"Daddy!" Kapwa pa kami nagkagulatan ni Themarie at dagling naglayo nang makita namin na namumula ang mukha ni Baby Percy na parang naiinis at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa amin at pumagitna saka yumakap kay Themarie.
"Ang aga mo naman nagising Son" nang iinis na puna ko sa anak ko.
Si Percy kasi ang klase ng bata na mahirap gisingin sa umaga at pag nagising na ay muling hihiga sa kama at matutulog ulit.
"May Piano Lesson po ako Dad at sasabay kami ni Tita Themarie sa inyo at wag nyong tsangtsingan ang nanny ko Dad" namumula pa din ang mukha ni Baby Percy na sagot sa akin.
Namula na din ang mukha ko sa lantaran na pagpuna nang magaling kong anak sa akin.
Wala naman mali sa pagyakap at paghalik ko kay Themarie ah!
Mag asawa naman kami at nabuo ka nga namin eh! naiiling na gusto kong isagot sa magaling ko anak pero nagbago na lang ang isip ko nang makita ko na namumula na na parang kamatis ang magkabilang pisngi ni Themarie,Di ko alam na nagba blush ang mukha nito akala ko dati dala lang nang make up yun dahil parati itong naka ayos pag nakikita ko ito, pag sinasalubong ako mula sa pag uwi ko at pag inaakit nya ako at syempre nagpapaakit din ako,
Maganda kaya si Themarie sexy at nakakaakit ang dating lalo na pag ngumingiti nang mapanukso sa akin...
Alam ko na maganda sya pag naka make up pero mas maganda pala si Themarie pag ganito na wala syang make up at napakasimple nang ayos...Nung na trauma ito at parang natulala ay wala naman kaemo emosyon ang mukha nito at sa nakikita ko na mga emosyon na nakalukob sa maganda at maamo nyang mukha pero si Manang Dolor gusto na inaayusan si Themarie kasi daw gusto ni Themarie na pag nakikita ko sya ay maganda sya at presentable, pinapagalitan pa nito ang nurse na nagbabantay dito pag nakikita nito na walang make up si Themarie at nandun ako.
Pero sa nakikita ko ngayon na simpleng ayos ni Themarie ay parang nagkakaroon na ako ng fetish na tuksuhin para mamula ang magkabilang pisngi nito at ikulong ang balingkitan na katawan nito sa mga bisig ko.
Mas gusto ko na simple lang ang ayos nya ngayon....
"Daddy nakatayo ka pa din dyan uubusan na kita ng ulam!" Naputol ang pagmumuni ko nang sumigaw si Baby Percy mula sa likod ko.
Agad na lumingon ako at nakita ko na si Baby Percy na nakangisi nang nakaupo sa upuan at dinudulugan ni Themarie nang pagkain ang plato nito.
Ang bilis naman nakaupo ni Baby Percy sa hapag kainan ah dinaig pa ako dapat kami ni Themarie ang magkasalo na kumain kung di lang sa dahil sa maagang paggising nitong bata na ito. .....
Hay panira nang moment.....
Napakamot tuloy ako ng ulo at matamlay na naupo na din sa harap ng mesa.
Kukuha na sana ako nang kanin nang lagyan ni Themarie nang mainit na kape ang tapat ko at saka kiming ngumiti sa akin at bumaling kay Percy at ito naman ang inasikaso.
Napapalunok na dahan dahan na nilagok ko ang laman ng tasa at di ko napigilan na di mapapikit nang malasahan ko ang pamilyar na timpla ng kape na matagal ko nang hinahanap hanap at pinananabikan na muling matikman na tanging si Themarie lamang ang nakakapag timpla....
Parang nabitin pa ako nang maubos ko na ang laman ng tasa ko at bumaling ulit ako kay Themarie na tila naramdaman na pagtitig ko dito kaya naman dahan dahan na lumingon ito sa akin at binigay ko dito ang tasa ko.
"Pwede mo ba akong ipagtimpla ulit Themarie ng kape nabitin kasi ako eh" malambing na pakiusap ko dito.
Tumango naman agad ito at kinuha ang tasa sa akin.
"Daddy may mga kamay at paa po kayo maglakad ka po papunta sa may Coffee maker at kayo na ang magtimpla nang kape nyo kasi ako dapat ang inaasikaso ni Tita Themarie kasi ako ang alaga nya di po ikaw" singit ni Baby Percy na maganang kumakain halatang nagustuhan nito ang mga nilutong pagkain ni Themarie.
Pinipigilan ko na tumaas ang kilay ko at saka napipilitan na ngumisi sa magaling kong Anak.
"P---pero Son nagustuhan ko ang timpla ni Themarie nang kape ko wala naman masama na makiusap ako sa kanya na ipagtimpla nya ako sandali lang naman yun" Aba't kanina pa ito naninira ng moment ng may moment! Pero ngumiti lang ako dito at sa halip ay malambing na umapela ako dito na pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko sa pagngiti ko.
Kahit parang kanina pa ako bwunibwisit nitong anak ko na ito mahal na mahal ko pa din ito eh!
Dahil kundi dahil sa kanya ay di ko muling makikita at makakasama si Themarie....Sumimangot si Baby Percy sa akin at saka muling bumaling kay Themarie na pabalik na pala at dala dala na ang kape ko... Yes!!!
"Tita Themarie I want hot chocolate please" pakiusap ni Baby Percy kay Themarie na ngumiti lang dito at saka tumango at muling nagpunta sa counter para ipagtimpla si Baby Percy nang chocolate.
Pagkatapos ay muling nagbalik ang atensiyon nito sa pagkain at inisban ako!
Hay sarap ibalik nitong anak ko na ito sa sinapupunan ni Themarie....
Gagawin na lang namin ulit ikaw Baby Percy!!! Di ko napigilan ang mapatawa nang malakas sa kalokohan na naisip ko.Tinaasan lang ako ni Baby Percy nang kilay.
Habang si Themarie ay maang na nakamasid lang sa akin."Si Daddy parang sira aga aga pa high na high na" naiiling na bulong nito na lalong ikinahalakhak ko nang malakas.
Yep...tama ka Son high na high ako sa kaligayahan na nadarama ko ngayon na kapiling ko na ulit si Themarie at magkakasama na tayong tatlo ngayon....
