"Daddy where do you think you are going?" Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto namin ni Themarie na sya ding tinutulugan ni Percy kasi ayaw nya na sa kwarto nya matulog mag isa.
Lumingon ako at nagtatakang bumaba ang tingin ko kay Percy na sumita sa akin nakataas ang isang kilay nito at nakangisi pa saka idagdag na din na nakapamaywang ito sa akin.
Nasa likod nito ang Mahal kong Asawa na ngiting ngiti lang na nakamasid sa aming mag ama.
"M---matutulog na----"
"Ahh, nah nah," natigilan ako nang tinaas ni Percy ang hintuturo nito at iwinasiwas.
"Percy stop being naughty, I'm tired at inaantok na ako at matutulog ka na din tara na" saway ko kay Percy pero nag pout lamang ito sa akin.
Napailing na lang ako at nasapo ang ulo ko nang kamay ko.
Di sa nagdadahilan ako kay Percy....Pero gusto ko na matulog na ito para makapag usap kami nang masinsinan ni Themarie kasi naman kung umasta ito kanina sa harap ni Percy ay parang di nya ako kilala,
Na first time pa lamang namin na magkita at magkakilala,
At malapit nang maputol ang pisi nang pagpapasensiya ko para kay Themarie.
"No Daddy kami ni Tita Themarie ang tabi" nagulat ako sa sinagot ni Percy sa akin.
"What?! At ako saan mo ako papatulugin?" Sabi ko dito pero ibinaling nito sa kabilang kwarto na talagang kwarto ni Baby Percy.
"Dyan?" di makapaniwalang tinuro ko ang kwarto nito.
Nakangising tumango ito.
Di talaga ako makapaniwala sa gustong mangyari ni Baby Percy....
Ako? Ako talaga ang kailangan na umiba nang tulugan?
Ako na pinakamamahal nyang Tatay?
Ako na kasama nya mula nang isilang sya at hanggang lumaki sya?
"Paano pag umiyak ka? Sinong magpapatahan sa iyo? Pag nagwiwi ka sa kama sinung magpapalit nang damit mo?" Tanong ko dito pero umingos ito sa akin.
"Di ako umiiyak Dad baka ikaw pa nga yun eh remember you said just last month?" Balik nito sa akin at humiga ito sa sahig sa pagkagulat namin ni Themarie at saka pumikit tapos nagsimula nang umarte.
"Why, why did you leave me? kulang pa ba na nandito ako nandito si Percy at kahit na anong mangyari nasa tabi mo ako at nagmamahal sa iyo?Why? Oh why?!" Kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko sa galing sa akting na pinamamalas ni Percy.
Umiiyak ito na may kasama pang tadyak at palo sa dibdib pagtakip nang mukha at pagbiling biling nang mukha....hay grabe may future ito sa larangan nang pag akting....
"Baby Percy stop that drama" matigas ang boses na saway ko sa Magaling kong Anak.
Nagpasaway naman ito at agad na tumayo ito at nakangising tumingala sa akin.
Naku makukutusan ko itong anak ko na ito na di ko alam kung saan nagmana ng kakulitan.....
talaga naman"Sige na dun na kayo matulog at dito na ako" sumusukong sabi ko dito at saka pinihit ang doorknob nang kwarto para pumasok na.
Bukas na lang ako gigising nang maaga para makapag usap kami ni Themarie nang masinsinan.
Pero nagulat ako nang yakapin ni Percy ako mula sa likuran ko.
"Daddy, I'm just joking gusto ko talaga katabi ka sa pagtulog ko pero gusto ko din na katabi natin si Tita Themarie please...." nagbababy talk na pakiusap ni Baby Percy sa akin.
"Ha? Teka-----" napapalunok na napatingin ako sa tahimik na nakamasid sa amin na si Themarie na tila nagulat sa pakiusap ni Baby Percy sa akin.
Well......okay lang naman sa akin....
"Daddy please" muling pakiusap ni Baby Percy sa akin.
"O---okay lang sa akin kung papayag ang Tita Themarie mo sa gusto mong mangyari" sagot ko dito sabay tingin sa di na mapakali na si Themarie.
Napansin ko na pinagpapawisan na ito at malalalim ang paghingang pinapakawalan.
Oh Jasper ang lakas pa din nang attraction nyo ni Themarie sa isa't isa.....
"Pero kasi-----" nagyuko ng mukha si Themarie sa amin at nilaro laro ang mga daliri.
Tandang tanda ko yang mannerism ni Themarie na yan pag di sya makapag decide, natetension at pag may gustong sabihin sa akin.
Kasi I find it cute at naaamused ako pag ginagawa ni Themarie yun.
Nandun yun urge na lapitan ko ito at halikan isa isa ang mga daliri nito at dilaan ang mga palad nito at gumawa nang daan na gawa sa paghalik ko papunta sa -----
Stop that naughty ideas Jasper.....
"Tita Themarie tabi tabi na po tayo please please at madaming please po please" yumakap dito si Baby Percy at malambing na nakiusap kay Themarie.
Tumingin sa akin si Themarie na tila nakikiusap na bawiin ko ang sinabi ko pero matigas ang ulo ko kaya ayaw ko nga....
"Sige na Themarie pumayag ka na don't worry harmless ako"
pag tulog"Na Tita Themarie payag ka na please please please" muling pangungulit ni Baby Percy sa di nakikilalang Nanay nito.
Pumikit si Themarie at saka dahan dahan na tumango.
"Yes! Yes! Yes! Daddy Appear tayo" ani Baby Percy sa akin na agad ko namang pinaunlakan kaya nag high five kaming dalawa.
Pagkatapos ay hinawakan kaming pareho ni Themarie ni Baby Percy nang magkabilang kamay nya at iginiya nya kami papasok sa kwarto namin.
Pagkatapos ay kumuha ito nang unan at humiga na sa may gilid nang kama akala ko uusod ito para gumitna sa amin ni Themarie pero pumikit na ito.
Kaya naman iuusod ko ito pero bigla ay dumilat ito.
"Why po Daddy?"
"Ahm wala naman iuusod lang kita sa gitna ka----"
"No Daddy dito ako sa gilid at si Tita Themarie sa gitna natin at ikaw sa tabi ni Tita Themarie" sagot nito at lihim na napangiti ako dahil dito.
Atta boy! tama yan anak....
At kinagulat talaga ni Themarie yun pero syempre kailangan na mag fake din ako nang pagkagulat...
"What?!" Magkapanabay na bulalas namin ni Themarie saka kapwa nagkatitigan pero mabilis na umiwas ng tingin ito sa akin...
Pero okay lang at saka sa isip ko iniisip ko na ang ibibigay kong regalo kay Baby Percy it's his reward dahil sa wakas pagkaraan nang apat na taon makakatabi ko na ulit si Themarie...
Ang galing talaga nang anak ko manang mana sa akin....
