A/N: HELLO PARA TO SA'YO....ALAM MO NA KUNG SINO KA,
PARA SANA SA ENDING ITO...OH WELL GAGAWA NA LANG AKO NANG BAGO....
ENJOY READING ;)
----------------------
PERCY: TWO YEARS OLD
"Oh Percy eto na ang gatas mo" natigil ako sa paglalaro ng mga lego ko at tumingala sa nagsalita at agad na nagliwanag ang mukha ko sa nakita ko,
Agad na inangat ko ang mga kamay ko para abutin ang bote ng gatas ko na hawak hawak ni Manang na di kagandahan pero okay na din love naman nya ako eh, kaya love ko na din sya,
Ganun yata talaga pag mga girls na nagiging old na nagkaka wrinkles pati nga si Lola ko...ah si Tita Charlie bata pa kaya maganda pa sya kaya lang sira na yata ang ulo kawawa naman,
Lagi kasi syang umiyak sa sulok pag walang mga tao, tapos pag dadating ang Lola at Lolo sasabihin nya na nagpapractice lang sya para sa drama club nila,
Hmp...mas magaling pa kaya ako sa Tita Charlie ko,
Gusto nyo nang evidence?Then watch and learn....
"Waaah!" umiiyak na ako at tinapon ko na ang bote ng pinakamamahal kong gatas para sa play na ito kaya magbasa ka nang maigi walang video sa harap mo mga letra lang with feelings ko.
Tumama yung bote sa mga lego na inaayos ko at bumalik sa akin syempre magkaka bukol na ako nyan,
Kaya inumpisahan ko nang magpa gulong gulong sa mga ibabaw ng mga lego ko,Ouch masakit kahit fake play lang ito okay eto na ang pang famas award kong Akting.
Nandito na ang una kong maloloko este fan,
"Hala apo ko"naramdaman ko nang inangat ako ni Manang mula sa pagkakahiga ko sa mga lego ko.
"Bakit ka umiiyak di mo ba gusto yung mga laruan? Yung Gatas? Ha Baby?" Hello makapagsasalita kaya ako Manang sinupalpal mo sa akin ang pinakamamahal kong gatas,Oh well, next time ko na lang kayo papakitaan ng akting ko mas mahal ko ang gatas ko at bukod sa gutom na ako masamang mag aksaya ng pagkain magagalit si Papa Jesus,
"Manang Dolor si Percy po ba yung umiiyak?" mula sa pinto ay hangos na dumating si Daddy.
Naningkit tuloy ang mga mata ko sa pagkainis dito at di ko na tinuloy ang pagsipsip sa bote nang gatas ko at ubod nang lakas na hinawakan ko ito at ipinukol sa Tanga kong Ama.
Hello? May iba pa bang gwapong baby dito bukod sa akin?
"Ouch!" Galing ko talaga sa pag asinta sapul sa noo si Daddy eh!
Kaya naman di ko napigilan na mapalakpak at mapatawa.
Naramdaman ko na may kumuha sa akin mula sa mga braso ni Manang at inangat ako pagkatapos ay gamit ang mga braso ay itinaas baba ako na parang nagsiswing,
"Ang Baby Percy ko napakapilyo talaga" natatawang wika ni Daddy habang ipinapaikot ako,
Di ko tuloy mapigilan ang di mapahagikhik,
Gustong gusto ko talaga pag kasama ko lagi si Daddy at naglalaro kami nang magkasama pero kasi kailangan na mag work sya para may maipambili sya ng pinakamamahal kong gatas kaya di na ako magtatampo sa kanya,"Naku Jasper kumain ka na at nakapagluto na ako" singit ni Manang sa paglalaro namin ni Daddy.
Ngumiti si Dad dito at umiling pagkatapos ay muling binaba ako sa mga lego ko at hinarap si Manang.
