"Dito ka lamang ha Princess" bilin ni Jasper sa anak. "Sandali lang ang Daddy may kakausapin lamang ako" agad naman na tumango ang bata dito.
Ngumiti si Jasper dito at hinalikan sa pisngi at pumunta na sa library para kausapin ang secretary nito.
Ilang sandali pa ay tila nainip na ito at bumaba sa sofa at dahan dahan na pumanhik sa mga baitang pataas at sa wakas nakaakyat na din ito.
Kabisado ang mga hakbang na humakbang ito papunta sa kwarto na madalas nyang puntahan.
Gusto nya dun sa kwarto na yun kasi gustong gusto nya ang amoy nito at pati na ang pagtulog sa malambot na kama ng mga magulang nya.
Pati na ang pagyakap nang Mama Ganda nya sa kanya kasi naman ang Masungit na Mama nya di man lang sya hinahawakan di kagaya ni Mama Ganda kaya sya siguro ayaw ni Papa Pogi at mas gusto nya kay Mama Ganda...
Kasi ako mas gusto ko si Mama Ganda kaysa sa Masungit na Mama ko.
Pero nakakaiyak lang kasi ang Papa Pogi nya ayaw na syang patulugin dito sa kama nila.
Mas gusto pa naman nya dito kaysa sa bahay nang Lolo at Lola nya di naman nya lagi silang nakakasama,
Dito lagi nyang kalaro ang Mama Ganda nya, lagi syang pinapakain nang masasarap, pinapaliguan....
Eh dun sa mga Lola nya madalas ang Yaya nya lang na pirmeng kausap naman yun lalaking nagtatabas ng damo lagi pa ngang mas inaayos nito ang buhok nya kaysa palitan ang diaper ko eh hinihila ko na nga sya para palitan yun,
Di kaya maganda sa pakiramdam ang basa at makati na diaper,Ang Yaya ko kaya ang pagsuotin ko nun?
Baka magustuhan nya tutal para naman siyang kiti kiti pag kausap nya yun nagtatabas nang damo.Tapos si Tita Charlene lagi naman na nakababad sa telepono at kaparis ni Yaya para ding kiti kiti....
Hay mahirap talagang magpalaki ng matatanda!
Napanguso siya pagkaisip sa mga ito.
Pero agad din na napangiti pagkakita sa pintuan ng kwarto ng mga magulang nya.
Inangat nya ang dalawang paa para abutin ang doorknob pero nakakainis dahil napakataas pa din nito...
Nakakaasar talaga pag cute at chubby at maliit ang mga binti nya....
Sana lumaki na sya agad katulad sa Mama Ganda nya na maganda at matangkad...
Pero..... kumunot ang noo nya at tinuro nang munting daliri nya sentido nya...
Pag lumaki na sya agad eh di gagawa uli sila Papa Pogi at Mama Ganda nang bago kong kapatid? Nanlalaki ang mga mata na umiling iling sya...
Di yun maganda bata pa ako di ko nga lagi silang nakakasama, dapat ako lang muna ang baby nila at pag malaki na lang ako nila sundan...napatango ako sa magandang naisip ko.
Panu pag lumaki na ako?
Gagawa uli sila nang bagong kapatid ko... kinuyom ko ang kamay ko at saka pinukpok sa palad ko.
Ayaw dapat ako lang.... napanguso sya at nahimas ang baba at pinukol nang tingin ang nakasaradong pinto.
Nanlaki bigla ang dalawang mata ko pagkaisip ko sa posibilidad na magkakatotoo ang naisip ko.
Kaya naman tumayo uli ako dito sa malaking pinto,
Dadambahin ko na sana ang malaking pinto nang bumukas ito.
Ay di nakasara! Tuwang napapalakpak ako at dahan dahan na sinipat ang kwarto pero muling napanguso nang di naman nakita ang hinahanap.
Nasan na kaya si Mama Ganda?
