Maingat na iniupo ko si Themarie sa upuan at saka nilagyan ito ng throw pillow sa may likod.
Nailabas ko na si Themarie sa Hospital at dito ko agad sa Resthouse namin sa Tagaytay sya itinuloy.
At ngayon nga ay nandito kami sa Terrace nitong resthouse para naman makalanghap nang sariwang hangin si Themarie....
Nangingiting hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ni Themarie na tumatabing sa maamong mukha nito.
Such a Beautiful and Seductive Siren.....
kahit na tulala maganda pa rin.....
"You know what Wife?" Kinuha ko ang malambot na kamay nito saka marahan na pinisil.
"Excited na ako sa second child na nabuo natin, I know just like Princess" wika ko saka hinaplos ang malaki nang tiyan nito na nasa ikalima nang buwan ng pagbubuntis nya. "Napaka sa pinaka gwapo n'ya at kamukha nating pareho" dagdag ko pa dito.Sinisiguro ko na Alaga ko sa check up si Themarie kahit na may private nurse ito at kahit pa gaano ako ka busy sa trabaho ko dahil bukod sa tulala pa din sya ay kailangan na pangalagaan din ang kalusugan nito para sa pangalawang Baby namin.
At nalaman ko na healthy naman ang Baby namin at lalaki nga ito ayon sa ultrasound kaya naman napakasaya ko at kahit papaano napapawi ang lungkot ko pag naaalala ko ang panganay namin ni Themarie.
Halos tatlong buwan na ang lumipas magmula nang komprontahin ko ang Mama ko at halos mawindang ang mundo ko sa pinagtapat ni Mama sa akin.
Di pa din ako makapaniwala na magagawa ni Mama ang ganun kasamang bagay sa amin ni Themarie.
Of all people bakit ang sarili ko pang Ina ang kailangan na gumawa nang di katanggap tanggap na bagay.
Galit na galit ako at kahit nalaman ko pa na nag collapse ang Mama pagkatapos ng komprontasyon at isinugod ito sa hospital ay di man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Oo nandun na tayo ginawa nya yun para sa tingin nya ay ikakabuti ko pero di pa din iyun tama....
Tinanong nya ba muna ako kung anung gusto ko?
Nandun na tayo sa kagustuhan nya na maglihim dahil karamihan naman ng tao may mga itinatagong sikreto, pero mali yung paraan at dahilan nang paglilihim at pagsisinungaling nila at mas lalong mali ang walang paalam na pagkuha nila sa amin ni Themarie nang pagkakataon na maranasan at manabik sa natural na proseso nang pagdadalangtao pati na ang pag aalaga, pagbabantay at pagpapalaki sa Anak namin....
Pati na ang kaalaman na nakabuo na pala kami ng isang munting buhay...
At mas lalo na ang pagpapaniwala sa amin nang kasinungalinan para lamang paghiwalayin kami ni Themarie ......
Napakasakit na tagos na tagos dito sa puso ko ang sakit, hapdi, kirot, galit, at pagdadalamhati kaya naman nang binisita ko ang Mama at humingi ito nang tawad ay di ko sya pa din sya magawang magpatawad....
Pinagtapat na din ni Mama kay Papa ang nagawa nya pero di pa kay Charlene masyado pa syang bata sa mga ganitong sensitibo na usapin,
At pati ang Papa ay humingi din nang tawad sa akin para sa nagawa ni Mama na kasalanan sa akin at kay Themarie pero di ko pa din makuhang mapatawad ang Mama ko.
Alam ko na di sila perpekto..
Na mga tao lamang sila,
Na yun akala natin na di sila nagkakamali at di nila tayo magagawang saktan ay kabaligtaran pala dahil nagkakamali din sila....
Pero itong ginawa ni Mama ay mas masahol pa sa mga napapanood sa teleserye na kung saan ay madalas na kontrabida ang mga matapobre na Ina dahil si Mama ay isang larawan ng mabait at mapagmahal na Ina kaya naman napakasakit at mas matindi pa sya kaysa sa mga fictional na character na gawa gawa lamang ng mga writer.
Umalis ako nang hospital na di pa din napapatawad si Mama at tatlong buwan na nga magmula ng huli ko itong makita at makausap.
Kahit na pumupunta ito sa opisina ay umiiwas ako na magkita kami,
Pag naman tumatawag ito ay madalas na pinagbabagsakan ko ito nang telepono,At para makaiwas talaga ako dito nang tuluyan ay eto nga at bumili ako nang resthouse dito sa Tagaytay at dito na kami tumutuloy ni Themarie.
Siguro di nga makatarungan na Magalit at Iwasan ko ang Nanay ko pero anung magagawa ko,
Siya ang Heroine nang buhay ko,
Siya ang Example nang Babaeng gusto kong makasama pagtanda ko.
At akala ko si Mikaela na ang babaeng iyun pero kaparis ni Mama, niloko nya rin ako,
Kaya napakasakit at di ko matanggap ang nagawa nya sa akin at kay Themarie....
Hinaplos ko uli ang malambot na kamay ni Themarie at hinaplos ang mainit na pisngi nito.
Saka muling pinagmasdan ang walanp Kakurap kurap na mga mata nito,
"Kaya dapat Asawa ko maging malakas ka para healthy ang Baby Percy natin" wika ko dito.
Alam ko na kung may malay si Themarie at alam nya na buntis sya alam ko at sigurado ako na sa akin nya ipapabahala ang pagpapangalan sa magiging Baby namin.
At nakapili na ako nang pangalan....
Percival Pascua....
Mine and Themarie's baby Percy,
"At saka isa pa ay gagantihan pa kita at ipaparanas ko pa sa iyo ang makasama beinte kwarto oras, pitong araw sa loob ng isang linggo at walang time out ako para di mo na muli pang maisipan na Iwanan ako at syempre si Baby Percy" dagdag ko pa at saka kinabig ito patungo sa dibdib ko at niyakap ito nang mahigpit...