Chapter 5

14.2K 279 3
                                    

"Themarie ikaw pala yan, hala pasok na" masiglang nasabi ni Nana Meding nang mapagbuksan nya ako nang pinto.

"Kamusta na po kayo Nana Meding, mano po" Ngumiti ako dito saka nagmano.

"Naku ikaw talagang bata ka" natutuwang sabi nito sa akin.

"Ang Papa At Mama po Nana Meding?" Tanong ko dito nang magkasama na kaming pumasok sa bahay.

"Aba'y nandun sa may balkon at malamang nagpapahangin puntahan mo na lamang" wika nito.

"Salamat po Nana Meding" sagot ko dito iniwan na ito at nagmamadaling pinuntahan na ang mga magulang ko.

Nakita ko naman ang mga ito na kapwa nakaupo at tila way pinag uusapan.

"Mama....Papa" tawag ko sa mga ito.

Agad naman na lumingon ang mga ito.

"Themarie hija" napatayo agad si Mama at sinalubong agad ako nang yakap.

"Kamusta na po kayo Mama" wika ko dito at pagkaraan ay pumunta kay Papa at nagmano dito.
"Kayo po Papa kamusta na kayo" ngumiti ito at pinisil nang marahan ang palad ko.

"Okay naman kami nang Papa mo dito, ikaw ang kamusta na at saka kasama mo ba ang Asawa mo?" Tanong ni Mama sa akin at naupo na muli ito malapit kay Papa.

Natigilan ako sa tinanong nito pagkaraan ay ngumiti ako sa mga ito.

"Hindi po Ma, busy po kasi sya sa pag aalaga kay P--Princess....yun Anak po nila ni Mikaela" sagot ko dito.

Natigilan ang mga ito dahil sa sinagot ko.

Awtomatiko na hinawakan ni Papa ang kamay ko.

"A---ayush kha lhang bha The---Themarie?" Pautal utal na tanong ni Papa sa akin.

Three years ago inatake ito sa puso at na stroke ang kalahati nang katawan nito nang malaman nito na nawala na sa amin ang mga pera namin sa mga bangko at lubog na ang kumpanya namin dahil sa pagdidispalko ng pinagkakatiwalaan nito na si David.....

Pumait ang panlasa ko pagkaalala sa itinuring ko na matalik na kaibigan...
Ko na itinuring ko na kapatid...

Ni sa hinagap ay di ko naisip na magagawa ni David na lokohin kami na pamilya nya na kinupkop sya nang maulila sa mga magulang ito nung siyam na taon gulang pa lamang ito.

Kaibigan na matalik ni Papa ang mga totoong magulang ni David.

Dahil sa solo lamang akong anak nina Papa at Mama sabik ako na magkaroon nang kapatid at si David ang naging kasagutan nun .....

Matalino ito at mabait.....
Kaya naman tuwang tuwa kami sa kanya lalong lalo na si Papa na sabik na sabik na magkaroon ng anak na lalaki.....

Nang pumunta ako sa London para dun mag aral ng Kolehiyo at si David naman ay pormal nang pinamahala ni Papa ng kumpanya namin dahil nga sa ang sabi nang doktor nang pamilya ay bawal nang ma stress ang Papa kaya naman pinagkatiwala nya nga ang kumpanya kay David na katatapos pa lamang sa kolehiyo......

Wala namang pagtutol sa amin ni Mama ....

Sa panig ni Mama ay dahil anak na din ang turing nito kay David..

At maging ako man ganun din...
Isa pa nasa pagpipinta talaga ang hilig ko na sinusuportahan naman nina Mama at Papa....

Akala ko okay na pero isang umaga nakatanggap ako nang masamang balita at eto nga ay ang pagkaka stroke ni Papa pati na ang mga nanakaw na ari arian namin at ang papalubog nang kumpanya namin kaya agad agad na napauwi ako nang Pilipinas at iniwan ang nagsisimula ko na sanang karera sa larangan nang Sining.

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon