit di sila nang girlfriend nya ang nagkatuluyan dahil pinikot nya ito para sa ikakabuti nang pamilya nya tapos dumagdag pa na di pala nya kayang bumuo ng buhay sa sinapupunan nya tapos...
Basta na lang syang umalis nun magkamalay sya matapos nun aksidente na kinasangkutan niya at kinamatay ng anak nila nun pinakamamahal nya para samahan ang Mama nya at ngayon na wala na syang pamilya babalikan nya ang lalaking di na maalala ang mukha na pinakasalan nya....at boses pa lamang ang nadinig nya.
Napahawak sya sa dibdib nya at dagling naalala ang pag uusap nila nang Asawa nya, ang pakiusap nito na bumalik na sa bahay nila at wag syang iwan...
Aaminin nya sa sarili nya na pag naaalala nya ang boses na yun ang pakiramdam nya ay sumisikip ang dibdib nya at di sya makahinga sa sobrang kaba na parang sa kaibuturan ng puso nya gusto nya na muling bumalik sa nakaraan na kausap nya ito at sa halip ay pumayag sya sa pakiusap nito....
Ano kayang nangyari kung pumayag sya?
Mas masaya kaya sya o malungkot dahil sumama sya dito?
Ang sabi ni Mama nung minsan na nagtanong ako sa kanya kung minahal ko ba ang Asawa ko o pinikot ko sya para masiguro na di babagsak ang pamilya namin.
Di sinagot ni Mama ang tanong ko at sa halip ay nanghihinang ngumiti ito at hinaplos ang mukha ko at saka sinabi na.... " Ang puso mo lang ang makakasagot nyan kasi Isip mo lang ang nakalimot at di" turo nito sa tapat ng puso ko. "Ito...."
Ah.....di ko na alam talaga... huminga sya nang malalim para mapayapa ang dibdib nya.
Ilang saglit pa ay dumating na ang inorder nya at tahimik nyang inumpisahan na kainin ang sponge cake na paborito nilang kainin mag anak nun bata pa sya.
