Chapter 15

17.1K 351 18
                                        

"Nakita mo ba ang Mama?" Madilim ang mukha na tanong ko sa kasambahay na agad na nakita ko.

Dagling napalunok ito dahil sa madilim na ekspreksiyon ko pagkaraan ay napatango ito.

"Nasan?"

"N--nasa kwarto ni P--princess po---" di ko na ito pinatapos pa at mabibilis ang hakbang na tinalunton ko ang daan papunta sa kwarto ng Anak ko.

Di na ako kumatok pa at sa halip ay agad na binuksan na ang pinto na di naman naka lock.

Tila nagulat pa ang Mama nang makita ako.

Yakap yakap nito ang unan na paboritong yakapin ni Princess pag matutulog na ito.

"J---jasper napadalaw ka?" Tumayo agad ang Mama at lumapit sa akin para yakapin ako pero lumayo agad ako.

"Mama may kailangan tayong pag usapan" di na ako nagpaliguy ligoy pa.

Bumaha ang pagkabahala sa mukha nito at tila dagling pinagpawisan gayun malamig naman ang buga nang Aircon sa kwarto.

"S---sure ano ba yun Anak" anito at di mapakaling umupo sa upuan na nasa tabi ng bintana habang ako naman ay nanatiling nakatayo pa din.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko.

"Nasabi ko na ba sa inyo Mama ang lagay nang Asawa ko ngayon?" blangko ang mukha na pinagmasdan ko ito.

Lumarawan agad sa mukha nito ang disgusto sa sinabi ko.

"Wala akong pakialam sa Asawa mo Jasper!" Asik nito sa akin. "Pinatay nya ang Apo ko, ang Anak nyo ni Mikaela kaya kung malubha man ang lagay nya karma nya na lang yun Jasper"

"Well...." ngumisi ako dito at saka umupo sa kama ni Princess at hinaplos ang unan nito. "Perhaps it was a Sweet karma at all" humarap ako dito at muling pumormal ang mukha ko. "Because she is pregnant with our child Mama"

Namutla at napasinghap agad ito sa sinabi ko.

"Jasper..."

"Milagro di ba Mama?" Tumingala ako sa kisame. "Kasi ang sabi ni Tita Nerie three years ago ay baog sya....tapos ito at mahigit isang buwan na syang nagdadalangtao sa anak namin....nakakamangha talaga ang mga pangyayari Mama"

"Jasper....."

"So dahil nagtataka ako nagpunta ako kay Tita Nerie at tinanong sya if baka nagkamali lamang sya sa findings nya three years ago....and guess what Mama she just burst in tears Mama and she confess to me na magkasabwat kayo Mama" puno nang pagdaramdam na muli ay tinignan ko ang Mama ko na tila nawalan na nang kulay ang mukha at mangiyak ngiyak na.

"Jasper....k--kaya ko----"

"Ah and she told me also na kaya nyo ginawa yun napakagandang biro na yun sa amin ni Themarie ay dahil gusto nyo na hiwalayan ko ang Asawa ko at balikan si Mikaela but sadly the plan doesn't  work kasi me and Themarie still stick together just like a magnet you know?" Nakangiting sabi ko pa dito.

"Jasper please let me explain please, please makinig ka muna" pakiusap nito at tinangkang lumapit sa akin pero lumayo ako dito.

"Pakiusap lang Mama wag ka munang lumapit sa akin" wika ko dito.

"Pero Jasper---"

"Makikinig ako Mama pero pakiusap wag kang lumapit sa akin dahil galit na galit ang pakiramdam ko ngayon gusto kong sumigaw, gusto kong manakit, gusto kong magwala....pero ayaw kong gawin Mama sa harap nyo kaya pakiusap wag kang lalapit sa akin...." muling sabi ko dito.

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon