Chapter 29

15K 339 5
                                        

"Goodbye Baby Percy, say goodbye na----" di na naituloy ni Sir Jasper ang sinasabi nito pagkatapos pagsarhan ng pinto ng sasakyan pagkababang baba namin dalawa.

Namumula na sa inis si Sir Jasper na binaba ang bintana ng sasakyan nito.

"Baby Percy I'm still talking to you at saka may ipagbibilin pa ako kay Themarie kaya mag uusap lamang kami" angal nito.

Umikot lang ang mga mata ni Baby Percy dito saka ngumisi sa Ama nito.

"I don't wanna" dumila pa ito sa Ama. "Bye bye Dad lakad na po kayo para makarating ka na ng office nyo po" pagtataboy nito sa Ama.

Natakpan ko na lamang nang kamay ko ang bibig para ipitin ang ngiti na di ko napigilan na sumilay dito.

Nakakatuwa kasing pagmasdan ang pagkukulitan nilang mag ama.

Sumimangot si Sir Jasper at saka bumaba nang sasakyan.

"I think I just recalled you saying to me just the other day that you don't need a nanny because you're matured enough to tend to yourself,my Baby Boy" Jasper grinned at his Son the winked his eye on me and smiled at me which my heart skip a beat for how many times just barely after last night since we first met.

And it's strange and make me terrified,
Just thinking that I have taking a liking on him and it's make me feel comfortable being around him and make me so much happy....

I know to myself that I'm not a free woman anymore although I did not know him...
Still it's not right being exposed on these stupid feelings....

After the kissed we shared just this morning,
I know that I did a mistake for not stopping him and answer his kiss...

Maybe being nanny to Baby Percy is a mistake afterall....

Because I think I started to....

"Daddy I think I hear you too last time saying that I'm still a baby...infact you keep on calling me your Baby Percy" balik sagot ni Baby Percy dito.

Nagkangisihan silang mag ama at nagkatitigan pa.

Ang cute talaga nilang pagmasdan mag ama....

"Mr. Pascua!" napatingin kaming tatlo sa bumati kay Sir Jasper.

Isang naka pink na blazer at puting pants ito naka pusod ang buhok nito at kumekembot na lumapit kay Sir Jasper.

"Ms. Lopez kayo pala....ahm..good morning" nakangiting bati ni Sir Jasper dito.

"Lily na lang Mr. Pascua" tila kinikilig na sagot nito na tila ikinakulo nang dugo ko na dapat di ko maramdaman at di tama na maisip ko na mainis dito.

Normal lamang na may magkagusto kay Sir Jasper gwapo ito matangkad mayaman at saka mabait pa plus may cute at matalino pa na anak.

"Okay---"

"Daddy di ba may meeting ka po alis na po at baka ma late ka po" singit ni Baby Percy na nakasimangot na.

"Oo nga pala" bulalas ni Sir Jasper sabay sipat sa orasang pambisg nya. "Paano Miss Lopez iiwan ko na po sa inyo ang anak ko" sabi nito sa babae na sya marahil ang piano teacher nito.

"O---okay" nanlumo namang bigla si Ms. Lopez pero ngumiti naman din agad.

"Thank you ahm...Themarie tayo na" nakangiting anyaya ni Sir Jasper sa akin sabay sa braso ko.

"Huh?" Di ko malaman ang isasagot ko kasi parang gusto ko na ayaw ko ang hirap talaga!

"Hep, hep, hep,!" Singit naman ni Baby Percy sa aming dalawa at kinuha nito ang isa ko pang braso at hinila...

Ang resulta ay parang pinaghihilahan tuloy nilang mag ama ako.

"Young man nandyan na ang Piano Teacher mo kaya sumama ka na at kakausapin ko lang si Themarie, Importante lang" nakangiting sabi ni Sir Jasper sa anak nito habay hawak hawak pa din ako nito sa braso ko.

"But Daddy she is my Tita Themarie at kung nasaan ako dapat po nandun din po sya kaya Dad bitaw na po" nakangisi din na sagot ni Baby Percy dito habang hila hila pa din ako.

"Baby Percy bitaw na"

"Dad bitaw na kasi!" Magkapanabay na wika pa nila.

Napabuntunghininga na lang ako at lumingon kay Sir Jasper at ngumiti dito na ginantihan din nito nang ngiti kaya nakikiusap ang mga tingin ko na bitiwan nya na ako na ginawa naman nito pagkaraan ay kay Baby Percy naman ako tumingin lumuhod pa ako para magpantay ang mga mukha namin.

"Baby Percy punta ka muna kay Teacher Lily mag uusap muna kami nang Dad mo" pakiusap ko kay Baby Percy na lumabi agad sa akin.

Ngumiti ako dito at sinuklay ang malambot na buhok nito.

"Babalik agad ako promise after namin mag usap" pangako ko dito.

Agad naman na nagliwanag ang mukha nito.

"Promise po 'yan ha!" Ani Baby Percy na agad ko namang tinanguan.

Ngumiti na ito at tumakbo na sa may gate kung nasaan nandun na si Ms. Lopez at masama ang tingin na pinupukol sa akin.

Kumaway pa si Baby Percy sa akin bago muling tumakbo papasok na sa loob ng building.

Nang mawala na ito sa paningin ko saka muling bumaling ako kay Sir Jasper na mataman palang nakatitig sa likod ko.

Nakaramdam na naman ako ng kilig at tuwa at wala ang pagka ilang na dapat na nararamdaman ko dahil sa pagtitg nya sa akin nang tagus tagusan.

"Finally we are alone.....My Themarie" wika nito na seryoso man ang mukha ay may ngiti naman na nakasilay sa mapulang labi nito.

Seriously Handsome devilish yet heart melting kind of smile!!!

Damn stop it heart don't like him!

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon