Chapter 8

13.8K 301 3
                                        

Hangos at mabibilis ang mga hakbang ang ginawa ko para makapunta agad sa Mama ko.

"Mama!" Agad na tawag ko sa Mama ko na iyak nang iyak at nang makita ako nito ay agad na sinaluhong ako nito nang yakap.

"Themarie ang Papa mo....wala na sya iniwan na nya tayo nang tuluyan!" Humahagulhol na balita agad nito sa akin.

"Ma...." nagsisimula na din na bumagsak sa mga mata ko ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na wag ilabas pagkaraan na makatanggap ako nang tawag dito at sinabing isinugod ang Papa sa hospital na ito dahil kahit ilang beses na itong ginigising ni Mama ay di pa din ito magising gising kaya naalarma na si Mama lalo't malamig na ito.

At pagkatapos eto na nga ang nangyari......

"Ma please calm down...upo po muna tayo at baka may masamang mangyari sa inyo" pag aalo ko dito at pilit na pinaupo ito sa malapit na bench.

"Ang Papa mo Themarie" naiiyak na sumubsob ito sa dibdib ko.
"Ang Papa mo" napapasibing hinagod ko nang kamay ko ang likod nito.

"Tama na po Ma...ang mahalaga di na nahirapan ang Papa at saka....saka...." kumibot kibot ang bibig ko at ang mga mata ko ay nagsisimula nang magtubig.
Tila di ko na yata maitatago ang mga emosyon ko.

Tuluyan na din akong napahagulhol nang iyak.

Wala na ang Papa ko...

Wala na ang Hero ko mula pa pagkabata ko....

Wala na ang pinamamahal kong Fan sa mundo....

Wala nang titingin sa mga gawa kong painting...

Ang numero uno kong kritiko.....

Wala nang hahawak sa kamay ko at tatanungin ako kung okay lamang ba ako.....

Kung masaya ba ako...

Wala nang magpapatahan pag umiiyak ako....

Wala na ang Papa ko....

"The--marie please anak makakaya natin ito di ba?, nandito pa tayong dalawa" lalo akong napaiyak pagkat nabaliktad ang sitwasyon namin ni Mama,

Sya na ang umaalo sa akin at humihimas sa likod ko.

"M--mama!" Napayakap ako dito nang mahigpit.

-------------------

"Kailangan pa ba talagang dalhin ang Apo ko dun sa lamay nang tatay nang Asawa mo?" Natigilan ako sa tanong ni Mama sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa anak ko na nakahawak sa pantalon ko.

Kalalabas lamang nito sa hospital two days ago makaraan na magkaroon nang allergic reaction sa chocolate bar na bigay dito ni Themarie.

May laman kasi itong peanut at nagkataon na allergic din dito ang Anak ko....

Just like Themarie herself...

Bahagya akong lumuhod para magpantay na kami ni Princess nang taas.

"Princess punta ka na sa car, hintayin mo lang ako dun" malambing na utos ko sa anak ko na agad naman na tumango at lumabas na nang bahay.

Pagkaraan ay nakapamulsa na hinarap ko ang Mama ko.

"Ma, Asawa nya ako, at dapat nandun ako sa tabi nya at dinadamayan sya" sagot ko dito.

"Nandun na ako Jasper,She's your wife fine, damayan mo fine!
Pero sana wag munang isama ang Apo ko pakiusap" anito.

Nahilot ko ang sentido ko dahil sa pakiusap nito.

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon