Chapter 14

15.1K 306 6
                                        

"How is she?" Agad na tanong ko sa nurse na sinusuklay ang mahabang buhok ni Themarie.

"Okay naman po sya Sir" sagot nito.

Napabuntunghininga sya at pinagmasdan  si Themarie.

Gising na ito pero tulala pa din.

Ang sabi ni Tito Herard ay tila na trauma daw ito kaya naman tila ayaw na nitong bumalik sa realidad at nakuntento na lamang na ikulong ang  sarili sa tila panaginip na kinaroroonan nito.

May mga test na ginawa na dito ang Tito Herard pero lahat nang yun ganun at ganun pa din ang lumalabas at mas nahihirapan pa sila kung ano ang mga dapat na iturok at ipainom dito na mga gamot dahil ang mga gamot na yun ay bawal sa kasalukuyan na lagay ni Themarie...

Buntis ito na talagang ikinawindang ko dahil tinapat na kami ng doktor na kaibigan pa mismo ni Mama na baog si Themarie...

Tapos ngayon eto at nagdadalang tao ito ngayon...

Kailangan mabalikan ko ang Tita Nerie ko na sumuri kay Themarie at alamin kung nagkamali lamang ba ito sa pagsuri sa aming mag asawa...

"Iwan mo muna kami" utos ko sa nurse na agad naman na tumalima.

Naiwan kami ni Themarie sa kwarto.

Muli ay huminga ako nang malalim at saka naupo sa tabi ni Themarie at hinawakan ang malambot na kamay nito.

Pinagmasdan ko ito at napangiti ng mapakla dahil kahit tulala ito at walang malay sa nangyayari sa paligid napakaganda pa din nito na humihila sa akin at umaakit sa akin papunta sa kanya....

Hinaplos ko ang malambot na pisngi niya at tumulay sa matangos na ilong nya papunta sa natural na mamula mulang labi nito at dinama gamit nang daliri ko ang kurba ng labi nito...

Pero nanatiling walang reaksiyon mula kay Themarie ang aksiyon na ginawa ko.

"You know what Themarie dapat magalit ako sa'yo kasi dahil sa iyo namatay ang Anak ko..... pero di ko magawa gawa kasi ang saya saya ko dahil dito" hinaplos ko ang impis pa nitong tiyan.  "Mapapalitan mo naman s'ya di ba?" Parang tanga na tanong ko dito at saka hinagkan ang malambot na labi nya at napapikit ako dahil kahit wala itong karea reaksiyon ay ganun pa din ang dating ng lakas ng atraksiyon na nararamdaman ko para kay Themarie.

Tinapos ko agad ang pagdampi ng labi ko sa labi nya dahil baka di ako makapagpigil at higit pa dun ang magawa ko.

At di tama na samantalahin ko ang kasalukuyang lagay ni Themarie....

-------------------

"Jasper hijo ba't ka napasyal dito?" Nakangiting salubong ni Tita Nerie at agad na humalik ako sa pisngi nito.

"May kailangan kasi na itanong ako sa iyo Tita Nerie" agad na sabi ko.

Napansin ko na tila natigilan ito pero mabilis naman na nakabawi at ngumiti ito agad.

"S--sure Jasper halika maupo ka muna and what do you want juice, coffee?" Alok nito pero umiling ako dito.

"No Tita Nerie okay lang po ahm....kailangan na bumalik agad ako sa hospital nandun po kasi si Themarie" sagot ko dito.

"Okay...." huminga ito nang malalim at muli ay alanganin na ngumiti sa akin. "Ano ba ang kailangan mong itanong sa akin?"

"Tita it's about the result nang ginawa mong test sa amin ni Themarie.....did you really double check it?" Matiim na tinitigan ko ito.

Tila biglang naging restless ito sa itinanong ko and it confirm my guts that something is wrong with the results three years ago.

"Jasper kasi....hijo..." tila di ito makahapuhap nang isasagot sa akin.

"Tita Nerie I need a solid answer now!" Madiin na ang boses na pukaw ko sa tila lito nitong pag iisip.

Bigla ay napaiyak ito sa pagkagulat ko.

"Jasper I'm sorry ayaw ko naman na gawin yun eh kaya lang alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa Mama mo kaya nang hilingin nya na gawin ko yun ay g--ginawa ko.....I'm sorry Jasper believe me ayaw ko na gawin yun kaya lang kasi----"umiiyak na pag amin nito.

"Ang ano Tita Nerie?" Nagtatagis ang bagang na tanong ko dito.

"Jasper kasi-----"

"Ang ano Tita Nerie Ano?!"  Di ko na napigilan na mapasigaw sa kaharap ko.

Halo halo na ang emosyon na nadarama ko galit,pagdaramdam, pati na ang kagustuhan na magwala dahil dama ko sa sarili na anuman ang malalaman ko ay tiyak na di ko matatanggap lalo't ang sangkot ay ang  Mama ko .....

"Jasper wala naman na.....may diperensiya sa inyo ni Themarie at kaya naman di sya  agad mabuntis buntis kasi.....kasi m--mababa lamang ang sperm count mo pero dahil lamang yun sa mga stress na nararanasan mo at yun mga inireseta ko na gamot para inumin mo ay para marelax ka at muli ay umayos ang sperm count mo" naiiyak na paliwanag nito.

Naningkit ang mga mata ko sa mga sinabi nito.

"Kung ganun Tita Nerie wala sa amin ang may diperensiya at kahit ilang anak pwede kaming magkaroon nang Asawa ko ganun ba?" tumango ito.

Nanggigil na napasuntok ako sa pader sa sobrang galit ko.

"Tita Nerie bakit? Bakit nyo nagawa ito ni Mama sa akin?"

"Ang sabi ni Cora gusto nya na pag nalaman mo na di ka mabibigyan nang Anak ng Asawa mo ay hiwalayan mo ito at balikan mo si Mikaela" tugon nito.

"Pero di ko ginawa ganun po ba?"
tumango  ito.

"I'm sorry Jasper di ko lang magawang tanggihan ang Mama mo alam mo naman na----"

"That's not enough reason para lokohin nyo ako Tita Nerie, If yun gusto nyo ang ginawa ko, If hiniwalayan ko nga ang Asawa ko di ang saya saya nyo naman dahil para nyo akong robot na sinususian at inilagay sa dulo nang mesa para hintayin na mahulog sa pesteng sitwasyon na gusto nyong paglagyan sa akin" galit na galit na wika ko dito.

Naiiyak na lumapit ito sa akin pero umatras ako dito at mabilis na pumunta sa pinto at mabilis na lumabas at iniwan ito.

Kailangan na makausap ko si Mama,

Kailangan nyang magpaliwanag sa akin kung bakit nya nagawa ang napakasamang biro na yun sa amin ni Themarie....

Of all the people na malapit sa akin di ako makapaniwalang ang Mama pa ang makakagawa nun sa akin....




FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon