Agad na napatayo ako sa kinauupuan ko pagkakita sa papalabas na OB GYNE ni Themarie.
Eto ang araw na ineschedule ni Tita Sanchi ang ceasarian operation ni Themarie.
"Tita Sanchi how's my Wife and my Son?" Kinakabahan na tanong ko dito.
Nagtanggal muna nang Mask ang may edad na babae saka nakangiting tumingin sa akin.
"They are fine, don't worry the operation is a huge success, congratulation Mr. Pascua you have your baby Percy so healthy and bouncing and he have the loudest wail I've ever hear in almost twenty five years of course next to you hijo" natatawang sagot nito sa akin at tinapik tapik ako sa balikat ko.
Ito din kasi ang nagpaanak kay Mama nun time na manganganak na ito sa akin.
Di ako makapaniwala na napanganga na lamang ako dito.
"Oh my God Tita Sanchi thank you" di ko malaman ang sasabihin ko dito.
"Mabuti pa puntahan mo na ang mag ina mo sa room nila" natatawang sabi nito sa akin.
"Thanks Tita Sanchi!" Wika ko saka nagtatakbong pumunta na sa kwarto ni Themarie.
-------------
Agad na nag excuse ang mga nurse na nakatoka sa mag ina ko pagkakita na pumasok na ako sa Room ni Themarie.
Dahan dahan na lumapit ako sa nakapikit na si Themarie at kay Baby Percy na nasa kuna na naipalagay ko malapit sa kinahihigaan ni Themarie.
Lumuhod ako sa kuna ni Baby Percy at pinagmasdan ang tulog na tulog na Anak ko.
Maingat na hinaplos ko ang matambok at mamula mulang pisngi ni Percy at napalayo pa ako dito nang bahagya nang umingit ito pero di naman ito nagising,
Nangingiting pinagmasdan ko na lamang si Baby Percy .
Hello Child! your Papa is here,
Always sa tabi mo pangako ko yan!
Pagkaraan ay si Themarie naman ang binalingan ko at maingat na umupo sa malambot na kinahihigaan nito at dahan dahan na dumukmang para kintalan nang halik ang nakapikit na si Themarie.
" Gising na sleepyhead nanganak ka na't lahat tulala ka pa din, sige ka papalitan na kita..." nangingiting sinuklay ko ang buhok nito. "Sa pag aalaga kay Baby Percy at maiingit ka na lamang sa akin kasi naman ako nakita ko na ang baby natin nahaplos at makakausap sya pag marunong na sya humuni at ang mauunang makarinig sa gabi pag umiyak sya para ipagtimpla sya nang gatas tapos ikaw tulala pa din" sabi ko dito.
-------
One month after....
Napapitlag pa ako nang may kumatok sa pinto at may sumungaw na Nurse kaya naman natigil ang tangka ko na painumin nang gamot si Themarie.
"Sir pinapatawag po kayo ni Dra. Sanchi sa Opisina nya at si Baby Percy naman po ay dadalhin ko po muna sa Clinic para mapainom na namin na po sya nang gatas" anang nurse.
"Ah okay" nasagot ko lamang.
Agad na kinarga nang Nurse si Baby Percy at lumabas na at muli naiwan kaming dalawa ni Themarie.
Pinainom ko na ito nang gamot at saka inayos ang pagkakaupo nito sa Kama.
"Hey my Sleeping Beauty maiwan na muna kita dito ha kasi kakausapin daw ako ni Tita Sanchi malamang para madischarge na kayo ni Baby Percy dito sa Hospital" paalam ko dito at saka mabilis na dinampian ko nang halik ang malambot na labi nito.
Nanatiling wala pa din kareak reaksiyon ang magandang mukha nito.
Pumunta na ako sa may pinto at ewan ko ba pero parang ayaw nang mga paa ko na gumalaw at gusto na manatili na lamang sa kwarto kasama ni Themarie.
Pero pinilig ko ang ulo ko at inilang hakbang ang distansiya namin ni Themarie at niyakap ito nang mahigpit.
"Babalik agad ako Sleepyhead" muling hinagkan ko ang labi nito at saka walang lingong likod na lumabas na ako nang kwarto.
--------------
"Daddy ang ganda naman nang mga flowers" humahangang wika nang batang si Themarie sa Ama nito.
"Sa Akin po ba yan?" Tanong nito ulit sa Ama.Natatawa naman na umiling ang Ama nito saka ginulo ang buhok ni Themarie.
"Daddy ang buhok ko ginugulo nyo po na naman!" Angal ni Themarie sa Ama.
Muling natawa nang malakas ang Ama nito at saka gamit ang kaliwang kamay binuhat nito ang bata habang nasa Kanan naman ang pumpon ng Daffodil, Chrysanthemum at Dandelion.
"Daddy di mo na ako sinagot po" muling untag ni Themarie sa Ama.
"Hmm?"
"Yung mga Flowers po sa akin po ba yan ?"
"Hindi sa iyo ito Themarie sa Mommy mo ito" natatawang sagot nito.
Bumagsak ang magkabilang balikat ni Themarie sa narinig.
"Daddy gusto ko din po nang Flowers" pangungulit nito sa Ama.
"Pag lumaki ka na may mga magbibigay din sa iyo nang bulaklak maaaring manliligaw, Boyfriend o Asawa kaya wag ka nang mangulit darling" sagot nang Ama nya.
"Pero Daddy ayaw ko po ikaw lang po ang gusto ko at saka si Mommy ayaw ko sa iba" kumapit pa sa leeg nang Ama nito si Themarie.
"Hay naku ang Anak ko talaga kaya mahal na mahal kita eh" binaba nito si Themarie at saka mula pumpon nang bulaklak ay dinukot ni Papa ang isang tangkay nang Daffodil kay Themarie.
" Wow po Dad thanks po" sinamyo ni Themarie ang bulaklak at muling tumingala sa ama at napapikit pa ito nang masilaw sya sa liwanag.
"Daffodil means The Sun is Always Shining When I'm with You Themarie, kayo nang Mama mo ang Araw ko at alam ko na may nangangailangan din na naghihintay sa iyo Anak para maging Araw nya kaya gising na Mahal kong Themarie" anito at muli ay nasilaw ako sa liwanag kaya naman napapikit ako.
"Daddy!" Napapasinghap na nagmulat nang mga mata ako at maang na luminga sa paligid ko.
Saka napako ang paningin ko sa mga daffodil na nasa Vase kaya naman awtomatikong napangiti ako pagkaalala sa napanaginipan ko.....
Nasan ba ako? Takang tanong ko sa sarili ko at napapikit ako nang makaramdam ako nang sakit sa may tiyan ko kaya naman nililis ko ang pajama na suot ko at nakita ko na may tahi sa may tiyan.
May Sugat pala ako, kaya naman pala masakit ....hmmm nasan kaya ang Papa at Mama?
Kumunot ang noo nya nang mapagtanto nya na mag isa lamang sya sa kwarto.
Wait baka di alam nina Papa at Mama ang lagay ko! Agad na napatayo ako at dahan dahan na inihakbang niya ang dalawang paa nya papunta sa may pintuan at saka pinihit ang doorknob at nang bumukas ito ay lumabas na ako at muling nagsimulang humakbang para makaalis na sa kwarto na yun..
Uuwi na ako pauwi kina Mama at Papa baka di nila alam na may nangyari sa akin....na may sugat ako...
God ngayon pa naman ang alis ko papunta sa London para dun mag aral nang Fine Arts!
God baka nagpapanic na sila kailangan makauwi na ako baka makahabol pa ako sa Flight ko! Sukat sa Isipin na yun ay mas binilisan ko ang paglalakad ko papaalis sa lugar na iyon......
