Chapter 32

16.1K 308 1
                                        

It's been two weeks since nalaman ko na Asawa ko pala si Jasper...

At aaminin ko masaya ako tama nga si Mama nun nasabi nya nung nabubuhay pa sya na mahal ko ang Asawa ko kasi ramdam ko sa puso ko na mahal na mahal ko sya at masaya ako kahit pa nalaman ko na anak nya talaga si Baby Percy at di ko alam kung sino ang ina nito.

Alam ko na si Princess yung panganay nya ay anak nila ni Mikaela his Ex Girlfriend...

At ako...Ako ang dahilan kung bakit namatay ang kawawang bata na yun.
Dahil sa laki nang attachment nito sa akin ay sinundan ako nito sa sasakyan and that leads on her death at sa pagkatulala ko nang matagal at nung magising naman ako ay wala akong naalala sa mga nangyari sa halip bumalik sa akin ay nun eighteen years old ako.

At sa halip ngayon heto muli ako sa piling nang Asawa ko at Anak niya ni si Baby Percy.

Di ko pa nga nasasabi kay Jasper na wala pa din akong naaalala.
Akala ko noon pag nagkaharap na kami nang Asawa ko maaalala ko na ang lahat pero di iyun ang nangyari.

Kasi si Baby Percy ayaw nya na magkasarili kami nang Ama nya di pa tuloy kami nakakapag usap nang matino pirmi nga nyang pinapalayo si Jasper sa akin gusto nya na sya na lang ang asikasuhin ko na tinatawanan ko na lamang kasi natutuwa talaga ako sa kanilang Mag ama pag nag combo na sila nang kakulitan.

"Tita Themarie may langaw po oh!" Turo ni Baby Percy sa akin.

Napahawak tuloy ako sa bibig ko kaya naman natawa ito nang malakas.

Napailing na lang ako at ginulo ang buhok nito saka sabay na kaming pumasok sa classroom nya.

"Tita Themarie sunduin mo po ako mam'ya po ah" lambing nito sa akin.

Tumango ako dito saka hinalikan ang noo nito at nagpaalam na ako dito na aalis na muna.


Nang makaalis ako sa school ay dumiretso na ako sa opisina ni Jasper may usapan kasi kami na bibisitahin namin ang puntod ni Princess.

"Hello po Mam" agad na bati sa akin nang secretary ni Jasper pagkakita agad sa akin.


"Ang Sir Jasper mo?" Nakangiti kong tanong dito.


"Nasa loob po Mam kanina ka pa nga tinatanong kung dumating na daw po kayo" sagot agad nito saka sinamahan ako papunta sa Opisina ni Jasper.

Agad na napatayo si Jasper nang makita ako at mabilis na nayakap.

"Sorry Jasper na late ako" namumula ang magkabila kong pisngi na hingi nang paumanhin dito.

Ang secretary naman nito ay mabilis na tumalilis papalabas nang opisina ni Jasper.

"It's okay Hon, dapat nga magkasama tayo sa paghahatid kay Kulit kaya lang ayaw nya gusto nya na ikaw lang ang maghatid sa kanya at itinataboy ako papasok sa opisina ko" natatawang sagot nito.

Napangiti naman ako at napapikit nang dampian nya nang halik ang noo ko.

"I miss you so much Themarie si Kulit kasi lagi na lang tayong kinukulit wala na tuloy tayong time na dalawa...." ani nito saka bumulong sa may tenga ko.

"Takasan kaya natin si Baby Percy at saka sa ibang araw na lang natin bisitahin si Princess....I'm sure she understand naman kasi ngayon ko pa lamang nakakasama ang Mommy nila" malambing na ungot nito sa akin.

Namula na naman ulit ako at parang nakiliti sa parang paghiip nito sa may tenga ko.

"D---di pwede yang gusto mo Jasper magtatampo si Baby Percy pag di ko agad sya nasundo at s---saka gusto ko din na mabisita si Princess para makahingi ako nang sorry----"

"Shhh...Honey I'm sure maiintindihan ka nang anak natin mahal ka nun eh ewan ko lang kay Kulit makulit yun eh gusto nya palagi syang nasusunod" nangingiting sabi nito sa akin.

At napupuno nang galak ang puso ko kasi para kay Jasper ako ang Ina ni Princess at kay Percy na din at di sya nagalit sa akin kahit pa sya ang direktang dahilan kung bakit nawala nang maaga si Princess.

Natigil lang ang pag iisip ko nang tumunog ang Cellphone ni Jasper.

Nagkatingin muna kami ni Jasper saka mabilis na tinignan nito sa screen kung sino ang tumatawag.

"Sandali lang Themarie sagutin ko lang ito number kasi ito nang teacher ni Baby Percy" anito saka pinakita sa akin ang nakarehistro na pangalan sa cellphone nito.

"Sige sagutin mo na baka importante yan" wika ko agad dito.

Tumango naman ito at sinagot na agad ang tawag.

"Hello Teacher Pat napatawag po kayo?" Tanong agad dito ni Jasper na nakangiti pa pero maya maya lang ay nangunot na ang noo nito saka nag aalalang tumingin sa gawi ko kaya naman agad akong kinabahan at napakapit pa ako sa braso ni Jasper.

"Okay pupunta na kami agad nang Asawa ko d'yan" nagmamadaling sabi ni Jasper dito saka agad na din nitong pinatay ang Cellphone.

"A---anong sabi nang Teacher ni Baby Percy?" Nag aalala kong tanong dito.

Huminga muna ito nang malalim saka tumitig sa akin.

"Pinatatawag tayo na mga magulang ni Baby Percy kasi nanuntok na lang daw bigla ang anak natin nang kaklase nya nang walang kadahi dahilan" napapailing na tugon nito sa akin.

Napailing din ako kasi para namang di kapani paniwala na magagawa ni Baby Percy yun kasi Oo nga at pilyo ito makulit at bossy pero alam ko na di salbaheng bata ang Anak ko...

Napahawak ako sa Dibdib ko sa naisip ko.

Anak ko ..... tama di man sila galing ni Princess sa akin mga anak ko pa din sila at kahit pa di ko naaalala ang lahat alam ko sa sarili ko na minahal ko din si Princess noong nabubuhay pa ito at ngayon naman si Baby Percy.

Ayaw ko na iiyak ito o kaya malulungkot kasi nasasaktan din ako.

"H---halika na Jasper puntahan na agad natin ang Anak natin baka umiiyak na si Baby Percy" maiiyak na agad na hinila ko agad si Jasper papalabas nang opisina.

Sobra na talaga akong nag aalala kay Baby Percy.

Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Jasper at kinabig papalapit sa dibdib ako.

"Hush...Hon don't worry malakas at matapang na bata ang anak natin alam ko na di basta basta yun magpapatalo... si Baby Percy pa" wika nito na alam ko na pinapalumbag nito ang loob ko.

Napatango na lang ako dito at di na kumibo pa....

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon